Chapter 3

1756 Words
CHAPTER 3 MISHY'S POV "KUYA!" Tinalunan ko bigla ang nakita kong lalaki na nakatalikod at kasalukuyang naglalakad sa hallway ng headquarters ng BHO. Kilalang-kilala ko ang kuya ko, syempre kuya ko yan eh. Saka likod pa lang niya, iba na. Siya ang epitome ng salitang 'Sexy Back'. "Ugh! Get down, Mishy!" I just giggled. I miss my kuya. Halos isang buwan din kasi kaming hindi nagkita at sa kasamaang palad ay sermon ang inabot namin ni PJ sa huling pagkikitang iyon dahil sa ginawa ko sa mission ko kay Mrs. Ronquillo "Miss you kuya!" kinurot ko pa ang mga pisngi niya na ikinatawa niya na lang. "Bumaba ka na diyan, ang bigat mo. Ilang kabang bigas ba ang kinain mo?" "As if tumataba ako." Iyon ang isa sa ipinagmamalaki ko. Kahit ilang box ng pizza at ilang cup ng kanin ang kainin ko hindi ako tumataba. Mabilis ang metabolism ko. Kaya malakas ang loob ko na kumain ng madami. Ang sarap kayang kumain. "Baba na." "Ayoko, san ka ba kasi pupunta?" hinigpitan ko ang pagkakayakap ko sa leeg niya para hindi niya ako maibaba. "Kay Poseidon. Kauuwi lang din niya galing sa bakasyon." tumagilid siya at itinaktak ang katawan niya para maihulog ako. Napangiti na lang ako. "Sama." "Pinapatawag ka din naman talaga." "O?" "Hindi ka kasi nakikinig kapag may announcement. Hindi na ako magtataka kung mapaos si Poseidon sa kakatawag sayo." Nag pout ako. Nag a-announce kasi si Boss kapag may ipinapatawag siya. Maraming nagkalat na speaker dito sa head quarters. Kadalasan kasi wala ako dito at kapag dumadating naman ako tapos na ang announcement. Naglakad na si kuya. Mamaya ko na lang pupuntahan si PJ kapag tapos na kami sa pakikipag-usap kay Boss. Hindi naman siguro ako uubusan ng food non, best friend ko yon eh. Para akong koala habang nakasabit ako sa likod ni Kuya. May mga natatawa at napapangiti nang makita ang ayos namin. Nang makarating kami sa tapat ng office ni Boss, tumapat lang kami sa retinal scanner. Ini-scan non ang mga mata namin bago bumukas ang pinto. Bumungad sa amin ang isang lalaki na nasa late twenties na niya, twenty-eight to be exact. Maganda ang built ng katawan niya. Nakangiti siya sa amin, emphasizing his strikingly handsome face. He's Enrique Marshall Davids a.k.a. Poseidon. Anak siya ng matalik na kaibigan ng parents namin na kasama nilang napatay noon. Pilit tinanggap kaagad ni Boss lahat ng iyon at kinupkop kami ni kuya. Siya na ang tumayo bilang nakakatandang kapatid at ama namin kahit na twenty-four pa lang siya that time. Bata palang, sinanay na siya ng father niya na si Tito William. Wala na din kasing nanay si Boss dahil namatay ito sa panganganak sa kaniya. Balak ipamana sa kaniya ni Tito William ang Davids Agency na dating BHO pero hindi na nangyari iyon dahil sa mga naganap noon. Si Boss na mismo ang nagtayo sa BHO. Hindi maiwasang hindi ko maalala ang mga nangyari ilang taon na ang nakalilipas. ****I'm so excited! Pupuntahan namin sila Mommy at Daddy sa pinagtatrabahuhan nila kila Tito William. Alam naman namin ang tungkol sa totoong trabaho nila dahil nasabi na nila iyon sa amin kasi bawal ang secrets sa family namin. "Kuya, okay lang ba talaga na mag drive ka? You're not old enough and you don't have a license" "Wag ka nang maingay. Kesa naman tawagin natin si Manong D eh may sakit yon." "But kuya-" "I miss daddy and mommy, don't you miss them?" I pursed my lips. Tumango na lang ako. Ilang linggo na kasi naming hindi nakikita ang parents namin, kaya kami na lang ang pupunta doon para dalawin sila tutal ilang beses na rin naman kaming nakarating doon. Nang makarating kami doon ni Kuya, mabilis na naipasok namin ang kotse sa garahe dahil alam naman namin ang combination. Kaagad na bumaba ako nang makapark si Kuya. I'll see Mom and Dad na! Maybe I can ask them to buy that phone I really, really want. Mataas naman ang grades ko eh. Ako ata ang number one sa ranking namin. Habang naglalakad kami, may napansin ako. May mga ingay akong narinig sa loob na bigla ring tumahimik. "Kuya narinig mo yon?" "Oo. Halika tignan natin." Naglakad na kami papasok. Tumuloy kami sa office ni Tito William dahil mas madali naming mahahanap sila Mommy kapag kay Tito kami nagtanong. "Do you think bibilan ako ni Mommy ng bagong phone, kuya? Mataas naman ang mga grades ko saka good girl ako." "Weh? Good girl ka diyan-" Napahinto kami sa bahagyang nakaawang na pinto ng opisina ni Tito William. "KUYA-"tinakpan ni kuya ang bibig ko at imunuwestra na tumahimik ako. Hindi niya inalis ang kamay niya kahit na tumango ako. Hinila ako ni Kuya sa isang gilid kung saan makikita namin ang mga nangyayari sa loob nang hindi kami nakikita. Nandoon ang mga magulang namin. Hindi namin kilala ang lalake at babae na kausap nila. May hawak silang baril na nakatutok sa parents namin. Sa isang tabi naman, nakahandusay ang walang buhay na si Tito William. "Sabihin niyo samin." "No." matatag na sagot ni Daddy. He looks serious. Ikinasa ng lalaki ang baril at itinutok ulit kay Mommy habang yung isang babae ay kay daddy itinutok ang baril. Nakita ko ang saglit na takot sa mga mata ni Daddy pero hinawakan lang ni Mommy ang kamay niya at bahagyang ngumiti. "Hindi ako mangingiming patayin kayo. Ibigay niyo na samin." "Para mo naring sinabi na ibigay na namin ang mundo sayo. It's our fault kung bakit nagkaron ng ganoong bagay at kami lang din ang may karapatang humawak non para tuluyang sirain. Dahil alam kong kapag napasakamay niyo iyon ay magpapakasasa kayo sa kapangyarihan na kaya nitong ibigay." Napatingin sa gawi namin sila Mommy at Daddy. Nakita ko ang saglit na panglalaki ng mga mata nila pero kaagad din nilang iniwas ang paningin nila. Pag-iyak na lang ang tangi kong nagawa nang kinalabit nila ang gatilyo. Walang buhay na bumagsak sila mommy at daddy sa sahig. Naririnig ko ang mahinang pag-iyak ni kuya. Tinanggal na niya ang kamay niyang nakatakip sa bibig ko at hinila na ako paalis. Mabilis ang mga kilos namin. Hindi na kami nakabalik pa sa parking dahil may mga lalaki kaming nakita na nandoon. Nagtuloy-tuloy lang kami sa pagtakbo. Naririnig ko ang mga yabag sa likuran namin na sinusundan kami. "K-Kuya." May humahagibis na bala na ilang dangkal na lang ang layo sa gilid ko na sumunod sa isang nakakabinging putok. Lalong bumilis ang takbo namin ni kuya. "Dito, dali!" May humila sa isa kong kamay. Tinignan ko ang may-ari noon at nakita ko ang anak ni Tito William. Sumunod kami sa kaniya ni Kuya. May mga bangkay na nagkalat sa dinadaanan namin ngayon pero tuloy lang kami sa pagtakbo habang iyak lang ako nang iyak. "Don't look at them, just run." sabi ng anak ni Tito William na kita ang determinasyon sa mga mata niya na mailabas kami dito. May nilabasan kami na isang pinto kung saan mayroong nag-iintay na sasakyan. Mabilis na sumakay kami don at pinaharurot na nya iyon paalis. Patuloy lang ako sa pag-iyak sa likod ng kotse. Lumingon ako sa likod namin. Walang sumusunod samin pero nakita ko ang ilang sasakyan na humahagibis paalis ng gusali. Kasunod noon ay isang nakakayanig na pagsabog. "One day that place will rise again. I will seek for justice for every blood that was shed in there, that's the only thing I can do for them."*** Ganoon nga ang ginawa ni Boss. Itinayo niya ulit sa ibang lugar ang Davids Agency at pinangalanan niya itong Black Heart Organization. Sa paglipas ng panahon nakakuha si Boss ng mga taong naging miyembro niya. Ang iba sa kanila ay kaanak ng mga taong nasawi sa Davids Agency, ang iba naman ay bagong kakilala lang nya. Isa kami ni uya sa mga unang miyembro. Noong una hindi niya kami pinayagan, pero mapilit kami at determinado. Binuhos niya ang oras nya sa pagtuturo sa amin ng lahat ng kaalaman niya. Kuya and I became his best fighters. Ako ang unang miyembro na babae. With my determination and ability to learn faster than any normal person, it just took me a year to know everything I needed but I never stopped training. At the age of sixteen nagsimula na akong sumabak sa mga missions. Una maliliit lang, hanggang pabigat na ng pabigat ang mga hinahawakan kong kaso. Maybe I'm a prodigy katulad ng sabi ni Boss. It runs in the family dahil after all, iyon ang trabaho ng mga magulang namin. Nasa Experiment Department si Mommy at sa Field naman si Daddy. Pero kami ni Kuya, we can do both. Actually lahat ng elite agents ay bihasa sa parehong departments. Si Boss, Kuya, Ako, PJ at si Kat. Hindi na ako yung iyaking bata dati. I became a new Mishiella. Mishiella na walang uurungan, walang makakatalo, at walang makakapanakit. I'm not some kind of damsel in distress and heroine type of girl. Hindi na ako ang batang naniniwala kay prince charming who will come and sweep me off my feet. Kaya siguro hindi tumatagal ang mga naging boyfriend ko. Isang buwan ang pinakamatagal at tatlong araw ang pinakamaikli. Katwiran ko, I don't need a man who can’t accept me. I'm strong and I can handle myself. I don't need them to be happy. Sa kabila ng edad namin ni Kuya maisasama mo na kami sa mga batang tinatawag nilang 'rich kids'. Pagkakaiba lang hindi kami umaasa sa pera ng mga magulang namin kahit na malaki ang halagang ipinamana nila sa amin. Malaki din ang sweldo namin dito kaya hindi kami maghihirap ni kuya, kahit pa ang mga magiging anak namin. Not that I have plans. "Boss!" nginitian ko si Poseidon na napakamot sa pisngi niya nang marinig ang pagtawag ko sa kaniya. "My baby Mishy, kailan mo kaya ako matututunang tawaging Poseidon or daddy, perhaps?" "You know I treat you like my brother or my father, mas madali lang bigkasin ang 'Boss'. At isa pa you're not that old, baka akalain pa nila sugar daddy kita. Enrique na lang, gusto mo?" Lihim na napangisi ako nang mapangiwi siya. He hates his name. Pang tagapagmana naman kasi ang tunog ng pangalan niya. "How about 'kuya'?" "Enrique?" Napabuntong-hininga na lang siya tanda ng pagsuko. Hindi naman siya mananalo sakin pagdating sa kulitan. Napatingin ako kay kuya na napapailing na ibinaba ako. Hindi na ako nagreklamo, nawiwili na ako eh. "Tamad." "One of my charms, kuya." sabi ko sa kanya sabay kindat. Napatigil lang kami nang tumikhim si Boss. "As much as I like the two of you having fun there, kailangan ko muna kayong istorbohin. Let's get down to bussiness." nginitian niya kami. Kasalukuyang kurot-kurot namin ni Kuya ang pisngi ng isa't-isa. Nag peace sign ako kay Boss at umupo na ako sa isang upuan sa harapan ng table niya. Sumunod si Kuya. I can't wait, mukang may mission na naman! I hope mas adventurous pa this time. Crossed fingers.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD