bc

The Illegitimate Heir (SPG)

book_age18+
1.5K
FOLLOW
5.4K
READ
revenge
possessive
second chance
badgirl
dare to love and hate
drama
bxg
childhood crush
enimies to lovers
poor to rich
like
intro-logo
Blurb

There's a saying that; The more you hate, the more you love. Georgina Roxanne Rodriguez really hates everything about Ian Paulo Monte Alto a.k.a. Sean Paul Montreal for no reason. For her, no matter how much the transition of personality Ian Paulo gains in his life it will never attract her as a woman. She hates him then, now and forever that she considered him as a sore eye and nothing about him is interesting but that is how she felt before when she was young. Until one day, they meet again and all the anger that she felt towards him turns into infatuation and love. But, what can she do if Ian Paulo hates her the same way she hated him before? Ian Paulo is determined to have revenge on Georgina and her parents. He wants them to suffer the same way they suffered before or worse. He wants to teach Georgina a lesson and show to her how round the world is. How can Georgina gain his forgiveness and let Ian Paulo give back the love that she has for him? How she can reach Ian Paulo when he is on top of the world and she is at the very least bottom. Would she fight for her love or would she just walk away?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
KASALUKUYAN naglilibot sa buong mundo sina Dra.  Fatima  Velasco Montreal at Mr. David Montreal  para magbigay ng tulong sa mga mahihirap na bansa at magconduct na rin ng medical mission dala ng kahilingan ng anak nilang may sakit.  Habang nasa Pilipinas sila ay dito naabutan ng labis na panghihina ang anak nila at dito na rin nila ipina-admit sa isa sa pinakamalaking ospital sa Maynila ngunit wala ng nagawa ang mga doctor at ang pera nila sa kasamaang palad ay dito sa Pilipinas ito namatay. Inilihim nila ang pagpanaw ng anak at lihim din ang kanilang naging pagluluksa dahil sa pagkawala nito. Sa kagustuhang hindi malaman ng kanya-kanyang pamilya ang nangyari ay inilihim nilang mag-asawa ang lahat. Ayaw nilang biguin ang mga magulang para sa minimithi nilang apo na parehong nag-iisang anak hindi lang dahil sa mamanahing kayamanan ng pamilya kundi ayaw nilang magdulot ito ng kabiguan sa lahat na magtutuloy sa dugo at angkan nila pagdating ng araw kaya naisipan nilang mag-ampon at iyon ay si Ian Paulo Monte Alto. He was nine years old ng pumanaw ang kanilang tunay na mga magulang. Si Ian Paulo at ang dalawa niyang kapatid ay kinuha ng mga social workers at dinala sa isang bahay-ampunan. Halos isang taon siyang nanatili sa orphanage hanggang isang araw mapili siya ng  mag-asawang Montreal para ampunin.  "Mother, siya po ang gusto namin dahil kamukha siya ng anak ko," saad ni Mrs. Montreal  matapos pagpilian silang dalawa ni kuya Matthew niya. "Ah ganun ba Misis, sige at ipahahanda ko na lahat ng kailangan niyong pirmahan na mga papeles para madala niyo na siya kaagad," sagot ng madre na namamahala sa bahay-ampunan. "Huwag nalang po ako please pumili na lang po kayo ng iba ayaw ko pong iwan ang kuya ko dito mag-isa," umiiyak na saad ni Ian Paulo habang mahigpit ang pagkayakap kay kuya Matthew niya at parehong umiiyak. "Iho, huwag kang matakot sa amin dahil bibigyan ka namin ng magandang buhay at ituturin na tunay na anak," saad ulit ni Mrs. Montreal. "Kahit na po gusto ko lang po dito sa ampunan kasama ko ang kuya ko," pagtanggi pa rin ni Ian Paulo. "Ian Paulo iho, pasalamat ka at napili ka nilang mag-asawa hindi lahat pinapalad na maampon. Kung dito lang kayo sa ampunan ay tanging ganitong buhay lang ang mayroon kayo at pag dumating ang araw na nasa tamang edad na kayo ay kailangan niyo nang lumabas at mamuhay mag-isa. Yun ba ang gusto mo?" paliwanag ng madre. Natigil naman sa pag-iyak si Ian Paulo at nag-isip. "Paano po ang kuya ko? Pwede ko po ba siyang isama?" tanong ni Ian Paulo sa mag-asawa. "Iho, ikinalulungkot ko ngunit tanging ikaw lamang ang kailangan namin," saad ni Mrs. Montreal habang ang asawa nitong foreigner ay tahimik lang at nakatingin sa mga batang nakahelera. Si Ian Paulo ay likas na payat at mukhang sakitin noong bata pa siya ngunit nandoon ang pagiging likas na mistiso dahil sa ang ama't ina nila ay parehong nanggaling sa mga dugong kastila kaya siya ang napili ng mag-asawa para mapaniwala ang mga tao at pami-pamilya nila na tunay nilang anak si Ian Paulo at lumaki itong mukhang sakitin. Sa simula pa lang ay sinabi na sa kanya ng mag-asawa kung ano ang dahilan ng pagka-ampon nila sa kanya at itinanim na sa isipan niya sa murang edad na kailangan niyang panindigan ang maging tunay nilang anak sa isip at sa buong pagkatao maski ano pa ang marinig na sasabihin ng ibang tao ay mananatiling lihim kung ano at sino siya.  "Iho, kaya ikaw ang napili namin dahil kamukha mo iyong anak namin na namatay. Ipapalit ka namin sa kanya at mula sa araw na ito ay ikaw na si Sean Paul Montreal. Kakalimutan mo ang lahat ng tungkol sayo at buburahin  sa isipan mo ang lahat ng alaala na meron ka tungkol sa kung sino ka at lahat tungkol sa tunay mong pagkatao. Mananatiling lihim ang lahat at tanging tayo lang ng Daddy mo ang nakakaalam ng totoo. Kahit ano ang sabihin at marinig mo sa ibang tao ay hindi mo ito papansinin at paninindigan mong ikaw ay tunay naming anak," mahigpit na bilin ni Mrs. Montreal habang sinisimulan ang proseso sa pag-ampon sa kanya. "O-opo," nauutal na sagot ni Ian Paulo sa murang isipan ay naiintindihan na niya ang ibig sabihin ni Mrs. Montreal. Pagkatapos maayos ang lahat ng papeles sa pag-ampon sa kanya ay dinala siya ng mag-asawa sa Maynila. Dito sa Pilipinas pansamantalang namalagi ang mag-asawa. Dito muna nila hinubog ang buong pagkatao nito at personalidad na naaayon sa kung paano ang namayapa nilang anak at kung paano siya gusto nilang lumaki at maging.  Makalipas ang dalawang taon ay malaki ang pinagbago ng katawan at itsura ni Ian Paulo halos hindi na  malayo ang itsura niya sa tunay na Seal Paul Montreal at maging sa mga adoptive parents niya na halos pareho narin ang itsura niya bagay na ikinatuwa ng lubos ng mag-asawa dahil parang nabuhay ang anak nila sa katauhan ni Ian Paulo.  "Masayang-masaya kami iho at napakadali mong turuan and look at yourself now! Kamukhang-kamukha mo na kami ng Daddy mo at pati pananalita ay madali mong natutunan ang British accent. Thank you iho at hindi mo kami binigo ng Daddy mo!" ang Mommy niya habang sinisipat siya mula ulo hanggang paa. Nang sa  tingin nila ay handa na si Ian Paulo mamuhay sa katauhan ni Sean Paul  Montreal at humarap sa mga pamilya at kakilala ng mag-asawa ay dinala na siya ng mga ito papunta sa London, England kung saan doon nakabase ang mommy niya bilang doctor at ang daddy niya na isang football club manager hanggang sa doon na siya nag binata at tuluyan ng binura ang lahat ng tungkol sa nakaraan niya at kinalimutan pansamantala ang mga kapatid na nawalay na katulad niya ay inampon din ng iba. Ang mommy niya ay kaisa-isang anak ng mga magulang nito na parehong mga negosyante at matagumpay na nakapag patayo ng sariling negosyo na pagawaan ng mga processed meat and canned products samantala ang Daddy niya ay nagmula sa isang aristocrat families na nagmamay-ari ng isang sikat na Football club at bilang kaisa-isang anak siya na rin ang namahala at tumayong manager. Lumipas ang mahabang panahon at ito na siya ngayon, isang matagumpay na football player at namamayagpag ang pangalan sa buong mundo.  Ngunit sa kabila ng lahat ng narating at tagumpay sa buhay ay may nakatagong galit at poot sa puso niya para sa dating amo ng mga tunay na magulang sa hacienda na pinagsilbihan  ng mga ito at sa nag-iisang anak nito na si Georgina Roxanne Rodriguez. Sa murang edad ni Ian Paulo noon ay tandang-tanda na niya  ang lahat ng kaapihang dinanas ng mga magulang mula sa dating mga amo.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.3K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.0K
bc

His Obsession

read
72.9K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
91.7K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.1K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook