Kabanata 9
“So, may boylet ka na ulit Maria?”
SABAY nudge ni Astatine sa aking kanang braso.
Nasa cantina kami ng SJM Hospital sa tanghaling tapat para kumain sandali habang recess. Tila ngayon nga lamang ulit kami nakapag sama-sama ng buong team para sa break namin.
Ngayon lang din kasi lumuwag ng kaunti ang trabaho sa ospital. Kaso sayang lang at wala na si Mariana.
“Boylet ka diyan,” ngiwi ko naman kay Astatine dahil sa mapang-asar niyang tono.
“Eh di, good. Para hindi ka na lapitan pa ni Rex.” singit naman ni Merlice na ngayon lang yata nakahanap ng salitang mabibigkas. She was playing with her food. Palagi siyang gano’n, na parang walang appetite. Palagi ring salad ang order niya, tila laging diet. Hindi ako papayag sa diet—lagi akong gutom, at may kalakihan ang space sa tiyan ko para sa maraming pagkain.
There is this thing about the human stomach—if a person is used to eating big amounts of food, yung stomach niya nasasanay sa bigat ng food at nag-aadjust. But, if that same person began eating small amounts of food (which is a little frustrating at first) mag-aadjust ulit ang human stomach, liliit yung space hanggang sa kung ano na lang ang kinasanayan mong amount, ayun lang ang kaya mong kainin. I suspect that’s one factor of bulimia nervosa. I haven’t studied much about it, but everytime I think about it... it leads me to the same trail of thoughts.
The fact that a person used to eat so much food and then started eating so little, but got frustrated and realized she can eat so many if only she will vomit all of it later. Her stomach’s adjusting and it just happens, the purging because her system can’t hold it any longer, she was getting slimmer and all.
I pushed the thoughts away and focused on my situation right now.
Hindi ko na sila pinansin pa, at saka ay binuksan ko na lang ang panibagong cheeseburger dahil dalawang order ang binili ko. Kumukulo na rin ang tiyan ko dahil kulang ang isang tinapay lang, at kapag hindi ko pa ito kinain ay baka ulo ko naman ang kumulo dahil sa kanila.
“So, wala kang bae?” nakakunot noong tanong ni Astatine sa akin, naguguluhan ang hitsura niya, “Eh, chika ni Rexter pinagalitan ka daw ng asawa mo nang magdate kayo, ‘a?” dagdag pa niya.
Agad na bumalik sa memorya ko ang gabing nagkasakit si Herbi at saka noong nag-away kami ni Unit 131. Nandoon nga pala si Rexter noong gabing iyon. Umangat ang ulo ni Merlice upang tignan ang reaksiyon ko, o ang magiging sagot ko na tila ba dati pa siya tahimik na naghihintay ng kompirmasyon sa akin.
“Ah, si Unit 131?” nakangiting sambit ko sa kanila.
Bago pa man makasagot si Astatine ay biglang may pasalampak na naupo sa tabi ko. Si Blessi. Nakabusangot na naman ang mukha niya at may malalim na paghinga pa, animo’y sobrang tinorture ng trabaho sa duty. Unan niyang tinuro si Merlice sa harap niya tapos ay paikot ang kamay niya hanggang sa tumuro kay Astatine, at sa akin sa tabi niya.
“Kayo!” aniya sa may bahid pang inis na tono, “ang bibilis ninyo kapag break time, GG si NSV!” ngumuso pa siya bago inilapag ang paper bag niya sa mesa, “Ako pa napagbutunan ng bruha!”
Napatawa na lang kami dahil halata sa mukha niya ang pagkamuhi sa supervisor namin. Malas lang na siya ang naiwan sa HQ at talagang siya ang panggigigilan ni NSV.
“Wala na si Mar, ‘e. Wala nang magpapakalma.” natatawang sambit na lang ni Merlice bago sinimulang kainin ang salad na inorder niya. Kanina pa niya iyon pinaglalaruan at ngayon lang naisipang kainin.
“Oy, wait nga. Panggulo ka naman Bles, ‘e. Sinong Unit 131, huh?" tapos ay malokong hinampas ako ni Astatine sa braso ko, akala ko ay makakatakas na ako. Pero hindi ko rin pipiliing hindi ikuwento sa kanila ito. Napangiti naman ako ng malaki sa kaniya.
“Wala,” halos kita na ang gilagid kong ngiti sa kaniya na ikinatikhim ni Merlice.
“Ngiti-ngiti ka diyan, may meaning naman. Mani sabihin na,” bugnot niyang sambit, pero alam kong hindi siya galit. Normal lang na gano'n siya. Laging kunot ang noo—siguro dahil na rin sa katotohanang hindi mapasakamay niya si Rexter. Ngayon ay nanghihingi siya ng confirmation na wala akong nararamdaman kay Rexter, dahil ikasisira ng mundo niya iyon. Not that may masisira din between me and Merlice, bukod sa colleagues, hindi naman kami gano’ng close. Nakikisama lang ako sa kaniya dahil friend ko si Astatine na close sa lahat, at gano’n din siya. Gusto niya lang ng peace between the team.
“Fine,” sambit ko sabay tawa ng malandi sa kanila. Binatukan naman agad ako ni Astatine dahil sa kaharutan ko.
“Ikaw talagang maharot ka. Gwapo ba?” tanong agad ni Astatine sabay piga sa kaliwang braso ko, “Na totnak ka na ba?" tapaos ay nabatukan naman siya ni Merlice sa huling tanong niya.
“Eh, mas haliparot ka pa e! Yang bunganga mo talaga, Asta!" gigil na singit ni Merlice. Ang kaninang bugnot na mukha ni Blessi ay napalitan ng tatawa-tawa niyang mukha. “Napaka bastos!”
“Heh! Sagutin mo lang, natotnak ka na ba? Tas gwapo ba?”
Lalong natawa si Blessi sa persistence ni Astatine na mas ikinabugnot lang ni Merlice.
Napangiti lang ako kay Astatine. Hinihintay siyang isipin kung anong ibig sabihin ng ngiti ko sa kaniya.
“Oh, my f**k—”
“Having fun girls, huh?” bigla ay naupo si Rexter sa bakanteng upuan sa tabi ni Blessi. Natigil agad kami sa kuwentuhan namin, pero nanatiling nakabusangot si Merlice.
“You aren’t allowed here, Rex.” sambit agad ni Blessi at saka tinap ang braso ni Rexter. Napakunot agad ang noo niya, bago sunod-sunod na nagbeep ang mga pager namin.
“f**k, immediate assistance in 207.” sambit agad ni Merlice habang tinitignan ang messge sa pager niya na nakaipit kanina sa pants scrubs niya, tapos ay madalian niyang sinubo ang natitirang salad bago siya nanakbo na paalis.
Bitbit ang cheeseburger ko ay tumayo na rin ako para pumunta sa call ko.
***
“Ano, Eli, gwapo ba?” tanong ni Astatine nang magkasalubong kami sa hallway ng eleventh floor tulak-tulak ang push cart.
Natawa ako sa persistence niya.
“Gwapo.” hindi na ako nakatiis at nasambit ko na ang mga salita sa kaniya.
Bumagal ang lakad ng dalaga, “Tangina ka. Sa'n mo nabingwit,” natatawang kumento ni Astatine. “How to be you po?”
“Aha, sige, baka lumagpas sa 167.” natatawang sambit ko na lang sa kaniya nang madaanan na namin ang 166. Napakamot na lang siya at saka na lumiko papunta sa loob ng 167.
Napailing na lang ako sa kaniya habang napapangiti, bago ako nagfocus na sa lalakarin ko.
***
Napaupo ako sa isang kama sa on-call room sa pagod. Hinahabol ko ang hininga ko. Inilapag ko na lang ang MAR ko sa puwesto sa tabi ko bago ko tuluyang hiniga sa kama ang buo kong katawan. Pakiramdam ko ay nagsha-shutdown ang katawan ko sa pagod.
Nakarinig ako ng beep ng pager, pero hindi sa akin. Tapos ay may nagcreak galing sa taas, dahil double deck ang mga kama dito. Bumaba si Doc Phelps galing sa itaas na parte ng kamang hinihigaan ko.
Agad siyang nagsuot ng kaniyang lab coat at inayos ang kaniyang stethoscope bago lumandas ang kaniyang tingin sa akin. Nagulat yata siya nang makita akong nakahiga sa babang part ng double deck. Ngumiti lang ako ng tipid sa kaniya. Ang tanging gusto ko na lamang ay matulog.
Yumuko si Doc Phelps para makalapit sa akin sa loob ng higaan tapos ay mahinang binulong niya sa akin, “Tough day, huh?” at saka siya kumindat.
Nakayuko pa rin niyang nilabas ang katawan niya at saka nagmadali nang umalis dahil sa paulit-ulit na beep ng kaniyang pager.
Napakunot ako sa naging akto niya sa akin. Ano kayang problema no’n?
Inalis ko na lang sa isipan ko ang ginawa ni Doc Phelps. Tapos ay may narinig akong muli na beep mula sa itaas na kama dahilan para mapakunot ang noo ko. Naiwan kaya niya ang pager niya sa taas? Pero bakit naman iiwan iyon ni Doc Phelps?
Napabalikwas ako upang silipin ang pager na nasa itaas.
Agad sumalubong sa akin ang malulusog na dibdib ng Medical Assistant ni Doc Phelps na si Jane, namumula pa ang mamasa masang mga u***g nito. Napangiwi ako sa nangingiti pa niyang labi.
Bakit ganiyan ang hitsura niya wala siyang pantaas? Galing dito si Doc Phelps hindi ba? Ilang minuto lang nang umalis siya, at wala namang ibang pumasok dito. At saka sa itaas din galing si Doc Phelps. Napangiwi ako sa mga imahe na nakita ko. May nangyayari ba sa kanila?
May namamagitan kay Doc Phelps at sa assitant niya?
Napalunok ako.
Bakit hindi ko sila napansin nang pumasok ako dito kanina? No wonder gano’n makaasta si Doc Phelps sa akin kanina.
Patay.
“Jane,” pagtawag ko sa kaniya, tila ay nasa Fantasy Land pa rin ang pag-iisip ng gaga. Napatikhim ako bago ko siya sinigawan, “Jane!”
Napadilat ang mga mata niya at agad napatitig sa akin. Seryoso na ang mukha niya.
“Pager mo kanina pa maingay, baka hanap ka na ni Doc Phelps.” sambit ko sa kaniya dahilan para mapabangon siya agad.
Naupo na lang ako pabalik sa ibaba para bigyan na rin siya ng privacy na magbihis ng top niya.
Pagbaba ni Jane sa itaas na part ng bunk bed ay siya namang bukas ng pinto tapos ay pumasok si Astatine nang may malaking ngiti.
“So, nagtotnak na kayo?” tinanong ni Asta muli ang tanong na naudlot kanina. Nanlaki ang mga mata ko sa tanong niya, dahil fresh pa rin sa isip ko ang maaaring nangyari kay Jane at Doc Phelps.
Napakunot ang noo ni Astatine sa naging hitsura ko.
“Oh, bakit?” natatawang tanong niya tapos ay napalandas ang tingin kay Jane na binabasa na ang nakasulat sa pager niya at handa na ring umalis.
Tila ba hinihintay niya lang na marinig ang isasagot ko kay Astatine kaya nandito pa rin siya. Napakatagal naman kasi niyang basahin ang nasa pager e kakaunting letters lamang iyon. Nanahimik na lang ako at saka nahiga sa kama para hintayin siyang makaalis.
Naramdaman naman siguro ni Jane na para sa amin lang ang usapan, kaya umalis na rin siya agad.
“Anong meron do’n?” natatawang kumento ni Astatine patungkol sa ginawa ni Jane, pero tinuon niya agad ang atensyon sa akin, “So, ano nga?”
“Oo nga,” napilitan ko na lang na sagot sa kaniya bago ako nagtakip ng unan sa mukha. Pakiramdam ko ay nilulubayan na ako ng antok sa nasaksihan ko. Imagine, if I got hear earlier—malamang ay narinig ko pa ang mga boses nila. Naghihiyawan kaya sila? Malamang din ay nakita ko pa kung paano siya tikman ni Doc Phelps. Iniling ko agad ang ulo ko. Tila pilit tinatanggal ang maduduming imaheng naiisip ko.
Narinig ko ang malakas na tawa niya at paghampas sa hita ko.
“I knew it! Ang ganda ng gising mo kanina, parang kai-iyot lang!” natatawang sambit pa niya na nagpatakip lalo sa akin ng mukha ko.
Kapag talaga nanukso si Astatine ay iba. Mahihiya ka na lang talaga para sa sarili mo.