CHAPTER 6
"Ayos ka lang?" tinignan ako ni Kuya Ethan mula sa rear view mirror, katabi nya si PJ na nasa passenger seat habang ako ay sa likod nakaupo ngayon.
Nagkibit-balikat ako bilang sagot sa tanong niya. Hindi ko pa alam ang dapat kong maramdaman ngayon. Papalahaw ba ako ng iyak o magwawala sa inis? Psh! Kahit isa don ay hindi pwede. Kailangan kong ngumiti kahit na pakiramdam ko ihahagis ako sa dagat na puno ng pating.
Ngayon ang araw na kailangan kong makipagkita kay Dale. Yes, first name basis na. Kailangan kong masanay bago pa ako magkamali kapag magkaharap na kami. Ayon sa mga magulang niya, nagising na siya at nasabihan na tungkol sa kalagayan niya ngayon and of course sinabi din nila ang tungkol sa akin.
Sinamahan lang ako ng dalawang to kahit na kaya ko naman na magdrive mag-isa. Moral support daw.
Married. Wife. No Freedom.
Parang gusto kong ikulong ang sarili ko sa pinakamalapit na kweba. Wala naman sigurong masama kung hindi talaga kami best friends ng salitang 'kasal' diba? Eighteen pa lang naman ako at karapatan ko naman siguro na maging malaya at gawin lahat ang gusto ko. Kahit na sabihin mong hindi naman totoo ang mga mangyayari sa mission na ito, hindi parin maiaalis non ang katotohanan na kailangan ko talagang magpanggap na isang ulirang asawa.
Napatingin ako sa labas ng bintana nang maramdaman kong huminto na ang sinasakyan namin. Napabuntong-hininga ako. This is it.
Binuksan ko ang pinto at lumabas. Tinulungan ako ni PJ na ibaba ang suitcase ko pagkatapos ay sumakay na siya ulit sa sasakyan. Maya-maya ay ibinaba niya ang bintana at nginisihan ako.
"Ingat ka, Mrs. Night." sabi ni PJ na may kasama pang kindat. Gusto ko syang batuhin ng sapatos pero umirap nalang ako at tumingin ako kay Kuya.
"Bye kuya, bye panget."
Naglakad na ako papasok. Inulit-ulit ko sa isip ko ang storya na binuo namin nila kuya. Mamaya kasi may makalimutan ako. Una nagkita kami sa bar, which is true. Tapos naulit ang pagkikita na iyon sa Greece.
Napatigil ako nang muntik ko nang malagpasan ang room kung saan nandoon si Dale, room one-o-three. Kumatok ako.
"Pasok."
Mukhang nanay ni Dale iyon. Bantay sarado talaga siya ng mga magulang niya. I wonder kung dumalaw na si Marga. Kung sabagay kahit na pumunta pa siya hindi din naman siya haharapin ni Dale. Una dahil hindi siya nito natatandaan at pangalawa sinisiraan ng mga magulang niya si Marga sa kaniya, though I'm not sure kung matatawag mo pang paninira kung totoo naman ang sinasabi nila.
Pumasok na ako habang hila-hila ko ang mabigat kong maleta. Galing nga kuno ng Greece pero hindi lang naman puro damit ang laman nito. Nasa secret compartment ng maleta ko ang mga baril ko at iba pang mga gadgets.
"Good evening po." bati ko sa kanila.
Una kong nakita ang mga magulang ni Dale. Ngumiti ako sa kanila. Sumunod na dumako ang paningin ko kay Dale na nakita kong titig na titig sakin.
He looks the same despite the fact that he just had an accident. Para parin siyang anghel na bumaba mula sa langit.
"Hi, Ikaw pala si Mishiella. I'm Sarah Night and this is my husband Alastor."
Kinamayan ko sila. Tinignan ko ulit si Dale at titig na titig parin siya sakin na parang kinikilala ako. Acting starts now. You can do this, strike, ikaw pa!
Lumapit ako sa kaniya habang pinipilit ko ang sarili ko na umiyak. Hindi naman ako nahirapan. Isipin ko pa lang ang boredom na aabutin ko sa pagiging asawa niya, naiiyak na ako. Pagkaraan lang ay sunod-sunod na ang pagpatak ng mga luha ko.
Freedom! My freedom! oh why ,oh why?
"D-Dale..." dinagdagan ko pa ng arte ang pagkakasabi ko ng pangalan niya sa paraan na parang nanginginig ang boses ko.
Pang FAMAS na ang acting ko ngayon. Umupo ako sa gilid ng kama niya kahit na ang gusto ko ay tumalon sa bintana. Aaminin ko, I find this man attractive but my freedom is more important. Kung may girlfriend na over protective sa boyfriend niya, ganon din ako sa kalayaan ko.
Napaangat ako ng tingin ng hinaplos niya ang buhok ko. Masuyo siyang nakatingin sakin na animo matagal na kaming magkakilala.
"I'm sorry. Hindi kita agad napuntahan. Kung alam ko lang...kahit na languyin ko ang dagat gagawin ko."
Sheyt na malagkeyt!Ang korni. Please, barilin niyo na lang ako. O kaya kayo na lang ang pumalit sakin dito, mas maganda pa.
"It's okay, baby."
Napatigil ako sa pagkukunwarian kong pag-iyak. Baby? Sumilay ang magandang ngiti sa mga labi niya. Parang gusto kong sapakin sya para mabura ang ngiting iyon. Kung ako ang nagising isang araw na wala akong makilala at sasabihin nyo sa akin na may asawa ako, paniguradong hindi ko agad matatanggap yon. Siya parang...parang wala lang. Mukhang naturalesa na niya ang pagiging playboy.
"Nalaman ko na meron ka daw sakit. Naaalala mo pa ba ako?" tanong ko sa kaniya at pinigil ko ang sarili kong pumiksi nang hinawakan niya ang kamay ko.
"No. I'm sorry, baby. Don't worry, babalik din naman ang ala-ala ko."
"I hope not."
"Hmm?"
"Ha? Ang sabi ko, I hope so too...H-Honey."
Kill me! Kill me now- Nanglaki ang mga mata ko ng bigla niya akong hinila at niyakap. Patuloy parin ang paghaplos niya sa buhok ko. Hinayaan ko na lang siya at ikinuyom ko ang mga palad ko bago ko pa mabali ang buto niya.
"Ilalabas na daw ako ngayon. Pwede na tayong umuwi sa bahay natin, baby."
"Sure, I'm glad."
I'm not.
Inintay lang namin na i-release siya ng doktor at pagkatapos non ay nag biyahe na kami pauwi sa bahay niya na natatandaan ko parin kung paano puntahan kahit na isang beses lang akong nakarating doon.
Umuwi na ang parents niya sa bahay nila at hindi na sumabay sa amin. Kulang na lang kumapit ako sa gulong ng kotse nila para hindi nila ako iwan sa anak nila na walang ginawa kundi hawakan ang mga kamay ko at yakapin ako. Hindi naman niya masyadong feel na asawa niya ko, no?
"Baby, sabi ni Mama nasa iyo daw ang mga wedding pictures natin."
"Yes, ipapakita ko sayo mamaya."
Tinapos ni PJ ang lahat ng yon. Kung hindi ko lang alam ang totoo baka naniwala pa ako sa mga larawan nang ipinakita niya sakin iyon.
Nang makarating kami sa bahay niya- este namin pala, ay inalalayan niya ako sa pagbaba kahit na siya itong galing sa aksidente. Hindi naman kasi ganon kalala ang mga injury niya. Maliban na nga lang sa head injury na natamo nya.
Pinapasok na niya ang gamit ko sa mga kasambahay na nagsilabasan nang marinig ang pagdating ng kotse.
"Ako na lang." sabi ko kay Dale pero nginitian niya lang ako.
"Hayaan mo na sila."
Binitawan ko ang maleta ko nang maalala ko na kailangan ko palang magpakademure. As if namang may demure na nagpakasal 'kuno' sa isang lalaki na isang linggo pa lang niyang kilala.
Hinila niya ako papunta sa sala at nakangiting tinignan ako. Nag-aatubli na umupo ako sa tabi niya.
"Gusto kong makita yung mga pictures."
"Sure." Pilit ang ngiting sabi ko sa kanya.
Binuksan ko ang shoulder bag ko at may kinuha ako don na envelope kung saan naroon ang mga pictures na ginawa ni PJ. Iniabot ko iyon sa kaniya. Mukha siyang excited habang tinitignan ang mga litrato namin. Mukhang authentic yon kaya hindi ako natatakot na makahalata siyang hindi iyon totoo.
"We look good together." sabi ni Dale na sumulyap sakin. Tinanguhan ko siya at pilit na ngumiti pabalik.
"I wonder what our child would look like."
Nanigas ako sa kinauupuan ko habang patuloy parin siya sa pagtingin sa mga litrato. Sinasabi ko na nga ba. Ilang araw ko nang iniisip kung ano ang kulang dahil pakiramdam ko may nakakalimutan kami.
Mag-asawa kami. Paano yung...yung...yung honeymoon?!
"M-May tatawagan lang ako, honey."
"Sure, aakyat na ako sa kwarto natin. I'll wait for you." kinindatan niya pa ako dahilan para umakyat lahat ang dugo sa mukha ko. Tinanguhan ko na lang siya.
Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa tuluyan na siyang makaakyat. Nagmamadaling hinanap ko ang cellphone ko at tinawagan si kuya. Kailangan niyang malaman to at kailangan ko ng kausap. I'm on the verge of going crazy.
Lalo akong kinabahan ng ilang ring na ay hindi parin sumasagot si Kuya. Kuya! Sagutin mo! Kapag hindi mo sinagot mababaliw ako dito!
"Mishy?"
"KUYA!"
"Aray!- Bakit ka ba nakasigaw?"
"Kuya paano ang honeymoon?!"
Parang napuno ng kuliglig ang paligid sa katahimikan na namayani sa amin. Isa lang ang ibig sabihin nito. Hindi din naalala ni kuya ang tungkol doon! Hindi ko naman siya masisisi. We don't do long time missions like this. Kadalasan madalian lang. Mabilis.
"s**t!" basag ni kuya sa katahimikan.
Great, just great. Pareho kaming nakalimot. Kahit si Boss at si PJ mukhang hindi din naisip ang tiny detail na iyon. A small but important detail.
"Kuya anong gagawin ko?"
"H-Hindi ka pa ba..."
"Of course not!"
Natahimik na naman siya. Kahit na ilan na din ang nakarelasyon ko, hindi naman iyon nagtagal. At isa pa, kung hindi magawa ng iba na i-handle ako sa loob ng tatlong araw, sira ba ako para ibigay sa kaniya ang pinagkakaingat-ingatan ko?
"Sabihin mo may period ka."
"Duh? As if I can pull that alibi for a whole month, or more."
"At least hindi ngayon."
"Kuya!"
"I know, I know. We will think of something, don't worry. Sasabihin ko din to kay Poseidon nang magawan natin ng paraan. For now, use the period thingy."
Bumuntong-hininga ako at sumang-ayon na lang. Pagkaraan ng ilang sandali na pag-uusap nagpaalam na ako sa kaniya. Wala na din naman akong magagawa. Gagawin ko ang lahat ng paraan para lang hindi mangyari 'iyon'. Pero kapag dumating ang oras na maubos lahat ng plano ko. For justice..for my parents, I will give up everything.
Even my own self.