Kabanata 15
"Eli, listen."
HIS voice is exhausted. I don't know why, but maybe because there's so many things that are racing in his mind-although, I don't have even the slightest idea if I am one of those things.
"I can't promise you anything." sambit niyang muli, and then he looked me straight in the eyes. He's so serious, like he really does want me to absorb each and every of his words. "Do you still want me for that?"
Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko napupuno ng hangin ang lungs ko, pero hindi ako makapag-exhale. Tila ako iyong bata na sinalba ko kanina sa kalye. Tila ako isang pasyente na may Pneumothorax, kahit wala namag diperensiya ang lungs ko.
Gusto ko mang suntukin ang dibdib ko dahil sa pinapahirapan akong huminga, ay hindi ko magawa. Parang nanigas na lang ako sa kinatatayuan ko habang nakatitig sa mga mata niya-nagpapalamon sa tila isang void na mga mata niya.
Hindi ako makapagsalita dahil napupuno ng hangin ang baga ko.
"No feelings. We'll just entertain this heat." dagdag pa niya na agad nagpadry sa lalamunan ko, "We'll embracing it-what's happening between us, but I can't promise you anything more than that."
Alam kong napanganga na ako nang bahagya dahil biglang bumaba sa labi ko ang mga tingin niya. Halos hininga na lang nang sabihin kong, "I just want to have you." bago ko siya muling sinunggaban ng halik ko.
Ilang beses kong inisip ang nangyari kagabi. Pilit kong hinahanap kung saang parte ako naging desperado sa kaniya, para magalit ng sobra si Astatine sa akin.
Naging desperado ba talaga ako sa parteng iyon?
Ano bang mali sa ginagawa ko? I mean, isn't that what's trendy nowadays? Nagiging practical ang tao kasi bandang huli ay iiwan din naman sila? Isn't that the new romantic? Ang no-string attached relationship? Lalo na if both parties don't want commitment.
Saan ako nagkamali doon? I am just protecting myself, while getting the best out of life.
Napahinga na lang ako ng malalim nang pumasok ako sa on-call room at saka ay nakita siyang nakahiga sa isa sa mga bunk bed.
"Galit ka pa rin?" tanong ko agad sa kaniya pagkaupo ko sa isang monoblock na nasa gilid. Hinila ko pa iyon papalapit sa kaniya habang nakaupo ako.
"Napaka hindot mo kasi," narinig kong sambit niya tapos ay bumangon siya at saka ngumuso sa akin. Dinuro-duro niya agad ako, "Kapag ikaw ang kawawa sa huli, huwag mo kong lalapitan, huh?" dagdag pa niya tapos ay binigyan na ako ng ngiti.
Natawa na lang ako sa ugali niya at saka tumango na parang isang masunuring bata.
"So, ga-footlong nga ang haba?" malokong tanong niya ulit at ginamit pa ang dalawang kamay para ipakita sa akin ang haba ng footlong. Natawa agad ako sa kaniya at napailing na lang.
"Iba ka talaga, Asta." natatawang sambit ko sa kaniya na inismiran niya lang.
"Nako, huwag mong i-oopen yan do'n sa dalawang kurimaw, ha? Atin lang yan." dagdag pa ni Astatine bago napalingon sa pinto ng on-call room. Kinindatan ko na lang siya bago tinanguan, sabay sinabi kong, "Secret lang natin."
At saka, wala rin naman talaga akong balak na sabihin kila Blessi at Merlice. Bukod kasi kay Mariana, itong si Astatine ang pangalawa sa mga matatalik kong kaibigan dito sa SJM Hospital.
***
Ikinabit ni Trixy ang lego version ni Darth Vader sa itaas ng katatapos lang nilang buuing Death Star. Pumalakpak agad si Herbi nang makita ang masterpiece nilang dalawa.
"Yey! We're done here now, cowboy!" cheerful na sambit ni Trixy kay Herbi at saka ito pinalapit sa kaniya para yakapin.
Natawa na lang ako habang pinapanood silang dalawa na nakasalampak sa sala. Nandito kasi ako sa kitchen at nagluluto ng tanghalian namin.
"I'm going to miss you, buddy." sambit pa ni Trixy matapos yakapin at halikan sa kaniyang pisngi si Herbi.
"Tuloy ba talaga 'yang alis mo?" tanong ko naman agad sa kaniya nang pinihit ko na papatay ang stove dahil tapos na ang niluluto kong ulam.
"Of course naman, ate!" sagot agad ni Trixy na lumapit papunta sa akin karga-karga si Herbi. "Gusto ni Dad na magbakasyon daw ako don, mabubulok na daw sila Lola, 'e 'di ko pa nakakasama." natatawang dagdag pa niya. Natawa din ako sa choice of words niya.
Lumapit naman ako sa kaniya at saka siya binatukan dahil doon bago ko kinuha si Herbi sa kaniya.
"Aray, 'teh?" angal niya agad na tila sobrang nasaktan sa ginawa ko, dahil sapu-sapo pa niya ang kaniyang ulo, "Kung narinig mo lang yung line ni Dad, mas nakakatawa!"
"Nako, puro kayo kalokohan." natatawang sabi ko na lang sa kaniya na tinawanan rin niya.
"Ano, Herbi boy, saan mo idi-display ang Death Star natin?" tanong agad ni Trixy kay Herbi na buhat-buhat ko na.
"Hmm." sagot naman ni Herbi habang tila nag-iisip at kamut-kamot ang kaniyang baba. Napahalakhak si Trixy sa nakita, dahilan para ilapag ko na si Herbi sa sahig.
"Oh, magsama kuna kayo, maghahanda akong lunch." sambit ko naman pagkababa ko kay Herbi, tapos ay bumalik ako sa lob ng kitchen counter upang kumuha na ng mga utensils at plato.
"Eh, ate, kayo na lang at medyo busog pa ako. Paalis na rin ako, dumaan lang ako dito para magpaalam." sagot naman ni Trixy nang makitanh tatlong plato ang nilabas ko.
Inismiran ko agad siya, "Assuming ka rin, ano? Serving platter ang isa." sagot ko naman sa kaniya, pero siyempre ay biro lang 'yon. Napangiwi naman siya sa narinig na sagot ko, dahilan para mapatawa ako sa kaniya, tapos ay ibinalik ko na agad ang isang plato sa kitchen rack.
"Serving platter daw kasi," natatawang sambit na lang ni Trixy bago na hinarap si Herbi.
"Oh, ano cowboy? See you in two months na?" sambit niya kay Herbi na wala naman sa kaniya anh atensyon at nasa TV ang tingin.
"Uy," pagtawag niya sa atensyon nito, pero hindi naman siya pinansin dahilan para mapatawa ako sa kaniya. "Okay, fine." nakangusong sambit na lang niya bago hinalikan sa sentido si Herbi at saka na tumayo at lumapit sa akin.
"Two months, ate." nakangusong sambit niya bago napayakap sa likod ko. "Mamimiss ko kayo." dagdag pa niya kaya naging seryoso na ako at saka hinaplos ang kamay niyang akayakap sa akin.
"Intindihin mo na lang ang daddy mo. Masaya sa probinsiya." sambit ko sa kaniya, tapos ay bago ko pa kalasin ang yakap niya para yakapin siya paharap ay may kumatok na, tapos ay narinig namin ang tawag ni Mang Ernest sa labas, ang tatay ni Trixy na may-ari ng Emerald Apartment.
"Sige na, mag-ingat ka." sambit ko na lang sa kaniya bago ako dumukot ng perang papel sa bulsa ko at saka inabit sa kaniya, "Oh, pantamasa mo do'n." dagdag ko pa na ikinangiti niya.
"Thanks, ate. Alam kong kukuriputan ako ni Dad do'n." ani Trixy at saka sinamaan ng tingin ang pinto. Natapik ko na lang siya sa kaniyang ulo bago ko siya pinalabas na.
Napakakulit talaga ng batang iyon. Pero iba si Trixy, hindi siya katulad ng ibang mga nagdadalagang mayayaman. Hindi siya gaanong sunod sa luho, at kaya niyang paghirapan ang mga nakukuha niya. Gano'n din siguro siya pinalaki ng kaniyang ama.
Noong una, hindi ko nga alam kung bakit siya pumayag na tumingin-tingin kay Herbi dahil sa shift ko e-yun bang mapapaisip kang, anak ng may-ari ng establishment na ito, babysitter? Hindi siya maarte. Napaka masayahin niyang bata. Iyon na rin siguro ang dahilan kung bakit kampante ako kay Trixy.
"Oh, paano ba iyan, Herbi boy, tayong dalawa na lang ngayon?" tanong ko kay Herbi na busy pa rin sa TV nang magsandok na ako ng Lauya at saka naglagay sa mangkok. Nakarinig ako ng katok sa pinto nanh saktong paglapag ko sa kitchen counter ng mangkok na may Lauya.
"Sandali lang," pagsagot ko habang tinatanggal ang tali ng apron sa likod ko, at habang naglalakad na rin patungo sa pinto.
Sumilip agad ako sa peephole, only to see Brix na may malaking ngiti sa harap ko. Napangisi ako at saka agad na binuksan ang pinto.
"Apron's on, huh." bungad niya pagbukas ko ng pinto, nakita niya ang apron sa akin. Binuksan ko naman agad ng malaki ang pinto para papasukin siya.
"You'll actually look better in that-without your clothes." napatawa ako sa bulong niya bago siya tuluyang pumasok na sa loob, doon ko napansin ang tagalinis ng hallway na kumausap sa akin noon patungkol kay Brix.
Nakangiwi siya sa akin-at ang mga mata niya ay maraming sinasabi, tila ba dismayado sa akin dahil sa nakita niya.
Hinayaan ko na lang siya at saka ay tuluyan ko nang sinara ang pinto ng unit ko.
But But why do I feel like I'm a great sinner here? Dalawang taong may alam ng meron sa amin ni Brix, pareho silang tutol at pinapamukhang ang laki-laki ng kasalanan ko.
I mean, there are so many affairs there, halos lahat toxic. Halos lahat pagtataksil, eh yung akin, wala naman akong pinagtataksilan, hindi ba? Wala na kami ni Evans, at saka hindi naman kami nakatali sa isa't isa dahil hindi kami kasal. Wala akong pinagtatasilan, kaya itong ginagawa namin, hindi naman ito kasalanan, hindi ba?
Wala akong masasaktan.
Wala ring masasaktan si Brix.
O, teka, wala nga ba?