Kabanata 2

1603 Words
Kabanata 2 NAALIMPUNGATAN ako nang marinig ko ang boses ni Herbi na tinatawag ako, kasunod ang paggalaw niya sa balikat ko. “Mommy!” pagtawag niya, tapos ay bigla na lamang siyang umiyak ng malakas. Pinunasan ko agad ang mga mata kong tila punong-puno ng muta tapos ay tinignan ko siya bago ako nag-inat. “Why are you crying, baby?” mahinhin kong tanong sa kaniya tapos ay bumangon ako sa pagkakaupo ko sa lapag. Doon ko lang napansin na hindi ako nakatulog sa kama ko, at tanging sa gilid lang nito sa baba. Bumagsak ba ako mula sa kama sa sobrang kapaguran? Nakita ko agad ang dugo sa lapag malapit sa wall at patungo ang bakas sa bintana. Agad na pumasok sa aking isipan ang lalaki kagabi na nagbreaking and entering dito. Nasaan na siya? Hawak ang kamay ni Herbi ay naglakad kami palabas sa kuwarto. Bigla ay tumigil na rin siya sa pag-iyak nang makitang okay lang ako, pero I’m too much freaked out with the whereabouts of the guy, dahil baka mamaya ay doon nakasalalay ang safety namin ni Herbi. Isa pa, ayon sa kaniya kagabi ay may balak pumatay sa kaniya, hindi ba? Na-miss lang ang aorta niya, o dumaplis lang kutsilyo kaya hindi gano’ng naging life-threathening ang stab wound niya. It only means, that if that guy is still here in my house, may possibility na macompromise ang safety ng bahay na ito—hindi lang safety against Evans, but also with the guy’s killer. “Did you see a guy, baby?” tanong ko agad kay Herbi nang hindi ko makita miski sa nag-iisang CR sa labas ng kuwarto ko, ang lalaki kagabi. Wala na siya at nakaalis na yata. Ang tanging ginawa ko lang kagabi ay ang linisin ang sugat niya at saka tahiin ito. He seems fine after that dahil ang pagkakaalala ko after kong paikutan ng bandage ang tiyan niya ay nakatayo pa siya at nagpunta sa kitchen upang kumuha ng maiinom. He can walk just fine, like he wasn’t stabbed at all. Like some John Wick magic. Like he can withstand any punch, like he can take them just like Daredevil. Umiling agad si Herbi sa tanong ko, dahilan para mapaupo na lang ako sa sofa. Hindi ko alam kung paano nakapasok ang lalaking iyon dito, o kung nasundan ba siya. But all I need is Herbi’s security. Kailangan ko na sigurong magdobleng ingat ngayon. I shouldn’t have covered Mariana’s shift last night. Hindi magkakaganito na may makakapasok ditong iba kung ako lang ang nagbantay ng bahay kagabi. This is my fault. *** There’s a faint knock on the door. Bago ko pa man malapitan ang peep hole upang makita kung sino ang kumatok, ay agad nang sumigaw si Trixy mula sa labas. “Ate Eli?” pagtawag ng tila megaphone niyang bunganga mula sa labas. “Coming!” sigaw ko agad bago ko nilingon si Herbi na busy sa panonood ng Sesame Street replay sa TV. Binuksan ko ang pinto at saka inilabas ang ulo ko sa kaunting awang nito. Nakaspaghetti straps lang kasi ako at nagtanggal pa ako ng bra dahil sumasakit ang dibdib ko sa wire na nakalagay sa push-up bra. Halos hindi ako makagalaw o makahinga ng maayos, lalo na kapag natulog kang hindi mo tinanggal. Napaka bigat sa pakiramdam pagkagising. “Ano ba ‘yan, parang iba naman ako.” nguso ni Trixy nang hindi ko tuluyang binuksan ang pinto, tapos ay bago pa man ako makasagot sa kaniya ay bigla nang naningkit ang mga mata niya. “Ay! May boylet ka sa loob ano, ‘te? Nag-aano ba kayo, naabala kita?” Sa gulat ko sa sinabi niya ay agad na binuksan ko ng malaki ang pinto at saka lumabas doon para pingutin ang malibog niyang pag-iisip. “Nako, ikaw bata ka, yang bunganga mo! Isusumbong kita sa tatay mo!” suway ko agad sa kaniya tapos ay agad siyang nanakbo palayo sa nalalapit kong kamay. Kasabay no’n ang pagbukas ng pinto na katapat ng pinto ko. Unit 131 Lumabas ang lalaking may suot na cap at sa flooring lang nakatingin. Agad ay hindi iyon napansin ni Trixy at nasanggi niya sa pag-iwas sa akin. I immediately heard the guy’s sharp intake of breath, tapos ang napaka hina niyang pagmura, “Fuck.” sa halos hangin na lang na lumabas sa bibig niya. O, siguro ay naimagine ko na lang ang boses dahil sa nakita ko kung paano gumalaw ang bibig niya sa pagsabi ng salitang iyon. Dalawang dipa rin kasi ang layo ko sa kaniya, imposibleng marinig ko siyang magsalita. “Ay, sorry Kuya Brix!” sigaw agad ni Trixy nang makita ang nasanggi niya. “It’s fine.” mahinang sambit nong Brix bago lumandas sa akin ang tingin ng ulo niya, pero hindi ko siya makita dahil sa sobrang baba ng shorpet niya. Tanging ang mamula-mulang labi niya lang ang naaninag ko. Pero pamilyar ang boses niya. Bahagya akong napakagat sa ibaba kong labi nang maalala ko ang mamula-mula niyang labi. Ibang charisma ang meron siya, bakit parang naaano ano? Matapos tumingin sa akin, ay agad na siyang nagmadaling naglakad papunta sa puwesto ng elevator. “Sino ‘yun?” tanong ko agad kay Trixy nang makapasok na ang lalaki sa elevator. Narinig ko agad ang malakas na tawa ni Trixy sa akin. “Hala ate, tayung-tayo na ang u***g mo!” sigaw niya tapos ay muling humalakhak. Pakiramdam ko ay namula ako nang sabihin niya iyon, dahilan para dali-dali akong pumasok sa loob ng unit ko at agad na sinaraduhan sa mukha si Trixy ng pinto. *** Hindi maalis sa isip ko ang mga labi ng lalaking kapitbahay ko. Sa dalawang taong tinagal ko dito ay ngayon lang yata ako nakatunghay ng kapitbahay na nagbukas ng pinto habang nasa labas ako ng sariling pinto ko. Akala ko nga noon ay ako lang ang tanging nasa sixth floor dahil napakatahimik talaga dito. Si Trixy nga lang ang tanging nambubulabog sa akin, pero dahil sa nangyari kanina, malamang ay papalamigin ko muna ang sitwasyon hanggang sa hindi na niya ibubukam-bibig ang tungkol sa nangyari kanina. Pakiramdam ko ay buong linggo niya akong aasarin kapag nagpakita ako sa kaniya. Mukhang kailangan ko ng ibang titingin kay Herbi sa tuwing wala ako. Basta ay hindi na muna si Trixy. Napaisip tuloy agad ako sa lalaking kapitbahay ko. Employed kaya siya? Mukhang may kalakihan ang katawan niya, at sa tingin ko ay kung may magbreaking and entering ulit sa unit ko ay matitignan naman niya. Paano kung kausapin ko kaya siya na bantayan si Herbi kung hindi naman siya aalis? Napangiti agad ako sa ideya. Pwede. “Mommy, look.” tinuro agad ni Herbi si Cyborg na kumakanta sa Teen Titans Go! to the Movies. Sinabayan ko ang tawa niya habang enjoy na enjoy siya sa panonood. Lumapit ako sa tainga niya, with all smiles, ay binulong kong, “Gusto mo ng daddy?” Nilingon agad ako ni Herbi. Tatlong taon pa lang siya, mag-aapat, pero alam na agad niya ang ibig kong sabihin. “Ayoko ta kaniya, mommy.” mahinang sambit niya agad na ikinangiti ko. “Don’t worry, baby. Hindi tayo babalik sa kaniya. Bago ‘to.” bulong ko at saka ay hinalikan ko siya sa noo. Bumukas muli ang pinto. Lumingon ako at saka ay nakita si Trixy na may apologetic smile. “Oy, teh ha?” ani Trixy at nagtaas-baba ng kaniyang mga kilay. Binigyan ko siya ng isang ngiwi, “Ano?” “Pogi ba?” she asked tapos ay nagbaba tingin sa hawak niyang latest iPhone version. Tumahimik siya at nagpipipindot sa sa kulay pink na device na iyon. “Look, ate o.” aniya sabay pakita ng selfie nila nong lalaki kanina. Ngunit hagip lamang siya sa letrato at nakatalikod pa. Inangatan ko lang ng isang kilay si Trixy. “Pwede na ba? Daddy ni Herbi?” she asked again, smirking at me. Nginiwian ko siya, kunwari’t delusional na ang tingin ko sa kaniya, saka sinambit, “Kapag nagsalita ka pa, wala ka nang uwi sa akin sa susunod.” pananakot ko sa kaniya na umipekto naman dahil agad siyang naglungkut-lungkutan kasabay ng pagbeautiful eyes niya. Inilaunch ni Trixy ang sarili niya sa space sa tabi ko, sa sofa at saka isinandal ang kaniyang ulo sa aking balikat. “Joke lang yun, teh Eli.” sambit niya at saka hinook ang kaniyang braso sa braso ko. Nagpatuloy na siya sa pagpipindot sa kaniyang pink na device at saka ay ngtungo na sa sala upang maupo. Feel at home niyang ipinatong sa sala table ang kaniyang paa. Nasa i********: na naman siya at panay ang pagha-heart sa mga photos na sunod-sunod lumalabas sa kaniyang screen kada scroll niya. “Alam ko namang may crush ka kay Kuya Brix!” dagdag pa niya kaya. Wala na akong magawa kundi ang lapitan siya at agad na kiniliti para tumigil na siya. “Ate!” saklolo niya agad na nilunod na ng sunod-sunod na tawa dahil hindi ako titigil sa pagkiliti sa kaniya kapag hindi sita tumigil sa pang-aasar sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD