Kabanata 14
"There's something going on with us, Brix."
IYON na lamang ang nasambit ko sa kaniya matapos kong bumangon sa pagkakahiga ko sa kaniyang kama-hinahabol ko pa rin ang aking hininga.
Madilim sa kuwarto niya, tanging ilaw lang ng buwan na tumatagos sa bintana ang nagbibigay liwanag sa amin. Nakita kong naupo ang hubad niyang katawan sa study table niya na malapit sa bintana. Hindi ko siya nilisanan ng tingin, nanatili rin siyang nakatitig sa akin.
Pilit ko mang alisin ang lahat ng alaala nang kanina sa may daan ay hindi ko iyon magawang alisin sa isip ko. Basta ng halikan niya ako-alam na naming dalawa kung ano ang nilikha no'n-kung nasaan kami ngayon.
Hinila ko ang hubad kong katawan na balot ng kumot paupo sa kama niya. Hinihintay ko lang na ibuka niya ang mga bibig niya, pero hindi siya nagsalita.
"I can't do this," sa wakas ay nagsalita na siya. Pero hindi maganda ang boses niya. Madiin ang pagkakasabi niya sa mga binitawan niyang salita.
Napabuntong hininga ako. Hindi ko alam ang gagawin ko sa kaniya.
Pangalawang beses nang may nangyari sa amin, at alam ko sa sarili kong hindi na ito pwedeng baliwalain, dahil sa susunod na hawakan niya akong muli, kahit faint na haplos lang-alam ko sa sarili kong aatakihin ko aiya agad.
Gusto ko si Brix.
Gustong-gusto.
Alam ko iyon sa sarili ko, pero hindi ko alam kung anong narardaman niya para sa akin.
"I want you, Eli." narinig ko ang marahas niyang paghinga. Tila ba ay nahihirapan siya, but not to the point na may breathing problem siya. Nahihirapan siyang magdesisyon-tila ba napofrustrate. "I want you, believe me I do. But I can't have you."
Napalunok ako nang marinig ko ang huli niyang salita. Hindi ko alam, pero parang nabuhayan ang loob ko dahil sa sinabi niya.
Tumayo ako mula sa kama, hindi ko na ininda ang pagdadala ng kumot na nakapulupot sa akin. Naglakad ako direkta sa kaniya, iniwanan ko ang kumot sa kama.
"Then just have me." madiin kong sambit sa kaniya. Dahil sa liwanag ng buwan na tumatama sa kaniya, nakita ko ang pag-igting ng panga niya.
"I can't do that." madiin niyang sambit, at saka itinuon ang tingin sa nakasilip na buwan.
Nanikip ang dibdib ko sa sinabi niya, pero hindi ako nawalan ng pag-asa. Hindi ako mawawalan, hangga't alam kong gusto niya din ako.
Nakita kong muli ang lungkot sa mga mata niya habang nakatitig siya sa akin. Hindi ko maiwasang hindi rin malungkot dahil nakikita kong emptiness ng mga mata niya.
It's far different from Evans' eyes. Yes, his eyes are empty as well, lacking emotions-but because he's a monster.
Brix's eyes is like a galaxy without stars, but it is breathtaking. His eyes are as mysterious as the depths of the ocean-so dark, and as if full of secrets, secrets that he doesn't want to share. It's like the sun never rises there. Full of loneliness.
I know that he needs me-the same way I need him.
I know that we both need each other.
"Just let yourself have me," wala sa sarili kong sambit sa kaniya. Tila umapoy ang mga mata niya nang dahil sa sinabi ko-hindi. Hindi apoy, tila nagmukhang nothern lights ang mga mata niya. Napakasarap titigan. Napakasarap sa mata.
Brix is beautiful-his beauty is scarred, and that just only made him so damn attractive.
"Umuwi ka na sa inyo, Eli." narinig ko ang marahas niya muling paghinga, tila ba maging ang sariling mga salita niya ay tumatraydor sa kaniya.
Napapikit na lang ako.
I should decide right, right now-kung hindi, ako lang ang parang asong maghahabol sa kaniya.
Nameywang ang hubad kong katawan sa harap niya. Diretso ang titig ko at sinambit ang mga salitang tila buo na ang isip ko-pero ang loob ko ay nanghihina, parang hindi ko kayang pakawalan ang gaya ni Brix.
I mean, gusto siya ni Herbi.
Tila mahal na yata siya ng anak ko. Pinapasaya niya si Herbi, at alam kong kung magkakataon, ay magiging magaling at mabuting ama siya. Kung sa kaniya lalaki si Herbi, alam kong makakalimutan na ng anak ko ang lahat ng masasamang alala kasama ni Evans sa Ignacio.
Magiging masaya din kami.
"If I get out of here, makakaasa kang hindi mo na ako makikita ulit, Brix. I'll try to get out of your radar." sambit ko sa kaniya. Tinatagan ko ang sarili ko kahit na tila bumabaluktot anh dila ko sa pagsasabi sa kaniya ng mga salitang iyon.
Bumalik ang tingin niya sa bintana. Tumitig lang siya doon pero wala siyang sinabi sa akin. Wala siyang isinagot. Tapos ay narinig ko ang buntong hininga niya. Hindi na siya kumibo pagkatapos no'n.
Wala talaga siyang interes. Kung naaattract man siya sa akin, ay hanggang doon lamang iyon-hindi gaanong malakas, dahil kaya niyang wala ako.
Tila nanikip ang dibdib ko habang pinapanood ko ang kawalan niya ng pake. Napabuntong hininga na lang ako bago ako bumalik sa direksyon ng kama upang kuhain ang mga damit ko sa lapag sa gilid no'n at saka na ako nagdamit.
Pinanood niya lang ako na nagbibihis sa harap niya. Medyo may kadiliman sa parte ko kaya hindi ako nag-alala dahil hindi naman niya ako gaanong nakikita.
Pagkasuot ko ng pantalon ko ay agad na akong naglakad patungo sa pinto, "Kakalimutan ko na ang lahat ng nangyari." sambit ko pa bago ko tuluyang maabot ang pinto ng kuwarto niya.
"Don't," sa wakas ay narinig ko ang mahina niyanh bulong.
Hindi pa ako sigurado sa narinig ko, dahilan para tumigil ako sa pag-abot sa seradura ng pinto at agad na nilingon ko siya.
"Ha-"
Mabibilis ang mga yabag, at malalaki ang mga hakbang niya nang magtungo siya bigla sa akin. Bago ko pa man matapos sasabihin ko ay siniil na agad niya ako ng halik.
"Don't forget the memories."
***
"Gaga ka, anong sinabi mo?" nanlalaki ang mga mata ni Astatine nang kinuwento ko sa kaniya ang nangyari sa amin ni Brix kagabi. Halatang-halata ang pagtutol niya sa akin kumpara sa dati nang halos makitili siya sa kalandian ko.
Recess kasi, at habang recess ay nandito kami sa cantina kumakain ng hanggang sa kaya naming ubusin. Kaming dalawa lang rin ang nandito sa booth na pinaka paburito naming tambayan. Hindi ko alam saan nagtungo sila Merlice at Blessi, o miski si Rexter.
"Hindot kang babae ka, umabot ka sa friends with benefits para lang sa isa pang hindot na 'yon." nakangiwi niyang sambit sa akin. Napabuntong hininga na lang ako.
Bakit kapag galing sa kaniya, parang lumalabas na ang sama-sama kong tao?
Tinitigan niya lang ako ng seryoso, kaya napatitig na lang din ako sa kaniya. Tapos ay biglang kumunot ang noo niya at saka tila asar na asar sa aking hinampas ako sa braso ng hindi ba nabubuksang foot long niya tapos ay halos i-thrust iyon sa mukha ko bago niya sinabing, "Hindot ka talaga! Ganito ba kalaki t**i no'n para umabot kayo sa ganiyan?!"
Halos magtinginan ang ibang mga nurse at hospital staffs sa paligid namin nang umatake ang ratatat at megaphone na bibig ni Astatine. Napanganga ako sa sinabi niya at agad ko siyang binato ng fry mula sa plato.
"Yung bibig mo, gaga!" nahiya kong pabulong na sigaw sa kaniya, pero tila ay wala lang sa kaniya 'yon dahil nagpapakatotoo lang siya. Ni hindi siya tumawa sa akin, o magbago man lang ang aura na tila ba napahiya. Seryoso pa rin siyang nakatitig sa akin.
"Ang hindot mo po." sambit niya pang muli na tila ba hindi pa rin makapaniwala. Napasampal na lang ako sa mukha ko habang iniisip na kung may katawan ang utak ko, kanina pa siya nakareceive ng multiple shots at stab wounds dito. Kamay ko pa mismo ang maglilibing sa madaldal niyanh bunganga.
"Kaninong t**i ang naririnig ko sa malayo, ha?" bungad ni Merlice na may dalang variety ng food sa kaniyang tray at saka naupo sa tabi ko. Napatikom na lang ako ng bibig sa lakas ng mga boses nila.
"Why the awkward treatment for me?" nakakunot na tanong ni Merlice nang wala sa amin ni Astatine ang nagsalita.
Napalingon agad si Merlice sa mga nakapaligid sa amin na parang nakikinig din.
"Parang hindi kayo nakakakita ng mga t**i sa ER, ah? Anong tingin yan?" snap ni Merlice sa mga staff na nakaabang sa amin. Nag-iwas agad sila ng mga tingin.
"So, p***s talk kayo ngayon? Talk to a person who owns one." ngisi ni Rexter na hindi ko na alam kung saan nanggaling. Parang kabuting tumubo sa harap namin.
"Just shut up, Rexter." may pagkairitang sambit na lang ni Astatine.
Hindi na ako nagsalita pa. Tahimik na kumain na lang ako ng nakahanda sa aking harap.
I think I just made a wrong decision.
Hindi ko lang matukoy kung alin sa dalawa ang mali.
The fact that I decided to have a no-strings attached relationship with Brix, or the fact that I told Astatine about it.