BINALIKAN NI Markus ang naging pag-uusap nila ni Betina. Kung saan ay bigo pa rin siya na malaman ang tungkol sa pagkatao nito. All along on his staying from Bear City, he never thought the reality that he was a traveler-- that his soul had went to another place to live again for mission. Pero paano kaya niya matatanggap ang kapalarang ipinagkaloob sa kaniya ng Maykapal? Kasisibol lamang ng buwan nang magdesisyon si Markus na magpahinga na. Tapos na rin nilang papasukin sa kaniya-kaniyang kulungan ang mga oso at madamitan ang mga taong oso bilang paghahanda sa pagbabalik anyo nito sa umaga. "Iniisip mo pa rin ba ang sinabi ko sa'yo kanina?" Napalingon siya sa boses na iyon. Kailanma'y madalas siyang ginugulat ng presensya ni Betina. Kaya naman tumikhim siya sandali bago pa man nagsalita

