“KAILAN binigay ni Lola Martha sa’yo ‘to?” tanong ni Lia sa asawa. “Noong araw na dumating tayo sa farm. Iyong nadatnan mo kami nag-uusap galing ka sa taas. Dapat noon ko pa binigay ‘to sa’yo, on our first engagement, pero na-misplaced ito ni Lola, at kailan lang nila nakita ulit, kaya binigay niya sa akin, sabi ni Lola, bigay ko daw sa’yo,” sagot ni Michael. Marahan siyang natawa. “Kaya pala parang seryoso kayong nag-uusap ni Lola no’n.” Napatingala siya sa asawa nang hilahin pa siya nito lalo palapit at niyakap. Pagkatapos ay bumuntong-hininga ito. “Are you okay?” nagtatakang tanong niya. “Yeah, masaya lang ako dahil nabawi na kita.” Natawa na naman siya. “Wala naman umagaw sa akin ah.” “The situation stol

