IT WAS a time for exception of Markus soul to other body, in order for him to live again. Out of his knowing, he was reborn as an old man who become an exile and nothing.
Tiningnan pa niya ang kaniyang kabuuan at kinilatis ng mabuti ang bagong katauhan. Tunay ngang nagbago ang kaniyang pangangatawan maging ang balat na bumabalot sa kaniyang katawan ay nangulubot na. He was addressed in a place where he doesn't know he was belong. Ibang-iba na siya at sigurado siyang walang makakakilala sa kaniya. Tunay ngang natalikuran na niya ang dating pamumuhay.
He was placed on a wide plain in which he could not see any familiar face. No one has known him. At hindi niya alam kung sumpa ba ng kapalaran ang nangyari ngayon sa kaniya. Ni hindi niya nga alam kung saan siya napadpad. Dahil tila kakaibang mundo ang kaniyang napuntahan. Mga hindi ordinaryong tao ang kaniyang nakikita dahil kalauna'y nagpapalit ang mga ito ng anyo bilang oso. Magtatakip silim na nang makita niya ang pagpapalit ng mga anyo nito. Ang laki ng mga ito ay mahigit dalawang metro. Habang mayroon itong mga kulay brown na balahibo.
Sinubukan niyang maglakad nang marahan. At paunti-unti ay natanaw niya ang mga ito na nagsisi-aakyatan sa mataas na kabundukan. Para bang hindi niya alintana ang bilang ng mga ito na kaniya-kaniyang hanap ng kanilang makakaing damo.
"Tao na naging oso? Nasaan ba ako?" Hindi naiwasang maitanong niya sa sarili. At sa pagkakataon na 'yon ay nagulantang siya sa malakas na kidlat na bumalot sa buong kalupaan.
"Nandito ka na pala." Napalingon siya sa hindi pamilyar na boses na iyon. At sa pagsulyap niya ay nawindang siya nang makita ang isang nilalang na may mahabang buhok at balingkinitang katawan.
Napatango siya. "Hindi ko alam kung nasaang mundo ako, p'wede bang sabihin mo sa akin?"
"Narito ka sa bear city of wonderland at sa tingin ko ay nakahanap na sila ng bagong mag-aalaga sa kanila," nakangiting wika ni Betina, isang diwata na nag-anyong normal na tao.
"Hindi kita maintindihan.."
"Dahil ikaw ang nakatadhanang mag-alaga sa kanila, tanda. At katuwang mo ako sa pag-aalaga sa kanila."
"Anong tanda? Sandali, hindi pa ako matanda," pagtanggi niya.
Doon niya narinig ang malakas na pagtawa ni Betina. "Nahihibang ka na ba? Kulubot na ang balat mo at sadyang napakalayo ng balat mo sa balat ko para masabing ka-edaran lamang kita."
"Pero bakit napakaraming oso?"
"Dahil nga nandito ka sa bear city of wonderland!" Napaatras siya sa narinig. Sadyang kakaiba ang pamumuhay na ito kumpara sa nakasanayan niyang pamumuhay.
"Pero paano ko naman sila maaalagaan ng tama kung hindi ako magkakaroon ng sapat na lakas. Lalo na't hindi ako kumakain ng damo, may ibang makakain pa ba rito?"
Napangiti si Betina. "Bukod sa mga punong nasa paligid ay iyon lang ang alam kong maaari mong kainin."
"Mabubusog ba ako ng prutas at gulay lang araw-araw? Gusto ko ay palay."
"Malabo yata ang sinasabi mo, tanda. Dahil walang kaalaman ang mga oso sa pagluluto. Simula nang sila'y isumpa ay nakalimutan na nila ang dati nilang pamumuhay. Pero may alam akong p'wedeng paglutuan," wika nito na nagbigay pag-asa sa kaniya.
-
Mula sa bayang iyon ay sinuyod nila ang kabundukan para manguha ng mga panggatong matapos siyang ipakilala ni Betina sa mga oso. Habang ang ilang oso'y nakasunod lamang sa kaniya. "Hindi nila ako sasaktan?"
"Oo, dahil nakatatak na sa mga isip nila na ikaw ang magiging bago nilang amo." Napaawang ang labi niya sa narinig. At kalauna'y ikinuskos ng oso sa kaniyang paa ang nguso nito. "Tanda iyan ng kanilang pag-amo, halika na at sumunod ka sa akin."
Sumunod siya kay Betina at doo'y nakita nga nila ang mga kakahuyan na p'wedeng gawing gatong. "Ang problema ko na lang ay kung paano makalilikha ng apoy para makapagluto ng pagkain," aniya.
"May naisip akong paraan," ani Betina. At doo'y nagsimula na nga itong magdampot ng mga tuyong kahoy. Saka ipinagpatong-patong ang mga iyon na sinisigurong may makalalabas na hangin. Saka ito kumuha ng hibla ng kahoy na siyang ikukuskos sa kapwa nito kahoy. "Kailangan mong makakuha ng spark sa bawat kahoy upang makalikha ng apoy. Mahirap sa umpisa pero kailangan mong sikapin." Nanatili siyang nakatingin sa ginagawa ni Betina hanggang sa marinig na naman nila ang malakas na kidlat. Dahilan para magkaroon ng paraan si Betina na madaling makakuha ng apoy dahil sa spark na hatid ng kidlat. At tila humanga siya sa nakita nang makalikha si Betina ng apoy. Animo'y nagdulot iyon ng init at usok sa buong paligid. Habang ang mga oso ay napapalingon din sa apoy. "Natural lamang sa kanila ang manibago sa makita. Dumito ka muna at kailangan mong panatilihin ang pag-apoy." Umalis na muna si Betina at sa pagbalik nito ay may dala na itong palay. Saka ito kumuha ng bamboo at hinati sa gitna upang ilagay doon ang mga palay. Maya-maya pa'y nagpunta si Betina sa may malapit na sapa upang hugasan ang mga palay.
"Nakatutuwa kung paano mo naaalala ang mga gawain ng isang tao," aniya. Lingid sa kaniyang kaalaman ay isinumpa rin si Betina ngunit hindi kasing lala nang pagsumpa sa mga nilalang na nagiging oso tuwing magtatakipsilim.
"Dahil tao pa rin ako, nakakapag-isip ng tama." At habang pinagmamasdan nila ang apoy na nagsisilbing pangluto sa mga palay ay hindi niya maiwasang isipin ang buhay dati. Aaminin niyang napakapayapa ng mundong ginagalawan niya ngayon subalit hindi niya maitangging nangingibabaw ang lungkot dahil napalayo siya sa piling ng kaniyang ina.
"Saan ka pala natutulog?"
"May maliit akong kubo banda roon, 'wag kang mag-alala dahil masarap doon matulog."
"Kung ganoon ay nasanay ka na talaga sa buhay na ganito? Bakit ayaw mong subukang bumalik sa mundo ng mga tao?"
"Dahil hindi pa tapos ang misyon ko," sabi nito na nagpa-isip sa kaniya.
Tunay ngang napabilang siya sa isang lugar na hindi ordinaryo sa kaniya. At kung nalaman niya na may misyon si Betina, napaisip din siya sa sarili na baka may misyon din siyang dapat gawin. At kung anuman 'yon ay dapat niya iyong harapin at tanggapin.
Subalit, makababalik pa kaya si Markus sa tunay na mundong kaniyang pinanggalingan?