“MA’AM, may dumating po na package,” narinig ni Lia na sabi ni Jona matapos nitong kumatok sa nakasaradong pinto ng kuwarto nila. Agad bumaba ng kama si Lia at binuksan iyon. Ngumiti siya sa kasambahay at kinuha ang malaking parcel. “Thanks, Jona.” “Ma’am, ready na po ang breakfast, maghahain na po ba ako?” tanong nito. Lumingon siya sa nakadapa at tulog pa rin na asawa na nakatakip ng kumot ang hubad na katawan. “Sige, pero baka mauna na akong kumain. Mamaya pa gising ng Sir mo.” “Okay po,” nakangiting sagot nito. Matapos muling isarado ang pinto ay saka niya nilapitan si Michael at naupo sa side nito ng kama. “Schatz, sasabay ka ba sa akin kumain ng breakfast?” tanong niya. Antok na

