ON A CONTRARY, Markus would not thought the possibility from his wrong action on the past life. Marahil ay danas na niya ang hirap sa araw-araw at natutong masanay sa bagong uri ng pamumuhay. Ngunit, naisip niya na kung ito ba ay isang parusa o kondisyon para sa kaniyang kasalanan. Na kung ang kalakip ba ng misyon na kailangan niyang matapos ay naghihintay na parusa o kondisyon. Muli niyang inalala ang araw na sinabi sa kaniya ni Betina na ibibigay nito ang huling kahilingan kung sakaling matapos niya ang misyon. Kaya naman nang kaniyang makita si Betina na nagpapahangin sa bintana ng bahay kubo ay nilapitan niya ito para kausapin. "Naisip ko lang, ano kaya ang magiging kahinatnan ng misyon ko rito? O kahit ikaw sa misyon mo? May kalakip ba itong parusa o kondisyon kapag hindi ka naging m

