NAGMADALI SA paglalakad si Brael patungo sa HQ ng Black Tarantulas. Kilala siya ng guwardiya sa labas ng silid kaya ay pinapasok siya agad nito. Napapikit na lang siya sa kaniyang nakita. Ang mga miyembro ng team na ito ay parang walang pakialam kung ano ang nangyayari kay Sathania. They were doing their own business. May nga iba na naghahalikan at ang iba naman ay panay sa pagdodroga. Lumapit siya sa isang lalaki at tinitigan niya ito nang seryuso. Tantya ni Brael ay ito ang siyang tumatayong leader ng grupo habang wala pa si Sathania. "Kung ang Queen namin ang sadya mo ay mabuti pa na umalis ka na. Wala siya rito. Imposibleng hindi mo alam iyon, Montegarde," sabi ng lalaki sa kaniya. "Alam ko na alam mo kung ano ang totoong nangyari kay Sathania. So, where the f**k is she? And what h

