HINDI MAITATANGGING hindi madali na mapaamo ang isang osong mailap para kay Markus. Sa halos isang buwang pananatili niya sa Bear City ay masasabi niyang hindi pa rin maamo ang ilang oso sa kaniya. Kaya naman umaga pa lang ay umisip na siya ng magandang putahe na siguradong bago at masarap para sa panlasa ng mga alagang oso. Maaga siyang nagpunta sa malawak na taniman upang pumitas ng monggo, malunggay at kalabasa. Saka nanguha ng isda sa may ilog. Nakatutuwa dahil ang malawak na tanimang iyon ay halos kumpleto na at masasabi mong mabubuhay ka talaga nang hindi kailangang gumastos. Matapos ibabad ang monggo sa tubig ay saka niya hinugasan ang isda. At kamukat-mukat ay nasilayan na niya ang unti-unting pag-usbong ng araw. "Magandang umaga!" Halos mapatalon siya sa pagkagulat nang dahil

