MARKUS HAS tend to visualize on his mind all of his memories from the past. After the tears fell last night, aaminin niyang matinding kalaban niya rin sa misyon na ito ay ang kaniyang sarili. Subalit, napadpad ang kaniyang tingin sa isang nakasisilaw na repleksyon na nagmumula sa labas. Kaya naman agad siyang napabangon upang tingnan iyon. Pagkakita ay wala siyang ibang nasilayan kundi nakasisilaw na liwanag. Hindi niya nakita kahit ang bulto niyon. Maya-maya pa'y nakarinig siya ng tinig ng isang lalaki. Isang tinig na babalot ng kasiyahan sa kaniyang kalungkutan. "Kumusta ka, Markus?" Sandali siyang napaatras matapos na marinig 'yon. Ngunit kalauna'y napagtanto niya na wala naman pala siyang dapat katakutan. Pero hindi maiwasang magtaasan ng balahibo niya dahil ang kausap niya ngayon a

