ANGAT SA LUPA

1726 Words
 CHAPTER 7   "Paborito ba ninyong sabihin ang salitang baby Miss? Nine times kasi ninyong binanggit iyon saka bingi ba talaga ang boyfriend ninyo? Halos sumisigaw na kayo e, kung hindi ko lang kayo kilala baka isipin kong nagyayabang kayong kausap ninyo ang boyfriend ninyo." Natigilan siya. Siya yung napangiti. Matalino nga talaga ang isang ito. Ngayon alam na niya kung bakit siya ang pinili ng Daddy niya na ipasama sa kaniya. Mukhang mali yata siya sa first impression niya rito. Paano kaya niya ito mauutakan kapag nasa probinsiya na sila. Ano kaya ang kahinaan niya? Ano ang puwedeng magpalambot sa kaniyang puso para kahit two weeks pa lang sila roon ay maipasa na niya ang evaluation sa kaniya? Kahit nag-usap na sila ni Bobby kagabi ay nagtext pa rin siya para sabihing mawawala siyang kulang-kulang isang buwan para babalikan na niya sa US. Mukha kasing panay na ang paramdam ni Bobby sa kaniya. Alam niyang hinahanap na siya ni Bobby. Tama ang hinala niya, mamahalin din siya ni Bobby kung maramdaman nitong wala na siya sa tabi niya. Kaya lang, uunahin niya munang i-break si Dave at kapag okey na, babalik siya sa US, babalikan niya si Bobby at formal na nilang sisimulan ang kanilang relasyon. Pagdating nila sa Bus Station ay mabilis silang sinalubong ng isang babae. She looks elegant, sophisticated, gorgeous, well Airish knew for a fact na malayong mas maganda siya. Mabilis na nagyakap sina Justine at ang babae. “Ohh, may girlfriend din pala.” Naisip niya. Sandali lang ang pagyayakapan ng dalawa dahil pagkatapos may ibinulong si Justine sa babae ay saka naman tumingin at nagbigay pugay ang maganda at seksing babae sa kaniya. "Miss Airish, this is my fiancée Janna. Janna, you know who she is, right?" "Glad to meet you po, Ma’am Airish." Nahihiyang inilahad ni Janna ang kaniyang kamay na mabilis naman niyang inabot. “Ayaw niyang tawagin siyang ma’am,” bulong ni Justine sa nobya. “I’m sorry, Miss Airish po pala.” Walang reaction na tinanggap ang pakikipagkamay ni Janna sa kanya. "Same here." Maikli niyang sagot. May fiancée na pala siya. Ang pinagyayabangan niya kanina ng boyfriend ay may fiancée na. Mukhang malabo yatang malalandi niya ito. Nagkaroon ng ilangan sa pagitan nilang tatlo. Wala silang maisip na pag-uusapan. "Okey, paano Hon, we really have to go. I can't promise to always text or call you kasi alam ko mahirap ang signal doon pero I'll try my best okey?" "I understand. Mabuti nga pinayagan mo pa akong makita kita kahit sandali lang bago ka aalis." "Of course. Hindi din naman ako puwedeng umalis na hindi kita makita muna. Bye na muna at mamimiss kita." Kasunod iyon ng paghila niya sa baywang ni Janna at ang paglapat ng kanilang mga labi nang mabilisan. Muli silang nagyakap saka hinawakan ni Justine ang palad ni Janna. Nakita niyang parang walang gustong bumitaw. Oh God. Dito pa sa mainit at maraming tao naglampungan. Nakaharap pa ako sa kanila. Nakakainis. Sana si Bobby na lang si Justine. Sana ganoon si Bobby sa kanya. Sana hindi siya yung naghahabol sa boyfriend niya. Ngunit alam niyang yung nakikita niyang sweetness ng dalawa ay mangyayari rin sa kanya pagkatapos ng immersion. "Let's go Miss Airish." Napakislot siya nang marinig niya iyon galing kay Justine. Malayo na naman kasi ang iniisip niya. Bumunot siya ng malalim na hininga. Pinauna siya ni Justine sa paglalakad pagkatapos nilang magpaalam kay Janna. Mabilis niyang pinili ang upuang nasa tapat ng bintana. Nang inilalagay ni Justine ang kanilang bagahe sa compartment sa taas ng kanilang inuupuan ay naitaas ang polo shirt nito at makapal na jacket kaya tumambad sa kaniya nang malapitan ang bahaging iyon ng katawan na kinahuhumalingan niya sa lalaki. Taglay ni Justine ang bahagi ng katawang iyon. May abs at may kaunting maninipis na buhok. Napalunok siya. May kung anong kakaibang naramdaman siya ngunit minabuti niyang supilin iyon habang maaga pa. Hindi pwede. Ngayon lang siya sasakay ng public bus at inaamin niya, mukhang pahirap ito sa kaniya. Inilibot niya ang kaniyang paningin sa iba pang pasahero na kumakain ng kung anu-ano na siyang lalong nagpatindi sa hindi niya nagugustuhang amoy sa loob ng bus. "Miss Airish, ako diyan sa bintana at kayo dito sa isle." "I prefer to seat here. Diyan ka na sa isle." "Hindi porke gusto ninyo Miss, iyon ang masusunod. Doon ho kayo sa mas ligtas. Kung gusto ninyong madali ang lahat sa atin, ngayon palang kailangan ko na ang cooperation ninyo." Huminga siya ng malalim. “You are a bodyguard, a PSG, right?” “Kailangan bang maging PSG Miss para isipin ko muna ang kaligtasan ninyo. Kahit mga teachers inuuna nila ang kaligtasan ng kanilang mga students e hindi rin naman sila mga PSG, hindi ba?” "Okey! Panalo ka na naman." Medyo inis na tinuran niya. Tumayo siya at nagbigay ng daan sa pagpasok ni Justine. Nang tumapat ang bahaging iyon sa harap ni Justine sa mismong puwitan niya ay naramdaman niya ang bumundol na iyon at di niya napigilan ang sariling mapalunok. Tuloy ay para siyang estatwang nakatayo lang doon kahit kanina pa nakaupo si Justine. "Miss Airish, maupo na kayo at aalis na ang bus." Wala sa sariling sumunod si Airish. Inilayo niya ang braso niya sa braso ni Justine. Ayaw na niyang madikit pa ang katawan niya rito. Hindi kasi magandang pangitain ang mga nangyayari. Hindi puwede at hindi siya makapapayag. "Ang biyahe natin Miss Airish ay maaring tatagal ng labindalawa hanggang labin-apat na oras. Umaga na ang dating natin sa Tuguegarao City and from there, sasakay naman tayo ng jeep at maglalakad ng may kalayuan bago marating ang ating destinasyon. Kaya kung ako sa inyo, kailangan ninyong matulog para may lakas kayo bukas." "Ano? Gano'n kalayo ang lugar na pupuntahan natin?" napakamot pa siya. Hindi pa sila nakakaalis e, gusto na niyang sumuko dahil medyo may nararamdaman na talaga siyang kakaiba. May umakyat na mga nagtitinda ng mineral water, candy, chicharon at mga prutas. Nag-aalok ang mga ito sa bawat pasahero. Bumili siya ng mineral water. Nang tumapat ang nagtitinda ng chicaharon at candy sa kanila ay sumenyas si Justine. "Hindi siya bibili, manong." Inunahan na ni Airish. "Bibili ako manong, dalawa chicharon at sampung pisong candy sa'yo brad." Pangontrang wika ni Justine. "Dalawa chicharon? Kita mong ambaho na ng aircon dahil sa sari-saring amoy makikidagdag ka pa? Lumipat ka ng upuan kung gusto mong kumain ng chicharon mo." "Gawin mo na palang tatlo manong at damihan mo ng suka ha?" "What the f**k is this Justine! Patay gutom? Kailangan pang may suka? My God!" Hindi sumagot si Justine ngunit halatang nang-aasar lang. Nang inabot ang binili niya at nang sinadya talaga niyang sobrang bayad ay nagsimula na siyang kumain ng paborito niyang pagkain. Ito ang madalas niyang kainin sa tuwing nagbibiyahe siya. "Oh, heto yung isa Miss A, okey bang Miss A na lang?” “Ewan ko sa’yo, ayaw ko ng amoy ng kinakain m. Tawagin mo ako sa gusto mo sa aking itawag.” “Heto po oh, mukha kasing gusto mo din e. Nahihiya ka lang." "What made you think na kumakain ako niyan?" "Napapalunok ka kaya." "Napapalunok? Nakikita mo ba ang mukhang ito? Nababanas ako sa amoy ng suka. Disgusting!" Luminga ito at nakita niyang may isang bakante pang upuan sa dulo. Tumayo siya. "Opps saan ka pupunta, Miss A?" hinawakan ni Justine ang braso niya. Kakaiba ang init ng palad ni Justine. Para siyang nadadarang. "You and your chicharon will stay here at doon ako sa hindi ko maamoy yang pinagsasawsawan mo ng pagkain mo." Napipikon siya ngunit napalunok habang tinitignan niya ang kamay ni Justine sa kaniyang braso. "Hindi puwede Miss A. Dito lang kayo. Dito lang tayo. May seat number tayong binayaran." "Bitiwan mo nga ako. I just decided na lumipat ng mauupuan at please, kahit ngayon lang din na ako nag masusunod." "Okey." Kibit-balikat na sagot ni Justine ngunit tumayo rin siya. Nang makarating si Airish sa lilipatan niya ay mas naunahan pa siya ni Justine sa pag-upo sa bahaging bintana ng bus. Lalong nagpupuyos na sa galit si Airish. "Nakakaintindi ka ba? Sabi ko, ayaw ko ng amoy ng kinakain mo kaya nga ako na lang ang lumipat para ma-enjoy mo yang chicharon mo tapos bubuntot-buntot ka pa rin dala 'yang binili mong....ahhhh! Oh God! I just can’t ahhhh, nakakainis!" "Ito lang bang problema mo? O sige e, di huwag kumain. Basta di kayo puwedeng malayo sa akin." Inilagay ni Justine sa plastic bag ang nabuksan na niyang chicharon. Bumuntong hininga ito. Umupo na din si Airish ngunit nadinig niya ang buntong-hininga ni Justine. "Masama yatang loob mong hindi makakain ng chicharon e. Para kang bata!" "Bata? Sino kayang asal bata sa atin? Chicharon lang ayaw mo akong payagang kumain dahil ayaw mo ng amoy nito? Anong kaartehan 'yun?" Ngunit hindi lang si Justine ang bumili niyon. Ang kaharap nila, katapat ng upuan sa likod nila. Ahhh lahat kumakain na ng chicharon! Lahat sila ay sarap na sarap ding kumakain. Yumuko siya at pinigilan ang sariling mainis. Ilang minuto pa ay tumindi na ang nararamdaman niyang pagkahilo. Hinawakan niya ang sikmura niya. Kahit sobrang lamig na ang buga ng aircon ay pinagpawisan siya sa hindi niya maintindihang pakiramdam. Hanggang sa alam niyang may lalabas na. Nasusuka na siya sa pagkahilo at sari-saring amoy sa loob ng bus. "Nasusuka ako." bulong niya kay Justine na nakapikit sa tabi niya. "Ano? Nahihilo ka ba Miss A?" Tumango lang siya. Nasa lalamunan na niya kasi iyon ngunit pinipigilan lang niyang lumabas. Mabilis na tinanggal ni Justine ang mga chicharon sa plastric at iniabot sa kaniya. "Dito, dito mo na lang isuka 'yan Miss A. Kailangan mong ilabas 'yan para mas gagaan ang pakiramdam mo." Pagkaabot na pagkaabot ni Justine ang plastic kay Airish ay agad nang sumuka doon ang huli. Kitang-kita ni Justine ang hirap ni Airish. Naisip niyang sana lang kayanin pa ng isang anak mayaman ang mabuhay sa mundo nilang mahihirap. Alam niyang mahihirapan ito ngunit iyon lang ang paraan para lumapat sa lupa ang nakaaangat nitong talampakan. Pinisil niya ang tiyan ni Airish saka niya marahang hinaplos ang likod nito. Hindi niya puwedeng panoorin na lang ang First Daughter dahil nasa kaniyang kamay ang kaligtasan ng buhay nito, sa panganib man o sa kalusugan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD