Kabanata 1

2967 Words
Kabanata 1 MATAPOS ang shift ko sa San Juan Medical Hospital ay dumiretso na agad ako pauwi, sakay ng aking Toyota scooter. San Juan Medical Hospital. Iniisip ko pa lamang ang pangalan ng private institution na pinagtatrabahuhan ko ay sumasakit na ang ulo ko kahit na pauwi na naman ako’t magpapahinga. Maraming tao ang nag-aakalang public institution ang SJMH, knowing na pag-aari ito ng ciudad. So many weren’t aware na pamilya ng mga San Juan ang namesake ng hospital na iyon, at hindi ang ciudad mismo. Ngunit hindi naman ang simpleng bagay na iyon ang ikinaiinit ng ulo ko. Hindi lamang kasi ako tinatantanan ng isa sa mga co-worker ko, at himala na lamang yata na nakatakas ako sa kaniya ngayong gabi. Nanginginig ang buo kong kalamnan dahil hindi pa ako nakakakain ng maayos simula nang mag-umpisa ang shift ko kaninang madaling araw. Si Rexter, iyon nangungulit sa akin, gusto niya akong dalhin sa mamahaling resto kanina pagkatapos ng duty namin. Hindi ako makatanggi, pero buti na lamang ay nanakaw ng iba ang atensyon niya at dali-dali ko nang pinatakbo ang scooter ko paalis sa institution na pinagtatrabahuhan ko, makalaya lamang sa pangungulit niya. Medyo naging mabigat rin kasi ang araw ko dahil sa nangyaring pagbangga ng mga bikers sa isang family van, sa kabilang kalsada. Sugatan ang iba, hindi naman gaanong life-threatening ang mismong aksidente, pero may isa nga lang namatay na biker, dahil sa nakausling bakal sa gilid ng daan na siyang tumusok sa kaniya noong dumausdos siya habang sakay ng kaniyang bike. Tumuhog iyon iyon sa katawan niya, mula left abdomen ay tumagos sa likod nito. Hindi na siya nakasurvive. Napapapikit na lamang ako habang naaalala ang malakas na hagulgol ng kaniyang asawang noon pa pala siya pinatitigil sa pamimisekleta. "Mukhang ginabi tayo ngayon, Ms. Cecelia?" bati ng baluktot sa Tagalog na guard nang makatungtong ako sa lobby. Si Mang Isko. Hinigpitan ko na lang ang suot kong army green jacket at mapupungay ang mga matang ngumiti sa kaniya. "Sabi ko naman po ay Eli nalang, Mang Isko." suway ko agad sa guard na tumawa na lang sa akin. "Eh, kin-nover ko po kasi ang night shift ng friend ko." dagdag ko pa. Tapos ay iniangat ko ang kanang kamay kong may bitbit na plastic na may laman na dalawang box ng fastfood. Dumaan muna talaga ako sa 24/7 open, upang may maipasalubong. Ipinatong ko ang unang plastic sa desk ni Mang Isko at agad inilabas ang laman nitong box ng rice and toppings meal. "Kain hi muna kayo, habang mainit pa." pag-anyaya ko sa kaniya, tapos ay inabot ko sa kaniya ang box ng pagkain, kasunod ang soft drinks na kasama nito. "Nag-abala ka pa, Ma'am Eli." nakangiting sambit na lamang ng matanda sa akin na siyang ikinangiti ko pabalik. Pakiramdam ko ay nawala agad sa akin ang pagod at halong frustration nang makita ko ang ngiti ni Mang Isko. Nakakaawa pa nga ang kuwento ni Mang Isko, ayon sa narinig ko. Hindi niya tunay na pangalan ang Isko, na derived from Francisco. Iyon na lang ang nakagawiang itawag sa kaniya ng mga taga-rito. Ang totoo niyang pangalan ay Sylvesteri Virtanen. Isa kasi siyang Finnish na hindi na nakauwi pa sa kaniyang sariling bansa dahil sa nadekwatan siya ng isang babaing balak niyang iuwi at pakasalan sa Finland. Masakit isiping Filipina ang babae at kalahi ko pa. Tinangay daw ng babae ang kaniyang maleta at wallet, na naglalaman ng kaniyang credit cards at mga perang papel. Nasa maleta rin daw niya ang kaniyang pasaporte. Naitawag na rin daw ang sitwasyon niya sa Embassy, ngunit hindi sumagot ang mga ito. Tila ba maging ang sariling kababatan nila ay hindi na nila tinanggap pang muli. Sa sampung taon sa Pilipinas ni Mang Isko, ay nakakuha na siya ng ilang trabaho, mga mapagkakakitaan, hanggang sa unti-unti na rin niyang namaster ang wika ng bansa at nakatayong muli sa kaniyang sariling mga paa. Marami na siyang naging trabaho, pero sa pagiging guard ng Emerald Apartment A. Building, na siyang tinitirahan ko, siya tumagal, nang halos ay limang taon na yata. Aniya ay wala na rin naman siyang babalikan sa Finland, dahil nandito na rin sa Pilipinas ang kaniyang buhay. Mahirap na rin dahil nasa dating bahay niya ang kaniyang mga documents, pero sa tingin niya ay matagal na iyong nawala doon sa tagal ba naman ng pamamalagi niya sa Pilipinas. Malamang ay ibinasura na ng kaniyang tenant. Kaya ay hindi na rin niya naging option ang pagbabalik, dahil wala na rin naman siyang mahihita sa pagbalik-bayan. Wala rin naman siyang makokontak upang hingan ng tulong na ipahanap ang mga documents niya na kailangan upang makapagsubmit ng report sa police para sa stolen passport niya, dahil sa dami ng kailangang requirements. Dito na lang siya namalagi at tinanggap na ang hamon ng buhay sa kaniya. Hanggang sa maglimang taon na siya dito at tuluyan nang mag-expire ang kaniyang nanakaw na pasaporte noon. "Napakalikot ng anak mo, Ate." salubong ng tila exhausted na si Trixy, nang buksan ko ang pinto ng aking unit. Gabing-gabi na at hindi pa rin siya umuuwi sa kanilang unit sa tuktok. Naulinagan ko na rin, kaya't binilhan ko rin siya ng pagkain. Si Trixy ay anak ng landlord na patambay-tambay lang sa labas dahil sa mahaba nitong bakasyon. Ang pagkakaalam ko ay first year college na siya ngayon, at dahil nagbago ang month ng unang pasukan para sa bagong curriculum na K-12, ay apat na buwang bakasyon ang mga first year college students. Imbis na June daw ang pasok ay naging August na, dahilan para ang dapat na two months summer vacation lang ay nadoble na. "Nasaan siya? Tulog na ba?" usisa ko naman nang makitang wala sa sala si Herbi. Tumango kaagad si Trixy nang madistract na sa amoy ng fastfood na bitbit ko. "Mukhang favorite ko 'yan, Ate Eli, 'a." natutuwang kumento niya at saka pinagkiskis ang magdikit niyang mga palad. Agad akong natawa sa kaniyang hitsurang animo’y gutom na gutom, bago ko inabot sa kaniya ang plastic ng fastfood. Malaki ang ngiting kinuha niya sa mga kamay ko ang plastic, tapos ay sinabi niya sa akin, "The best ka talaga." bago niya binuksan upang siguraduhing iyon nga ang paborito niya na inuwi ko para sa kaniya. "Kaya hinintay kita, 'e!" Natawa ako sa huling sambit niya pero agad akong ngumiwi. Kunwari ay nahalata ko nang kinukurakot niya na ako. "Nako, sa susunod wala ng pasalubong, 'a! Pagkatulog ni Herbi, umuwi ka na sa inyo, bata ka." sambit ko na tinawanan niya lang ulit. Kinuha ko naman agad ang wallet ko sa shoulder bag, upang ibigay sa kaniya ang bayad ko sa pagbabysit niya. "Oh." pag-abot ko ng buong dalawang daan sa kaniya na nahugot ko sa wallet ko. Ngumiti siyang muli at saka kumindat sa akin, "Thanks, 'te. Sa uulitin." tapos ay umalis na siya ng unit ko. Napasalampak na lang ako sa sofa nang muli ay bumalik na ang pagod sa katawan ko. Malinis na ang bahay. Sa tingin ko ay nag-ayos ng kaunti si Trixy habang hinihintay niya ako. Naisandal ko na lamang ang ulunan ko sa lambot ng backrest ng couch na kinalalagyan ko. Ilang minuto ng kagalakan ang pumaimbabaw sa akin matapos kong maipikit ang mga humahapdi ko nang mga mata dahil sa pagkapagod. Ni hindi ko na rin natanggal ang jacket ko, sa sobrang exhaustion na bumabalot sa akin. Bumalikwas ako mula sa tuluyan kong pagdausdos pahiga ng ulo hanggang beywang sa sofa, nang makarinig ako ng malakas na thud kasabay ng pagbagsak yata ng lampshade ko sa tiled floor. Isang malakas na crash ang umalingawngaw sa buong unit ko, dahil sa babasaging hawakan ng lampshade. Nanggaling ang tunog sa kuwarto ko. Hindi ako puwedeng magkamali. Ako lang naman ang may babasaging lampshade, dahil plastic na may tatak na Batman ang kay Herbi. Narinig ko agad ang malakas na iyak ni Herbi dahil sa ingay, dahilan para agad ay manakbo ako sa kaniyang kuwarto sa kaba na naramdaman ko. "Hey, babe." mahinang bulong ko nang makalapit ako sa aking anak na nagpupunas na ng kaniyang mga mata. Tuloy siya sa pag-iyak dahilan para agad ko siyang yakapin upang aluin. "It's nothing, baby." mahina kong bulong nang mabuhat ko na siya at saka isinandal ang kaniyang ulo sa aking balikat, "It's nothing." na tila ay pang-aalo ko na lamang sa sarili ko. Hinele lo ang aking anak. Paulit-ulit kong sinasabing wala lamang iyon, pero hindi makapagfocus ang aking isip sa takot. Evans. Pakiramdam ko ay nandito na siya at natunton na niya kami... Paano kung nandito na siya? Pero malayo kami sa Ignacio. Hindi maaaring makita niya kami dito. Halos ilan daang kilometro ang layo namin sa kaniya. Hindi niya kami maaaring matanto. Pero paano kung ang mga pulis kanina na nagpunta sa Hospital, dahil sa Bikers Incident, ay mga kakilala niya? Paano kung matagal na niya akong hinahanap? Paano kung isinuplong nila ako sa kaniya, at sinundan niya ako dito? Paano kung bugbugin niya ako ulit at hilahin pauwi sa impyernong bahay niya? Paano kapag sinaktan na naman niya si Herbi? Nagsimula akong magpawis ng malagkit. Alam kong hindi iyon dahil sa suot kong jacket, dahil bukas ang aircon. Narinig ko ang malakas na creak ng kama na tila ay may mabigat na nahiga doon. Tila may malakas na pwersa. Tila humigpit ang lalamunan ko at agad na natuyo ito sa takot. "Don't be afraid, baby. Mommy's here." mahina kong bulong kay Herbi. Nagsimula nang tumulo ang mga luha ko, kasabay ng pagnginig ng aking katawan. Pero dahil sa pag-alo ko kay Herbi ay nagpantay na agad ang kaniyang paghinga at nakatulog nang muli. Pero hindi nawala ang takot na nararamdaman ko para sa aking sarili. Unti-unti ko siyang hiniga sa kaniya kama. Iyong walang makakarinig ng kahit anong maliit na tunog, dahil kilala ko si Evans. Naririnig niya agad ako, alam niya agad kung nasaang sulok ako ng bahay. Kayang-kaya niya akong maabot. May sa-hayop ang pandinig at pang-amoy niya. Sa tingin ko ay sasabog na yata palabas ang aking dibdib sa takot sa kaniya. Sa buong taon ko sa pagiging Registered Nurse, wala pa yata akong nabalitaang tao na sumabog palabas ang puso mula sa kaniyang dibdib. Pero malamang, itong pangyayaring ito ang magiging una sa lahat. Nanginginig ang buo kong katawan nang mahawakan ko ang baseball bat na laruan ni Herbi, kabibili ko lang nito sa kaniya noong nakaraang linggo. Unti-unti kong binuksan ang pinto ng kuwarto ni Herbi at saka unti-unti rin iyong sinarado. Humihigpit ang paghawak ko sa baseball bat ng aking anak. Palihim pa akong nagpapasalamat sa Panginoon na pinagbigyan ko ang hiling ng anak ko na bilhin ito noon kahit na sa ilang beses kong paghindi. Pabilis nang pabilis ang t***k ng puso ko. Pakiramdam ko ito lang ang tangi kong naririnig dahil sa katahimikan ng unit ko. Alam kong sa kuwarto ko nagsimula ang maingay na tunog kanina. Pero kung patayin man niya ako ngayon dito, makakakuha naman ng concrete evidence ang magiging imbistigador ko at iluluklok siya nito sa dapat niyang kalagyan. Puno ng hidden baby cameras ang paligid para sana kay Herbi, pero magiging proteksyon din namin iyon para sa aming dalawa. Tila mabibingi na yata ako sa sobrang lakas ng t***k ng puso ko, nang abutin ko na ang seradura ng pinto. Humugot ako ng malalim na hininga bago ko tuluyang pinihit ang seradura ng pinto ng aking kuwarto. Kung mamamatay ako, gusto ko ay sa napaka ganda at napaka payapang lugar. Pero kung may papatay sa akin, gusto ko ay dito sa bahay, dahil gusto kong mabigyan ng hustisiya ang pagkamatay ko. With the hidden cameras I’ve planted all over the place, dahil sa paranoia ko... lalo pa't ganoon kalala ang sinapit ko noon sa kamay ni Evans. Tanging pag-aalo ko lamang sa sarili ko noon ay ang katotohanang may mas sasama pa sa sinasapit ko noong mga oras na iyon. Maswerte pa rin ako't humihinga pa rin ako ngayon, at buhay. Madilim ang kuwarto ko. Tila walang tao nang buksan ko ito. Walang nagsalita. Sa takot ko ay agad akong lumingon upang makita ang aking likuran, baka mamaya ay nandoon na siya, pero wala rin. Sa takot ko ay agad akong lumingon sa aking harap. Nanginginig ang katawan ko habang nakatitig ako sa pitch black na kuwarto ko. Tanging ilaw lang mula sa poste sa labas ang nagbibigay liwanag sa ibang parte ng kuwarto na natatamaan ng liwanag dahil na rin sa bintanang manipis ang kulay dilaw na kurtina. Real talk, sobrang sakit sa mata ng kulay na iyan tuwing umaga. Mapapagising ka talaga dahil parang sinusunog ang likod ng mga mata mo. Nagsimula akong makarinig ng faint na pag-ungol, dahilan para muling humigpit ang lalamunan ko at nagsimula akong manlumo. Sa takot ko ay agad na kinapa ko ang ilaw sa gilid ko. At saka ko hinawakan ng mahigpit ang baseball bat ni Herbi sa mga kamay ko. "Sino ka?" agad na namutawi sa bibig ko nang makita ko ang lalaking duguan na nakasandal sa pader ng kuwarto ko. Wala siyang suot na pantaas. Mas lalong humigpit ang lalamunan ko pero nawala ang kaninang takot na nararamdaman ko sa pag-iinakalang si Evans siya na nakapasok dito sa unit ko. Agad na ibinaba ko ang hawak kong baseball bat sa gilid malapit sa night stand ng kama ko at saka ko dinaluhan ang lalaki. Chineck ko agad ang iniinda niyang sugat sa left abdomen niya. "Too much blood lost, left abdomen, it can penetrate your—" "Obviously, I'm not paralyzed." sabat ng lalaki na hirap sa pagsasalita dahil sa sugat niya sa left abdomen. Magagaspang rin ang bawat paghinga niya, tila pinipilit punuan ng hangin ang kaniyang baga. "It barely hit my aorta, it's nothing. That bastard doesn't even know how to kill properly." he added, his voice hoarse as he took in another sharp breath. Napahinga ako ng malalim. It seems like he does know what he's saying. Doctor ba siya? Isa ring nurse? I mean, let's face it, normal people wouldn't know where their aorta is located—not if you're medically educated enough, or if you really did pay that much attention in your science class. Athough, maybe it can be determined if you say abdominal aorta, but also, not all people know where their abdomen is located. They wouldn’t know if you not say abs. So, I think, he's not any other crazy guys na walang alam sa nangyayari sa kanila. He can be a doctor or nurse... or someone in the medical field... "Are you insane?" nasambit ko na lang bago ko siya tinulungang makatayo, "You need to go the hospital. Paano kung ma-infect 'yan? Alam mo bang pwede ka pa ring mamatay kung hindi mai-ti-treat 'yan? Alam mo bang may namatay sa SJM Hospital kaninang umaga, with almost that same wound as yours?" Muling napahugot ng malalim na hininga ang lalaki. "Do you think I would be here if I wanted to be treated in a hospital?" he snapped. Napangiwi ako sa tila iritadong boses niya. Maaaring nasa bingit na siya ng kamatayan, 'e napaka arogante pa rin niya? What's wrong with this kind of people, anyway? Hindi maibaba ang pride kahit isang beses lang para manghingi ng tulong iba? Pero napaisip agad ako sa sinabi niya at saka nangunot ang noo ko. "How do you know that I can help you? Are you stalking me? Do you know that I'm a nurse?" nagulat kong sambit sa kaniya nang mapagtanto ko ang pakay niya. Tila nagliwanag ang mga mata niya at saka ako tinitigan. "You're a nurse?" bakat sa mukha niya na wala siyang alam sa katauhan ko, "Awesome. Treat this wound now." madiing sambit niya agad nang marealize niyang panalo na siya. Lalo lang 'yong nagpairita sa akin. "Stitches, peroxide, whatever you have there." dagdag pa niya para pakilusin na ako. Napangiwi na lang ako sa authoritative voice niya, pero dahil may sinumpaan ako sa pagiging isang nurse, at hindi ako pwedeng mamili ng maaari kong isalba, nanakbo na agad ako para kuhain ang first aid kit ko. He's going to die, I kept thinking on my mind. I barely checked his abdomen dahil sa pagiging authoritative niya. I don't even trust myself that much. Sarili ko ngang buhay ay matagal bago ko nailigtas, sa kaniya pa kaya na nasa bingit na ng kamatayan? At isa pa, nurses don't operate. We are just merely assistants to the patient's families, to our doctors, or we’re just the ones who administer medications. We don't operate.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD