Kabanata 4

2983 Words
Kabanata 4 HINDI ako magkandamayaw nang marinig ko na ang unti-unti niyang pagpihit sa seradura ng kaniyang pinto. Lalabas na siya ng kaniyang unit—at dito na masisira ang pangalan ko sa kaniya. Ibibigay niya ang pera, at hindi na niya ako kakausapin pang muli. Hindi ko alam ang gagawin. Ang tanging dahilan ko lang naman kanina kaya ako nagpunta kay Mang Isko ay para magtanong patungkol kay Brix. Kung employed ba siya, para may taong lalaki na malapit, at matitignan-tignan si Herbi. Mas kumportable kaya ako kung lalaki... kung sakaling magpakita si Evans dito. Kinakain pa rin ako ng takot. “Here,” monotonous ang boses ni Abel nang iabot niya ang pera sa akin. Agad akong umiling at saka huminga ng malalim. Hindi pa naman huli ang lahat. Puwede ko pang solusyunan ito, at puwede ko pang mapabago ang isip niya. I extended my arm without any hesitations, and then I poked his left abdomen. “What are you doing?” iritadong tanong niya. Inabot ko agad ang hem ng tee shirt niya para i-angat at makita ko ang benda—ang ebidensiya na siya ang taong hinahanap ko. Bigla ay tinabig niya paalis ang kamay ko. “What the f**k are you doing?” Fuck—he swears a lot. Wala pang ilang oras simula nang makaharap ko siya, ay gusto ko na ring magsimulang magmura. Napakabilis ko talagang matukso. Napahugot na lang ako ng malalim na hininga, at saka nagsimula sa pakay ko. “May kasama ka ba sa loob?” tanong ko agad. Sandaling namilog ang mga mata niya sa gulat sa tanong ko, pero agad iyong bumalik sa dati nilang anyo—mapupungay na parang walang pakialam sa mundo. Posible pala talaga iyon? Na mawalan ka ng pake sa mundo? What does it takes, though? To be indifferent? Kasi gusto ko ring matutunan. Nasaktan na ako ng sobra-sobra, physically, even mentally. And yet, I’m still full of hope, despite my nightmares. So, how can people just ignore everything and not care? “I’m not interested in one night pay.” snap niya bago niya muling in-extend ang kamay niya para iabot ang bayad para sa lampshade na nabasag niya. Throwing me off my reverie. “Your body isn’t even inviting.” Nanlaki agad ang mga mata ko nang dahil sa sinabi niya sa akin at agad kong natabig palayo ang kamay niya. “How dare you?” nasambit ko kaagad. Namimilog ang mga mata ko sa gulat. Sigurado akong namimilog rin ang bunganga ko. But what surprised me is the fact that I didn’t even react when he thought I was suggesting a one night stand. Me, reacting on the fact that he thought my body is not tempting enough—is what bothered me. Bakit, dahil ba nabuntis ako ng wala pang asawa, ta’s single mom na ako ngayon? Is that what he’s implying? Wa sit my scars. Can he see through me? Can he see my scars? Bakit, dahil ba nakakadiri na ang katawan ko dahil sa katotohanang iyon? Bakit, losyang na ba akong matuturing dahil hindi na ako virgin, kahit na hindi pa ako nakakalakad sa altar? Iyon ba ang tinutukoy niya? Pakiramdam ko ay lahat ng init sa dugo ko’y nag-akyatan sa ulo ko. Pakiramdam ko umaapoy ang katawan ko—umaapoy sa galit. He c****d an eyebrow at me. “How dare me?” he asked smirking for a second, “How for not biting in your offer?” pagtatapos niya sa sentence ko na lalong nagpanganga sa bunganga ko. The nerve of this guy! Pinilit kong kumalma, dahil sa huli ako rin naman ang makikiusap sa kung sino pa mang tao ang nasa loob ng bahay niya. I don’t want to cause an unexpected feud, lalo na’t magkapitbahay kami—but this guy? Seriously? Ikinuyom ko ang mga kamay ko at doon ko inilabas ang lahat ng galit ko. I swear, if my nails were sharp as knives, kanina pa nagdudugo ang palad ko dahil sa galit. I bet the crescent moon shaped scars on my palms were back. “Nasaan yung Brix?” tanong ko na lang sa kaniya when I finally eased down my anger. I was breathing too hard, and my voice were under my breath. Nakita ko ang faint na ngisi sa mga labi niya nang banggitin ko ang mga salita ko, pero agad rin iyong nawala. Inisip ko tuloy kung naghallucinate lang ako na napangisi siya. Napaka gago niya kung ganon. Ugh—now, I’m starting to curse again. “He’s not interested.” sagot niya agad, tapos ay nakita ko na namang nagflash ang ngisi sa mga labi niya. Napakasandali lang niyon at nawala ulit agad. Napairap na lang ako sa kaniya bago ako napahalukipkip, trying to not speak any profanity again. Hindi iyon makabubuti if ma-pick up ni Herbi sa akin. “See, Abel, employed ako. Registered Nurse ako, at may bata ako sa loob. Three—” “Mommy!” nagulat ako nang may yumakap sa binti ko galing sa likod. Hindi ko napansing gising na pala si Herbi. Ni hindi ko rin narinig ang pagbukas ng pinto sa likod ko. I was too absorbed, and angry with the man in front of me. “Hi, Daddy Bwix!” tapos ay nagulat ako nang manakbo si Herbi papunta sa isang binti ni Abel. Malaki ang ngiti nito nang in-extend pataas ang dalawa niyang braso, tila nagpapabuhat kay Abel. Brix? Why is he calling him Brix? “No, Herbi—” pero bago ko pa man makuha si Herbi pabalik sa akin ay nabuhat na siya ni Abel. Nakita ko agad ang kislap sa mga mata ni Abel nang buhatin niya ang anak ko. Like it wasn’t the first time he saw him. Like there’s a certain connection between them. I gulped for I can’t even count, dreading the moment everything will be clear to me. I have a bad feeling about this. “How you doin’, cowboy?” he asked Herbi, tapos ay agad niyang ginulo ang buhok nito. “Mommy iws fwinding me new daddy, diba Mommy?” Halos mabulunan naman ako sa ibinalita ni Herbi kay Abel. Nakita ko ang mahinang pagtawa ni Abel sa ibinulong sa kaniya ni Herbi. Nakaramdam ako ng yamot. Hindi ko alam kung bakit. Hindi ko rin kasi alam kung paanong kilala ni Herbi ang taong ito. And his loyalty, it was fixed on Abel now! How could he betray me? I’m his mother! “Enough, Herbi, pumasok ka na sa loob.” utos ko kay Herbi. Tinigasan ko ang boses ko para malaman niyang seryoso ako. Nawala ang kislap sa mga mata ni Abel nang makita niya ang galit sa mukha ko. Bumalik siya sa pagiging monotonous at saka ibinaba na sa flooring si Herbi. Kinuha ko agad ang kamay ni Herbi at saka siya iginiya papasok sa pinto ng unit namin, tapos ay hinarap ko muli si Abel. “It seems like close kayo ng anak ko.” panimula ko agad kay Abel at saka ko itinuro ang closed door ng unit ko. Nanatiling nakatitig sa akin si Abel. “You know what, I yield. Abel or Brix, whoever you are na kapitbahay ko. I just want to ask kung employed ka. Ayun lang, so sagutin mo. Forget about the lampshade—naunahan lang talaga ako ng galit ko kanina.” panimula ko ulit sa kaniya. Sumandal lang siya sa hamba ng pinto niya habang nakahalukipkip. Diretso ang tingin sa akin. I felt so conscious with his stare. It's making me want to run and find a mirror, to see what exactly he’s looking at on my body or my face. “I’m employed.” sagot niya agad. “And don’t call me any names you hear, because I haven’t introduced myself to you yet.” tapos ay agad na siyang pumasok sa kaniyang nakaawang na pinto. Napahugot na lang ako ng malalim na hininga dahil sa frustration. That sick bastard! Damn, he’s really getting on my nerves. *** “Lobster and Sauvignon Blanc’s on me tonight, Cecel.” narinig ko ang bulong ni Rexter sa akin pagpunta ko sa Nurse department. Bumulong lang siya dahil sa takot na marinig siya ng terror naming supervisor na si Lineth Felices a.k.a NSV (Nurses’ Supervisor) “Let’s date?” he smiled knowingly at me, as his eyebrows wiggled up and down. Napatikhim agad ako at saka tinignan ang nagblink sa Kardex na nakadikit sa wall, pinapamukha kong busy ako, nang biglang nag-fake cough din si