Kabanata 3

2028 Words
Kabanata 3 KINAHAPUNAN nang tulog na si Herbi noong bumaba ako patungo sa lobby ng apartment building. May sobrang natira sa luto kong baked mac para sa aking anak. Kumuha ako at saka iyon inilagay sa tupperware, tapos ay ipinasok ko sa H&M paper bag na nakakalat sa bahay para ibigay kay Mang Isko. Eksaktong pagbukas ng pinto ng elevator, hudyat na nasa lobby na ako, ay siyang pagpasok noong lalaki na kapitbahay ko. Gustuhin ko mang manatili sa puwesto ko para makausap siya ay nagsimula na akong umalis dahil magmumukha akong tanga. At saka aakyat lamang muli ang elevator. It would be a hassle kung sasabay ako sa kaniya pataas ulit. Hindi magandang lugar para makipagchismisan ang elevator. Nakita ko si Mang Isko sa kaniyang upuan at naghihintay ng mga papasok na tao, nang kumaway ako sa kaniya. Napangiti siya nang makitang may bitbit ako habang nakapambahay lang—alam na niya agad na para sa kaniya ang hawak ko. "Ano ang sa atin diyan, Ma’am?" bungad ni Mang Isko nang makalapit ako sa kaniyang desk. Inilapag ko agad ang H&M paper bag na naglalaman ng tupperware sa desk niya. "Merienda ho, naparami ang luto ko." sagot ko sa kaniya nang sinimulan na niyang kuhain sa loob ng paper bag ang tupperware. "Wow," ani niya habang inaamoy ang baked mac pagbukas niya ng lid. "Suomen Makaronilaatikko ba ito?" tanong niya at binanggit ang mga banyagang salita in Finnish accent, saka napangiti, "—sa pulang sauce?" Napailing agad ako, pero may ngiti pa rin sa labi ko, "Ah, iyon ho ba ang tawag sa baked mac sa Finland?" naitanong ko na lang sa kaniya. Napangiti siya sa akin, pero bakas sa mukha niya ang lungkot dahil sa mga alaala ng bansang pinanggalingan niya. "Eh, bakit ka ba nagdala nito, hija?" usisa agad ni Mang Isko. Napagsalikop ko ang mga kamay ko. Napatango naman siya, reading my body language, tila alam nang may pakay ako. "Ano ba iyon, Ma'am Eli?" tanong niya pa. Sa wakas ay Eli na ang tawag niya sa akin at hindi na ang buo kong pangalan. "Ano, huwag kayong maingay sa itatanong ko, Mang Isko, okay?" panimula ko at saka ay binigyan ng awkward na ngiti ang matanda. Tumango agad ito bago umisang subo sa baked mac na binigay ko. Napangiti agad siya sabay thumbs up, nang malasahan ang luto ko. Ngumiti akong pabalik bago ako nagpatuloy ng sinasabi ko. "Ito po bang, tenant sa Unit 131, kilala ninyo?" tanong ko agad bago ko nilingon ang likod ko, making sure na wala siya. Baka mamaya ay naglalakad na ulit siya palabas at maulinagan ang mga sinasabi ko. Mapagkamalan pa akong tsismosa. "Ah, si Abel ba?" tanong agad ni Mang Isko at saka tumango. "Five years na iyong nakareside dito. Siya nga ang nagsabi sa akin noon na hiring dito ng guwardiya." Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Mang Isko. Abel? I'm pretty sure I heard Trixy right, kanina. She said Brix, tapos ay nagrespond iyong lalaki without correcting her about his name. "Hindi ho, si Brix ho. Katapat ko ho ng unit. 130 po ako, diba?" pagkoko-correct ko naman kay Mang Isko. Siguro dahil sa katandaan ay nakakalimot na rin siya. Nangunot muli ang kaniyang noo, pero agad ding nag-at-ease. "Si Abel nga," sagot pa niya ng may ngiti, "Bakit mo ba natatanong, hija? Eh, matagal mo nang kapit-bahay iyon." tapos ay napakamot pa siya sa may puting kulay na balbas-sarado niyang baba. "Bakit ho Brix ang pangalan—" "Mang Isko," halos kumalampag ang puso ko nang may maramdaman akong boses sa, literal, na likod ng tainga ko. Pakiramdam ko ay tumigil ang pagtibok ng puso ko matapos ang malakas na pagkalampag nito sa dibdib ko. I think, I'm going to die. Kung uso pa rin ngayong yung mga katagang magpapalamon ka sa lupa dahil sa kahihiyan, quick death! Parang gusto ko na lang rin na bumukas ang sahig na kinatatayuan ko at mawala na ng instant dito! "Abel, hijo!" pagtawag ni Mang Isko sa tao sa likod ko tapos ay nag-extend ang kamay niya para abutin ang kung anong nasa likod ko. Martilyo. Kung may natitira pa akong kahihiyan ay pipilitin kong maglaho na lang kaysa tumakbo palayo sa kinatatayuan ko, but my shoes were glued to the floor, and I don't know what to do, dahil imposible namang maglaho ako. "Salamat po." sambit muli ng boses sa likod. Kumakalampag ang puso ko, kasabay ng pagpulupot ng mga intestines ko sa tiyan. I just wanted to die. Siya iyon. Alam kong siya iyon kahit hindi ako lumingon. Pero parang may force na humihila sa ulo ko na lingunin siya. And I did, because I’m easily tempted. Paglingon ko ay nakita ko agad ang mukha ng lalaking nagbreaking and entering sa kuwarto ko kagabi. Kita ko ang pagmaga ng kaniyang kaliwang mata. Kagabi ay hindi naman iyon gaanong kalala. "Ikaw?" gulat kong tanong at saka siya tinuro. Namimilog ang mga mata kong napatitig sa kaniya, pero blankong tinitigan lang rin niya ako pabalik, bago siya naglakad na muli papunta sa elevator. "Wait, Mister!" napasigaw akong muli. Ang ibang mga tenant sa lobby ay napatingin agad sa akin dahil sa lakas ng sigaw ko umalingawngaw sa buong building. "Balik na ako, Mang Isko, 'a." paalam ko kay Mang Isko. Kumaripas ako ng takbo upang habulin si Abel papunta sa elevator. Tapos ay naalala ko ang tupperware, dahilan para mapatigil ako sandali at saka napalingon agad kay Mang Isko. "Mang Isko, ang tupperware, mamaya ko kukunin ha!" I was pointing on the tupperware as I said the words, tapos ay tumalikod na ako at nagpatuloy sa pagtakbo para habulin si Abel. Nakasandal siya sa hawakan ng elevator sa may far-end corner habang nakahalukipkip, at nakapikit ang mga mata. Pumasok na rin ako agad bago pa ako masaraduhan ng metal doors. Sa sixth floor din ang punta niya, so I don't bother clicking the button twice. "Hoy, Mister, pagkatapos kong i-treat ang stab wound mo... pagkatapos kitang pagsilbihan kagabi, aalis ka lang ng walang thank you?" iritadong sambit ko sa kaniya. Nakapameywang pa ako sa kaniyang harap, at talagang magkasalubong ang dalawang kilay. I clicked my tongue as a sign of irritation. Lalo na nong hindi man lang siya natinag sa pagiging passive niya nang halos sigawan ko na siya. Malakas pa naman ang normal na boses ko, kaya kapag galit akong nagsasalita ay para akong sumisigaw. Kahit na normal na sa akin iyon. Evans didn’t grow on me. He hated when nagged him. He hated when I talk. Akala niya galit ako. That may be the reason why it was too easy for him to hurt me. Noong akala ko ay hindi na gagalaw pa si Abel, ay biglaang dumilat ang mga mata niya. Magkasalubong pa ang mga kilay niya. Dinapuan lang niya ako ng tingin. His jaw clenched as he stared at me. His gaze burning the back of my eyes. "Thank you, okay na?" nang-uuyam niyang saad. Napaikot ko na lang ang mga mata ko. Hindi ko alam na may mga ganitong lalaki pa palang nag-eexist sa mundo. The nerve of this guy! "Yung lampshade ko na binasag mo, ha? Paano na yun?" iritang dagdag ko pa, mataas pa rin ang boses ko at salubong ang kilay. Nakapameywang na lamang ako sa harap niya. "Such a nagger. I'll get you one, kapag nadaan ako sa Wilcon, okay na?" aniya sa parehong tono, kasabay ng pagbukas ng elevator. Nagmadali siyang umalis sa elevator na parang hindi niya na makakayanan pang tumagal doon na kasama ang tulad ko. Pero bago pa man siya makatungtong sa labasan ay iniharang ko na ang katawan ko sa tapat ng linya, at ang magkabilang kamay ko naman sa dalawang space na nilalabasan ng metal door sa doorframe. "So, ano, tutunganga ako dito habang nag-aabang sa'yo? Gano'n?" tanong ko pa sa kaniya. "Ni hindi ko nga alam kung saan ka nakatira!" Nakita ko ang pag-igting ng mga panga niya habang blankong nakatitig sa akin. "Get out." iritadong sambit niya sa akin, pero hindi ako umalis doon. Pinipigilan ko lang na makalabas ang metal doors ng elevator. "Let me get my pay first." madiin kong sambit sa kaniya. Napahinga na lang siya ng malalim bago siya tipid na tumango sa akin. "Let me reach my f*****g unit and I'll get you what you want, is that okay?" he snapped. His voice was too annoyed thta it immediately brought me back to my reality. Lahat ng galit ko ay nawala nang dahil sa sinabi niya. Fuck. It's like the first curse word that I heard in my life again, after two years. Evans cursed a lot, and I was somehow freed with blunt words noong makalaya rin ako sa kaniya. Umalis agad ako sa pagkakaharang ko sa kaniya, tapos ay hinayaan ko na siyang lumabas sa elevator. His lips formed a hard line as he walked out, completely ignoring my existence. Napatingin ako sa suot niyang damit. Ngayon ko lang napagtanto na pamilyar iyon. Parang nakita ko na kaninang umaga. Nakaramdam agad ako ng panlalamig sa kalamnan ko nang may marealize ako. Dahil mahahaba ang biyas niya, ay malalaki ang mga hakbang niya. I stared at his long limbs as he strode. Despite the thinnest of his body, and his legs, his built is sturdy and jaw-dropping. His biceps don't bulge like some of those guys na tila nanahanan na sa gym, but it was enough that I see glimpses of his muscles at some point. Especially when he extended his arm, his long slim fingers wrapping on the knob, twisting it and pushing the door open. That's when I gulped and took in the whole situation, completely getting his whole godly existence out of my mind. Doon siya sa Unit 131 pumasok. Ang unit na katapat ng unit ko. Nakita kong inilabas niya ang susi niya sa kaniyang bulsa at saka binuksan ang pinto ng unit na iyon, bago siya pumasok. It means, it's his unit. Siya ba iyong Brix na nakita ko kanina? Iyong may mamula-mulang labi? Napapikit na lang ako. Sa sobrang galit ko kanina nang makita ko ang mukha niya ay hindi ko na naisip pa ang ibang bagay kundi ang mag-nag sa kaniya dahil sa nakakairita niyang ugali. Agad pumasok sa isip ko iyong nangyari kanina, nang masanggi siya ni Trixy at tinawag na Brix. Nasaktan ito nang matamaan sa left abdomen niya. Ibig sabihin ay ang Brix na iyon ang nagbreaking and entering sa unit ko. Pero alam ko ang mukha niya. Nakita ko si Abel kagabi nang buksan ko ang ilaw. Alam ko ang mukha niya. Pero bakit dalawa ang pangalan niya? Napaisip tuloy ako kung kakambal niya lang iyon o roommate. Tama, paano kung kakambal na roommate lang, hindi ba? I admit, may charisma siya. Pero iba iyong isang nakita ko kanina. At saka, itong Abel na nakasalubong ko ay tila walang iniindang sakit sa left abdomen niya. He just walked gracefully. Imposibleng wala agad siyang maramdaman kung kagabi ko lang tin-reat ang tama niya. Dalawa sila, tama ako, hindi ba?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD