Kabanata 5
"Thank you, Rexter."
FLAT ang tono ng pagkakasabi ko kay Rexter matapos kong bumaba sa kotse niya.
May dala kasi akong scooter, pero dahil sa pagpipilit niya ay driver niya ang nagdrive ng scooter ko, tapos ay siya naman ang siyang nagdrive ng kotse niya kasama ako.
Kahit kailan talaga ay napaka mapilit niya. Kung tatanggihan ko naman ay lagi akong nauunahan ng pamimilit niya. Nahihiya na lang ako na i-turn down siya dahil puno na siya ng excitement kapag nasabi na niya.
At saka aware din akong may gusto sa kaniya ang isa sa team namin na si Merlice. Halatang-halata naman sa kaniya, sa bawat pagtutol niya sa pamamagitan ng pag-ehem sa akin at kung anu-ano pa. Kaya lalo lang umiigting ang pag-iwas ko kay Rexter. Ngunit, lagi naman siyang nandiyan para lalo akong pilitin.
"I'll walk you home." Rexter incissantly chirped, as I climbed out of his car. Lumabas pa siya para sundan ako.
Nakita ko ang pagtanaw ni Mang Isko mula sa loob ng Emerald Apartment A. Building, glass kasi ang walls nito.
Nakita ko ang malaki niyang ngiti na binalikan ko ng slight na pag-angat ng labi, upang ipahayag sa kaniya na hindi ko gusto ang nangyayari ngayon.
"No need, Rexter. I'm already home." sagot ko naman agad sa lalaki sa tabi ko, upang i-turn down muli ang offer niya.
Napangiti lang siya at saka ay hinawakan na ang kamay ko.
Seriously?
Why is he so gutsy?
Napahinga na lang ako ng malalim. Wala na akong nagawa kundi ang sumunod na lang sa kaniya matapos iabot sa akin ng driver niya ang susi ko sa scooter.
Una pa lang ay hindi ko na gusto ang confidence ni Rexter, nang makilala ko siya. He somehow reminds me of Evans, dahilan para pilit ko siyang iniiwasan as much as possible. Pero lalo lamang siyang lapit nang lapit sa akin. Kung anong layo ko, ay siyang mas dikit niya.
Ang kaibahan lang sa kanila ni Evans, is the fact that Rexter is rich. He told us under NSV's supervise na gusto talaga ng Dad niya na maging Neurosurgeon siya, but he doesn't want it. Mas gugustuhin pa niyang mag-nurse kaysa maging gano'n. If I were to be asked though, he couldn't do it. Hindi siya takot sa operation room. Just the fact that he couldn't reach that kind of level. Masyadong mataas iyon, at hindi niya lang masabi sa ama ang totoo.
Evans was just like him when I met him. Ang taas ng confidence, and he dreamt big-bigger than his ego. And it just led him to his destruction. It's just so sad that I was there beside him when he fell down, but he didn't recognize my faith in him. Ipinamukha niya lang sa akin na ako ang dahilan ng pagkasira niya, and it's too painful.
I don't ever want to go to that path with a person like him again.
I don't judge Rexter and his actions. It's just that every thing that he do, it plainly reminds me of what Evans and I were before.
"Good evening, Ms. Magpayo." formal na pagkabati sa akin ni Mang Isko.
Tumango lang ako sa kaniya. Maybe, it's because Rexter is a new face, and he does looks like a millionaire kaya umaayos si Mang Isko dahil employee siya.
"Do me a favor, Mang Isko. Paki-chain ang scooter ko sa bicycle rack, kunin ko na lang sa'yo later ang susi. Pasensiya na sa abala." pakiusap ko kay Mang Isko at agad na inilagay sa kamay niya ang susi ng scooter ko.
Ayaw kasing bitawan ni Rexter ang kamay ko, at hindi man lang ako makatigil sa paglalakad, o pauwiin na siya.
He's so f*****g persistent.
Nasasanay na naman ako sa pagmumura! Kailangan ko itong itigil kaagad.
Kung hindi ko lang siya ka-team kay NSV, matagal ko nang sinabing hindi ako nagpapaligaw. Hindi ko naman masabi ngayon, tanging sa mga gawi ko na lang naipapahayag sa kaniya. Hindi rin naman kasi siya nakikinig. Katulad na katulad ni Evans. Kahit anong ngarag mo, hindi patitinag. Kung anong gusto, iyon ang dapat masunod.
"What floor?" tanong agad ni Rexter nang makasampa na kami sa elevator. Nginitian ko lang siya, at ako na mismo ang pumindot sa sixth button.
As much as possible, kung alam kong makakayanan kong makatakas sa mga salita niya, ginagawa ko agad. Ayaw ko lang na masanay ako sa kaniya, dahil alam ko namang bandang huli ay makakayanan ko rin siyang patigilin.
Bumukas ang pinto ng elevator sa sixth floor.
Napatingin ako sa wrist watch ko at nakitang 9:00 p.m. na pala. Sa sobrang daldal ni Rexter sa resto ay nahirapan talaga akong magfocus.
Hindi ko nga yata nakain ng maayos ang inihanda sa amin sa resto na pinili niya dahil nawalan ako ng gana. Iniisip ko na lang kung anong sasabihin ni Trixy pagpasok ko sa unit, kasi hindi ako nagbilin sa kaniya na male-late ako. Nagsasabi lang naman ako sa kaniya sa tuwing nagco-cover ako ng shift ng kahit sinong nakikiusap sa akin.
"Dito na lang ako, Rexter." pampilit ko sa kaniya nang makalabas na ako ng elevator.
Ngumiti lang siya, at bago pa man magclose ang mga pinto ay lumabas na siya kaagad. Buo ang ngiti sa mga labi. Gusto ko na lang siyang sapakin sa mukha nang tigilan na niya ako!
Oh, God.
Ever the persistent one.
"Uh, actually, I'm still pretty full, Cecel. Can I at least drink a cup of tea with you, before I go?"
Kung may sariling katawan ang utak ko, malamang ay napa-facepalm na iyon sa disappointment sa akin kapag pumayag pa ako kay Rexter sa pagkakataong ito.
Pero hindi ko alam kung bakit wala akong magawa. Pakiramdam ko ay cornered akong muli-wala na namang takas. I will be forever trapped, at hindi pa rin ako matututong tumakas. Iyon yata ang ipinapahiwatig sa akin ng sitwasyon.
"Wala akong tsaa, Rexter 'e." sagot ko sa kaniya tapos ay naglakad na ako patungo sa unit ko.
"Coffee!" dagdag pa niya, talagang ayaw magpaawat, "Coffee will suffice. Pampatunaw lang."
Muli ay naramdaman ko na ang mga yabag ng paa niya pasunod sa akin. Hindi ko na kinailangan pang lumingon para kumpirmahin ang malaking ngiti sa labi niya.
Wala na akong nagawa.
Alam ko nang wala na akong kawala sa kaniya.
Napapikit na lamang ako sa kasinungalingan ko, dahil may isang box ako ng Lipton Green Tea sa kitchen island ko, na hindi ko na nailagay sa kitchen cabinet dahil sa pagmamadali ko kaninang umaga.
Paniguradong matatanaw niya iyon pagpasok niya sa unit ko. Magsisinungaling na lang ako ulit, kapag humantong na sa sitwasyong iyon.
Kasinungalingang papatungan ng isa pang kasinungalingan. Napailing na lamang ako sa mga desisyong ginagawa ko.
Kinuha ko na ang susi ng Unit sa aking bulsa at saka binuksan ang pinto.
"Trix, ikuha mo ng-"
Napatigil ako sa pagsasalita nang makita kong nakaupo sa couch ko si Unit 131.
Nakasuot siya ng gray jogging pants. Topless siya-medyo greasy tignan, dahil sobrang pawis ang katawan niya. Pero hindi ko alam kung bakit tila kumikinang ang pawis niya imbis na madumi tignan. He looked so hot sitting on my couch-but I swear he will look even hotter stark naked on my couch.
Nakasandal din siya sa backrest ng couch at nakapatong ang paa sa living room table, tapos ay may tea cup sa tabi ng paa niya. Umuusok pa. Nandoon din ang box ng Lipton.
Kung may katawan ang utak ko, binaril na niya ang sarili niya sa sobrang kahihiyan.
Unit 131 head's whipped on my direction. He stared at me before he arched an eyebrow. He looked too sexy! Pakiramdam ko ay manlalambot ang tuhod ko sa kaniya. Bakit ba siya gano'n? I completely forgot that Rexter was standing beside me.
"Why are you so late? I missed my work, did you know that?" lumagutok sa aking tainga ang matalas na boses ni Unit 131 nang hindi ako nagreact sa kaniya. I could swear my jaw was hanging, as I stared at him.
He lifted up the tea cup from the coaster, tapos ay sumimsim siya doon. Gusto ko na lang mamatay sa kahihiyan at sa kakaibang nararamdaman ko sa kaniya. I can't be attracted to him! But why this kind of feeling?
Halos magmartilyo ang puso ko. Masyado niyang hinigigop ang lahat ng hangin sa kuwarto, kasabay ng pagsipsip niya sa iniinomg tsaa. Nahihirapan akong huminga.
I cleared my throat, finally deciding that I shouldn't let him win. I shouldn't succumb to his hotness. Hindi dapat ako nagmumukhang nagpapantasiya sa kaniya.
Pinilit kong intindihin ang sitwasyon namin, hindi ang kumikinang na pawis niya sa kaniyang abdomen ngayon. Fully healed na ang tinahi kong open wound niya noong nakaraan, pero may traces na iniwan ang sugat. Iniwas ko agad ang tingin ko sa katawan niya at saka ako muling tumikhim.
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko, o hindi ko alam kung paano ko sasabihin ang dapat na sinasabi ko.
Una, anong karapatan niya para magbreaking and entering na naman sa unit ko?
Pangalawa, ang gulo ng bahay, at nasaan sila Trixy at Herbi?
Pangatlo, anong ginagawa niya dito at umiinom ng tsaa ko, so comfy dude, like, is this even his house to begin with?
At pang-apat, anong karapatan niya para sabihan akong late umuwi sa bahay ko, at sisihin akong hindi siya nakapasok sa trabaho niya dahil late akong umuwi?
Anong karapatan niya?
"Okay, good evening. Uh, I'm not an affair-It's just a dinner meeting, okay. Thanks, Ms. Magpayo. I'll leave now."
Umurong ang buntot ni Rexter. Nanginginig pa ang boses at halatang nakaramdam ng awkwardness. Tapos ay narinig ko agad ang pagsarado ng pinto sa likod ko.
He chickened out.
Okay, I'll admit it. That's hell of a good thing that happened tonight-na inisip ni Rexter na may asawa na ako at hindi na siya manggugulo sa akin simula ngayon...
But there are other four things Unit 131 and I have to deal with.