bc

BHO Series #1: His Secret Agent Pretend Wife

book_age16+
3.2K
FOLLOW
10.4K
READ
billionaire
spy/agent
revenge
kickass heroine
CEO
mystery
mercenary
like
intro-logo
Blurb

"You're like a bullet that pierced my flesh, my heart and my soul. Pero sa lahat ng tinamaan ng bala, ako na ata ang pinakamasaya."

Mishiella Greene is the epitome of a fairytale princess. She has money, good looks, and a job that she really loves. Prince Charming na lang ang kulang sa buhay niya. Isang prinsipe na kaniyang makakasama habang-buhay. But the thing is...there's one thing our fairytale-like princess hates the most.

Commitment.

Nang magkrus ang mga landas nila ni Dale Edwin Night, a strikingly handsome businessman currently suffering from amnesia, her world is suddenly turned upside down. To make matter worse, he's her next client and she needs to pretend to be...his wife!

chap-preview
Free preview
Chapter 1
CHAPTER 1 MISHY'S POV "Strike, uulitin ko at sana naman makinig ka kahit papano. Tandaan mo bago ka kumilos o gumawa ng kahit ano, hintayin mo muna ang signal ko." Bilin niya sa akin for the nth time. Kung nagtataka kayo kung sino iyon, he’s my best friend, Paris James Roqas or PJ for short. Sa tagal ng pagkakaibigan namin, kilalang-kilala na niya ako. Alam na alam niyang nang magsaboy ng kakulitan ang Dyos sa mundo ay may dala akong dram at sinalo lahat iyon. Kaya kadalasan din, siya ang napapagalitan ng kuya ko. Sa kaniya kasi ako palaging ibinibilin. Ako nga pala si Mishiella Greene o Mishy. Ang mga nakakakilala lang sa akin ng lubos ang tumatawag sa akin ng 'Strike', my other persona. I'm eighteen years old at kasalukuyang nasa ikalawang taon sa kolehiyo. Pero maliban sa pagiging estudyante isa rin akong... Secret agent. Fourteen years old pa lang ako habang ang kapatid kong si Kuya Ethan ay seventeen nang patayin ang mga magulang namin. Wala kaming ideya  kung sino ang pumatay sa kanila, at iyon ang pangunahing rason kung bakit namin ginagawa ang trabahong ito. Ang pangalawa ay dahil sa gusto din namin ang aming trabaho. Napupunan ng trabaho namin ang mga pangangailangan namin at isa pa, we never get bored. Kabilang kami ng kapatid ko sa top secret agents sa Black Heart Organization, isang legal na organisasyon kung saan gumagawa kami ng imbestigasyon para sa mga kliyente namin. Bago tumanggap ang BHO ng kliyente ay gumagawa muna kami ng masusing background check para matiyak na wala silang criminal record. We don't do dirty works, pero minsan sa mga missions, hindi maiiwasan na may masaktan kahit anong ingat ang gawin mo. Kadalasan mga ebidensya lang ang kinukuha namin at lahat iyon patago. Iniiwasan namin na magkaroon ng engkwentro. But like I said, it's inevitable. Hindi naman laging mahirap ang mga missions namin. Katulad ngayon, kailangan lang naming kumuha ng ebidensya para sa kliyente namin na si Mrs. Ronquillo na naghihinala na may babae ang asawa niya na si Mayor Cesar Ronquillo. Kailangan ko lang makunan si Mr. Ronquillo ng litrato sa akto ng kanyang pambababae. Madali lang sana ito kung hindi lang dahil sa mga guards niya na naka-red alert na din marahil ay dahil sa asawa ng boss nila. Mayaman si Mrs. Ronquillo dahilan para ikatakot nito na magkahiwalay sila, idagdag pa na hindi maganda iyon sa paningin ng mga tao lalo na at mukhang may balak syang tumakbong kongresista sa susunod na eleksyon. "I'm fine, Knowledge. Relax, okay?" napangiti ako. Naiimagine ko na kung gaano kakunot ang noo niya ngayon. "How can I relax? I know you too well, matigas ang ulo mo." napatawa nalang ako. Wala akong balak i-tama siya dahil sang-ayon naman ako sa sinabi niya. Binilin kasi ako ni kuya sa kaniya. I'm such a handful person. Bihira akong sumunod sa mga utos sakin dahil may sarili akong diskarte. "Fine, fine." sabi ko na lang sa kaniya para sa ikatatahimik niya na sinabayan naman nya ng pagbuntong hininga. Kumurap-kurap ako nang maramdaman kong bahagya nang natutuyo ang contact lense na suot ko. It's a spy contact lense called 'Beautiful Eyes'. Weird name, I know. Si PJ ang nagpangalan niyan since siya ang nakaimbento nito. Isa kasi si PJ o mas kilala sa tawag na Agent Knowledge sa mga agents ng experiment department ng BHO na hindi pinapasabak sa field missions. Nasa headquarters lang sila kung saan gumagawa sila ng mga gamot, devices, gadgets at nagiging 'eyes' namin pagdating sa mga mission. Bukod sa Beautiful Eyes may suot din akong mic at LD o listening device para magkaroon ako ng komunikasyon kay PJ, and a small gun underneath my black skirt. Hindi mo aakalain na may baril akong dala, dahil unang-una hindi mo maiisip na ang isang 5'4 feet na babae with long black hair, soft fair skin and a pair of innocent black eyes and pouty red lips ay isang agent who can kill a dozen men in just a few minutes. Pangalawa, sa suot ko ngayon walang sino man ang mag-aakala na makakapagdala pa ako ng baril. I'm wearing a black kirt and a deep blue halter top with a plunging neckline. Thanks to the genius minds of PJ and Katerina Von a.k.a. Agent Book nagawan nila ng paraan na malagyan ako ng baril. Mas maliit pa ito sa normal na baril. Nakatali yon sa inner part ng hita ko. My outfit contradicts my face. Hindi ko naman kailangang masyadong mag-ayos ngayon. I just need a picture, pero mabuti na ang handa. Pumasok na ako sa Pazo Bar kung saan kasalukuyang naroon si Mr. Ronquillo. It's a decent club. Bihira lang ang nakakapasok kaya malaya si Mayor para gawin ang gusto niya. Wala na kaming oras ni PJ para kumuha pa ng membership kaya kailangan kong gumawa ng paraan ngayon. Plan A: Trust Mishy's look, Plan B: Trust Mishy. Cool no? Hinarang ako ng guard nang nasa may pinto na ako. Hinawakan pa niya ako sa braso na alam kong tsansing lang. Imbis na ibalibag siya kung saan ay nag-angat ako ng tingin at ngumiti. I heard his small gasp of breath when he saw my face. "W-Wala kang membership, Miss Ganda." "Wala kasi akong time kumuha eh. Hindi ba pwedeng makapasok ako? Please? Pretty Please?" Tinitigan ko pa siya ng mabuti habang bahagyang naka-pout. Lumapit ako sa kaniya at pinaglandas ko ang hintuturo ko mula sa pisngi ng guard pababa sa dibdib niya. Pinigilan kong mapahalakhak. He looks hilarious. "Miss, mawawalan ako ng trabaho sa gusto mo." "Aw, but I really want to go in. Madami namang tao kaya I'm sure hindi na nila ako mapapansin. Besides kung papayagan mo ko, I'll give you a reward later." Ngumisi yung guard. Kinagat ko pa ang ibabang labi ko. I'm not even trying to be sexy this time, pinipigilan ko lang matawa dahil naririnig ko ang gagging noise na ginagawa ni PJ sa LD. Napangiti ako nang pinapasok na niya ako. Pinigilan kong sipain siya nang maramdaman ko ang mga kamay niya na bahagya akong pinisil sa bandang bewang ko bago niya ako hinayaang makapasok. Dumiretso ako sa stool na nasa mini bar. Sa ilang segundo na umikot ang mga mata ko, I already found him. "One martini, please." maliksi na kumilos ang bartender para gawin ang hiningi ko. Sumulyap ako sa kinauupuan ni Mayor kung saan may dalawang babae sa magkabila niyang braso. I just need to focus my eyes on them and blink, then Beautiful Eyes will do the job. Focus is my key. "Hi, Miss." Napalingon ako ng wala sa oras ng may biglang nagsalita. Nawala ang konsentrasyon ko. Nakakunot-noong hinarap ko ang tumawag sakin. My eyes widened. Am I in heaven? Bakit may angel dito? An angel with a drop dead gorgeous body, a super handsome face, jet black eyes and a kissable lips. Wait. Kissable lips? Napakurap ako. "What the- We need Mr. Ronquillo's picture not whoever that is." napapitlag ako nang marinig ko ang boses ni PJ. Strike, focus. I can't believe this! Ngayon ko lang naranasan na madistract ng ganoon. Kasalanan to ng anghel- I mean ng lalaking ito. Binalik ko na ang tingin ko kila Mayor. It's not my fault, okay? Masyado lang talagang nakakadistract ang mukha ng lalaking nasa tabi ko. Hindi ko na siya pinansin kahit na narinig ko siyang bumulong ng 'sungit'. I should hate this guy for distracting me. Ngayon lang nangyari sakin yon. I'm always in control when it comes to my job at kahit kailan hindi ako nawala sa momentum ko. Kinurap-kurap ko ang mga mata ko habang nakatingin ako kaila Mayor. Walang duda na hihiwalayan na siya ng asawa nya once na maibigay namin ang mga nakuha naming litrato. Ang magandang part doon, baka sakaling mawalan na ang Pilipinas ng katulad ni Mayor. I mean, hello? Ang hirap na nga ng bansa natin tapos may mga tao pang katulad nya. Binalik ko ang tingin ko sa mini bar at kinuha ang martini ko. I'm done, just like that. Napatigil ako sa akmang pag-inom nang makaramdam ako ng komosyon sa likuran ko. Umalis ako sa kinauupuan ko at animo balewala na nag bayad at naglakad paalis. Napatigil lang ako nang makita kong hindi sa akin papunta ang mga guards ni Mr. Ronquillo. Parang biktima sa horror movie na unti-unti kong nilingon ang anghel na nakita ko kanina. "Why the hell did you stop, Strike? Get out, now!" hindi ko pinansin si PJ dahil napako ang tingin ko doon sa lalake. Isa din ba siya sa mga kinuha ni Mrs. Ronquillo para manmanan si Mayor? If that's the case ibig sabihin lang non wala siyang tiwala samin. Napapalatak ako. No, it's impossible. Nakangiting nilapitan ko yung lalaki at hinila ko siya patayo. Halatang nagulat siya nang maputol ang ginagawa niyang pagkuha ng mga picture kay Mayor. Yes, that's what he was doing. "Strike, now!" "They're not after me, Knowledge." "Kahit na-" Hindi ko na pinakinggan ang sasabihin pa niya. Ngumiti sakin yung lalaki dahilan para saglit na mapakurap ako sa pagka-silaw sa ngiti niya. Alam kong nanggagalaiti na si PJ ngayon kaya kailangan ko nang kumilos. "That's Mayor Ronquillo, right? Man, this is big news!" halata sa lalaki na malakas na ang tama ng alak sa kanya. "Stop it." I hissed at him. Hinila ko siya ulit at dahil sa kalasingan marahil kaya napasandig siya sa katawan ko nang mawalan siya ng panimbang. "Hey, missy. I know I'm hot pero hindi mo naman ako kailangang hilahin." Bumuntong-hininga ako at hinila  na siya palabas. Nararamdaman ko na nakasunod sa amin ang mga guard ni Mayor. Sigurado akong ayaw lang nilang makuha ang atensyon ng mga tao sa bar. "Where's your car?" bahagya ko siyang inilayo sa akin dahil halos ipasan na niya ang kaniyang bigat sa akin. Iinom-inom hindi naman pala kaya. Hindi ko maintindihan kung anong isinarap ng mga alak. Oo, umiinom ako pero hindi mga hardcore na inumin. Ang hirap kasi sa mga lalaki nagpapagalingan. Ang tataas ng pride. Kung nakakain lang ang pride baka wala ng taong nagugutom ngayon. Tinignan ko yung lalake at bahagya ko siyang inalog. "Where's your damn car?!" "Why?...Want to do it in my car?" Ngumisi ako sa kaniya at iminuwestra gamit ng hintuturo ko na lumapit siya sakin. Ibinaba niya ang ulo niya. Lumuwang ang ngiti ko ng mapasigaw siya ng pingutin ko ang tenga niya. "Now, where's your car?" Nakasimangot na itinuro niya ang kinaroroonan ng sasakyan niya. Kinaladkad ko siya papunta doon nang makita kong nakalabas na din ng Pazo Bar ang mga guards ni Mayor. Kinapa ko ang katawan ng lalaking anghel para hanapin ang susi. Nang makuha ko iyon ay dali-dali kong binuksan ang pinto ng Jaguar niya at ipinasok siya roon. "Drive as fast as you can and get away from here." akmang isasarado ko na ang pinto pero pinigilan niya ang kamay ko. "You're not coming with me?" Nginitian ko siya ng peke. Itunulak ko ang noo niya gamit ng hintuturo ko para ipasok ang ulo niya sa loob. "Hindi. Drive." Pinanood ko ang sasakyan niya nang humarurot iyon paalis. Buti naman sumunod. Huminga ako ng malalim at humarap na ako sa mga guards ni Mayor ng may ngiti sa mga labi. "Bring it on."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

OWNED BY THE BILLIONAIRE'S BODYGUARD: MATTHEW MONDRAGON

read
51.7K
bc

YOU'RE MINE

read
894.3K
bc

AGENT KARA_SERIES 1(R-18-SPG)

read
199.6K
bc

My Wife is a Secret Agent (COMPLETED)

read
326.4K
bc

My Secret Agent's Mate

read
115.5K
bc

UNDERWEAR/MAFIA LORD SERIES 5/Completed

read
312.3K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook