IT’S BEEN about past five minutes since they sat down on bed. Iyon ang araw na napagkasunduan nila na mag-uusap tungkol sa mga nangyari dati. Pero lumipas ang sandali na wala kahit sino sa kanila ang unang nagsasalita. Marahil gaya niya, hinahagilap ni Michael ang mga salitang nais sabihin sa kanya. Hinanda na ni Lia ang sarili sa maaaring kahihinatnan ng pag-uusap na iyon. Pero kanina pa lang umaga, pinagdasal na niya na nawa’y pagkakaintindihan, pang-unawa at kapayapaan ang maghari sa kanilang dalawa. Walang away, walang sumbatan, at walang gulo. “Iyong lahat ng narinig mo na sinabi ko kay Benj, did you really believed me?” basag ni Lia sa katahimikan. “Yes,” sagot ni Michael. “Kung ganoon, naniniwala ka nang wala kaming relasyon noon? Na hindi toto

