MASAYANG NAGISING si Hasumi dahil hanggang ngayon ay nakahiga pa rin siya sa matikas na dibdib ng lalaki. Tinitigan niya ang mukha ng lalaki at maigi niya itong inaral. Ang guwapo ng kaniyang kasintahan lalo na kapag sa malapitan ito titigan. Gumalaw ang lalaki kaya ay agad na pumikit si Hasumi at nagkunwaring tulog pa rin. Hindi niya napigilan ang sarili niya na ngumiti buhat nang maramdaman niya ang labi ng lalaki sa kaniyang noo. She felt loved and respected because of the smooth kiss. "Good morning, Baby," bati ng lalaki sa kaniya. Simple lamang ito subalit napakasaya ni Hasumi nang marinig niya ang boses ng lalaki. Ang guwapo pa lalo pakinggan ng boses ni Brael kapag umaga. Niyakap siya nang mahigpit ni Brael. Humarap na sa kaniya ang lalaki at mas humigpit pa ang pagyakap nito sa

