“HEY, kumusta na diyan?” tanong ni Lia sa kakambal niyang si Yumi habang nakahiga sa kama doon sa kanyang hotel room.
“Ayos naman.”
“Si Dad?”
“Ayon, nag-golf. Kailan pala ang uwi mo?”
“Mamayang gabi ang flight ko pabalik ni Manila.”
“Gusto mong sunduin kita?”
“Nah, for sure susunduin naman kami ng driver ni Sofie.”
“Okay, I’ll see you at home, then. Iyong bilin namin sa’yo na pasalubong ah,” mahigpit na bilin pa nito.
“Oo na,” natatawang sagot niya bago pinutol ang tawag.
Naroon sila ngayon sa Milan, Italy. Mahigit isang linggo na silang naroon dahil sa photoshoot niya para isang international make-up brand at fashion show kung saan rumampa siya para sa isang sikat na brand ng damit. Napalingon si Lia nang biglang tumayo si Sofie na abala sa pagche-check ng mga gamit niya.
“Kumpleto pa rin ang tampons mo? Mahigit isang buwan na lumipas since binili ko ‘to ah, bakit parang wala pang bawas. Are you wearing napkins all this time?”
Napakunot noo siya at bumangon. Napaisip si Lia nang malalim at alanganin umiling.
“Actually… ah… no, hindi rin ako gumamit ng napkins.”
Napaunat ng tayo si Sofie at nagsalubong ang kilay.
“Teka, ang gulo, ibig sabihin hindi ka pa dinadatnan?”
Agad napabilang sa isipan si Lia at pilit na inalala kung kailan siya huling dinatnan ng buwanang dalaw. Mayamaya ay umiling siya.
“Parang hindi pa…”
Noong nakaraan buwan, naalala pa niya na malapit na ang eksaktong petsa kung kailan siya magkakaregla. Pero naging sunod-sunod ang schedule niya ng mga sumunod na araw hanggang sa nawala na sa kanyang isipan. Photoshoots for endorsments, magazine photoshoots, fashion shows, travel pabalik-balik sa America, Europe at Asia. Hindi na naalala pa ni Lia ang period niya dahil masyadong naging abala sa trabaho at laging pagod. Sa tuwing umuuwi siya ng bahay o kaya sa hotel room ay madalas nakakatulog na agad siya. Ngayon lang naalala ni Lia na tila hindi nga siya dinatnan noong nakaraan buwan.
“Lia, don’t tell me you’re pregnant?” nagdududang tanong ng Manager niya.
Napasinghap siya ng malakas sabay takip ng kamay sa ang bibig kasabay ng pagbalik sa kanyang isipan ng mainit na sandaling pinagsaluhan nila ni Michael. That was exactly a month and a half ago. Napatingin siya kay Sofie nang lumapit ito sa kanya.
“Ngayon pa lang sabihin mo na sa akin ang totoo, Lia. Hindi naman ako magagalit eh. Kailangan ko lang malaman para mapag-isipan ko ang dapat gawin. Now, tell me, are you pregnant?”
Tulalang napailing siya. “I don’t know.”
“Did you do it with Benj?”
“No!” mabilis na sagot niya. “Well, I admit, I let him kiss me once. Gusto ko kasing malaman kung kaya ko na bang makipag-relasyon sa iba. Pero hindi iyon natuloy, tinulak ko siya.”
“Or is it your husband? Natatandaan ko, pina-move mo ang lahat ng schedule mo para malibre ang araw kung kailan kayo nagkita. You spent the whole day with him. May nangyari ba sa inyo?”
Parang maiiyak na napatungo si Lia at binaon sa dalawang palad ang mukha saka tumango.
“We did it, several times that night.”
Imbes na mainis at narinig pa niya itong natawa.
“Itatanong ko sana kung nadala lang kayo, but looks like it’s not. Akala ko ba galit ka pa rin sa kanya?”
She sighed. “Noon, oo. Ngayon? Siguro, hindi ko na alam. Pero hanggang ngayon, sa tuwing naalala ko ‘yong nangyari limang taon na ang nakakalipas, nararamdaman ko pa rin ang galit sa kanya. Even the night before it happened, we were fighting. Inaaway ko siya. Binuhos ko lahat ng galit na naipon sa dibdib ko ng limang taon. I was lashing out on him. But when he kissed me, I gave in. Hindi ko na napigilan ang sarili ko.”
“When you poured out your anger, kasama rin kumawala iyong totoong nararamdaman mo para sa kanya,” sabi ni Sofie.
Natigilan si Lia at napatitig sa manager niya.
“Kahit hindi mo aminin sa akin, girl. Kilala kita, alam kong siya pa rin ang mahal mo. If not, sa bait ni Benj, malamang naging kayo na noon pa. Pero hindi, you stayed loyal and faithful to your husband. Kahit na ayaw mong aminin noon.”
Umiling siya. “Ayoko na siyang mahalin, Sofie. I’m tired. I’m scared. Kung totoong buntis ako, hindi ko alam kung anong gagawin ko. Limang taon na kaming hiwalay ni Michael. May sarili na kaming buhay pareho. Ayoko nang balikan ang nakaraan.”
“Pero hindi mo kayang pigilan ang nararamdaman mo, tama? Dahil kung kaya mo, maybe one is enough, but several times?! My gosh, Lia! Hindi ka magpapaubaya sa kanya ng ilang beses kahit asawa mo pa siya, kung talagang ayaw mo.”
Hindi siya nakakibo.
“You missed him and you still love him, that’s why you let it happen”
Bumuntong-hininga siya. “Anong gagawin ko?”
“First, we need to make sure. We need pregnancy test. Tatawag ako agad sa sekretarya ko, para magpa-schedule agad tayo ng check up sa ob-gyne ko.”
Marahan siyang tumango.
“Don’t worry, kahit na malaman natin na totoong buntis ka. Wala tayong magiging problema sa trabaho mo, hindi naman mahigpit ang Silhouette sa mga ganitong issue,” sabi pa nito pagkatapos ay tumayo ito at lumabas ng kuwarto niya.
Binagsak ni Lia ang katawan sa kama at wala sa loob na napahawak sa puson. Ngayon lang din niya naalala, she was on her unsafe period when they had s*x. Bakit nga ba ganon? Bakit nang makasama niya ang asawa matapos ang matagal na panahon na pagkakahiwalay? Para bang bigla niyang nakalimutan ang lahat. As if she was hypnotized and just agree to everything he said or do.
Nang gabing iyon, natatandaan pa ni Lia, matapos ang unang beses na may mangyari sa kanila. Nagpa-deliver lang si Michael ng pagkain. Para silang bumalik noong panahon na nagsisimula pa lang ang buhay mag-asawa nila at wala pa si Avery. They ate dinner together while talking. Parang bigla niyang nakalimutan ang mga nangyari sa nakaraan. Parang hindi sila nag-aaway bago siya halikan nito. Nagkuwentuhan sila tungkol kay Avery, nagtatawanan at masayang kapiling ang isa’t isa. Pagkatapos kumain at maligo, muli siyang inangkin ni Michael ng dalawa pang magkasunod at paulit-ulit na nagpaubaya si Lia.