Merlice. Alam kong narinig niya ang bulong ni Rexter sa akin. Napahugot na lang ako ng malalim na hininga bago ko tinignan ang orasan ko. 7:00 P.M. na, bigla kong naalala si Mr. Alvarez sa 309. Fuck. It felt like the very first time na nagmura akong muli—without in the same room, breathing the same air with that guy from Unit 131. Maybe it’s because I always watch my language in front of Herbi, at nakasanayan lang. Pero dahil narinig ko ang malutong na mura ni Unit 131 kanina ay nahawa na nga ako ng tuluyan. Napakadali ko talagang matukso! Bumabalik ang dating ako. Fuck. “Chess Alvarez, insulin injection, 20:00.” narinig kong snap ni NSV, ang terror naming supervisor. Ipinitik pa niya ang dalawang daliri sa akin, upang kuhain ang atensyon ko. Nagulat ako sa lakas ng boses niya, dahilan para agad na kinuha ko ang basket na nakalagay sa push-cart at saka iyun madaling itinulak palabas sa station. Napagalitan pa ako, naalala ko naman ang task ko. Pumasok agad ako sa Schindler elevator kasama ang push-cart na bitbit ko. *** “Hi, Mr. Alvarez,” bati ko sa pasyente sa 309, hila ang push-cart papasok. Ngumiti lang sa akin si Mr. Alvarez bago siya unti-unting bumangon para magreceive ng insulin injection. “Are you ready?” tanong ko sa matanda dahil may pagkatakot ito sa mga injection. Ilang beses na kaming hindi nagkakasundo nang dahil lang dito. Huminga siya ng malalim at saka tumango sa akin. “Kaya ko na.” matapang niyang sagot at saka na pumikit. This is my chance. Without hesitation, I rubbed an alcohol in his skin. I pinched his left outer arm, before I pushed the needle all the way in his skin. He inhaled. Making his breathing stop. He knew that it takes at least five seconds bago ko tanggalin ang needle. “Okay, good job, Mr. Alvarez.” I told him with all smiles nang tanggalin ko na ang needle sa skin niya. Nilagyan ko iyon ng maliit na biluging band-aid pagkatapos. Ngumiti siya sa akin at saka hinawakan ang kamay ko, “Susunduin na ba ako ni Sherlie?” Sandaling nawala ang mga ngiti ko sa labi nang marinig ko ang tanong ng matanda. Alam kong hindi pa pupunta ang anak ni Mr. Alvarez dito hangga't hindi siya nadidischarge. Kailangan kasi ni Mr. Alvarez ng insulin regimens and other treatment for his Type 1 Diabetes, at ang anak niya na si Sherlie—I don't really know if she cares about her father. Whenever we call to inform her of what's happening to her father, as long as hindi life-threatening or hindi pa cured, huwag na daw kaming tumawag. She wasn’t keeping tabs on his own father. She wasn’t even calling to check on him even for once. At least daw ay nagbabayad siya ng tama sa oras—lagi niyang tugon. I wanted to tell her na wala namang cure ang Diabetes—but she's as authoritative as that guy from Unit 131. Walang pinapakinggang iba kundi ang mga sarili nila. She’s too selfish, that even his father, pinagdadamutan niya ng pagmamahal. Wala na ngang bayad ang pag-ibig, bakit hindi pa natin iextend ang mga kamay natin para i-share sa iba? Hindi ba? And yet, again, I wonder, how can they be that indifferent towards their family? Bahagya na lamang akong napailing ng aking ulo. People are simple that way. Selfish, self-absorbed. Self-centered. And I wouldn't want to add up to the sum total. I had a dark past, but it shouldn’t get in the way of my life now. Looking at the silver linings of life, iyon lang naman yata ang kasagutan. Hindi lang nila pinipiling gawin. “Bibisita ‘yun, Mr. Alvarez. Busy lang.” paliwanag ko naman kay Mr. Alvarez. Lumuwag na ang kapit niya sa kamay ko at saka ay nahiga na siyang muli. Nasasaktan ako para sa kaniya, but I have to be professional for his own sake. I should be emphatic towards my patients... but family problems... it’s beyond my reach now. “Gusto ko nang makita ang Butching ko—yung apo ko yun.” dagdag pa niya tapos ay napangiti. Tila naimagine na agad niya ang kaniyang apo sa kaniyang isipan, at ang kanilang pagkikitang muli. Napansin ko agad ang pagkukumpulan ng mga luha na tila ay nagbabadya nang tumulo mula sa gilid ng mga mata niya. I pursed my lips, I can’t help but sympathize with him, but I tried to fight it somehow. Don’t let him see you’re hurting. Kung may mauunang maging natatag sa apat na sulok ng kuwartong iyon, ako iyon. And I will help him be strong enough. With that, he’ll be able to trust me. That’s the way it is. Napapikit ako ng aking mga mata. Nararamdamn ko ang sakit na nararamdaman niya, dahil minsan na ring inilayo ni Evans sa akin ang anak ko. Isang linggo niya akong ikinulong sa basement noon—iginapos, noong nag-away kami. Isang linggo akong iyak nang iyak. Ang tanging nasa isip ko lang ay ilang months pa lang si Herbi no’n. Kung dumede na ba siya, kung umiiyak, natutulog... Hindi ko na alam ang iisipin ko noon—takot na takot ako. Natakot ako na baka kinitil na ni Evans ang buhay ng anak ko. Alam ko kung gaano kasakit mawalay. Hindi mo kakayanin, kasi mababaliw ka sa sakit. Mababaliw ka kaiisip kung paano ka makakatakas, o kung paano mo maibabalik ang dati. Mapapaiyak ka na lang kasi wala ka nang magawa. Nakagapos ka gamit ang kadena, tapos ay sarado ang pinto ng basement, at wala kang maririnig na kahit anong ingay mula sa taas. Tanging ang katahimikan lang na nangingibabaw sa kadiliman ng basement, at ang maya-mayang tunog ng lipad ng mga insekto. That’s one of the darkest moments of my life. It felt like years bago ako nakalaya sa kadiliman na iyon. I was so exhausted, pero si Herbi ang una kong tinignan nang pakawalan ako ni Evans, kahit na sobrang hapdi na ng lalamunan ko dahil sa pagkauhaw. Kahit na nanghihina na ako sa gutom. Kahit halos gapangin ko na ang paakyat sa bahay, sa sobrang pagod at paghihinang nararamdaman ko. I almost died there at the basement. I can’t help but think how Herbi almost died there too on his father's hand. Pakiramdam ko pa nga one time, may natulog na insekto sa maga kong mata noong natutulog din ako doon habang nakagapos. I haven’t taken a bath for days, and the insect must have thought I was a trash... so he sat comfortably on my face. It’s one of the worsts. But I couldn't compare what I had been through, with what Herbi had been through there. He was more helpless than I was, because he was just an infant. I couldn't help but think how Evans treat him nang isang linggo akong nakagapos sa baba. He wasn't a responsible father. I wonder if he ever covered my baby’s mouth with something na malapit sa kaniya, dahil lang umiiyak si Herbi at hindi siya makatulog ng maayos. But there weren’t gag marks, though. Maybe, he just worked neatly and cleaned his face after doing so. I wouldn’t want that to happen again. It’s hell on earth. “Huwag ka nang umiyak, hija.” narinig kong sambit ni Mr. Alvarez sa akin, dahilan para agad akong mapabalik sa realidad. Pinunasan ko agad ang mga luhang kumawala sa mga mata ko, tapos ay ngumiti ako sa kaniya. “Magiging okay rin po ang lahat, Mr. Alvarez.” sambit ko sa matanda bago ko sinimulan nang hilahin ang push-cart palabas ng 309. Last na si Mr. Alvarez para sa shift ko ngayong araw. 7:00 p.m. din ang call off ko. Paghubad ko ng scrubs sa locker ng station, at pagpapalit ng damit, ay agad na kinuha ko sa hand bag ko ang aking cellphone para makita kung nagtext ba si Trixy. Wala naman siyang kahit na anong text kaya ay tinawagan ko na lang siya habang naglalakad na ako palabas sa locker room. “Date night?” narinig kong sambit ni Rexter sa akin. Bago pa ako makasagot na hindi ako payag sa offer niya, ay nahila na niya ako paalis sa Hospital.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD