SAPAT NA BA?

1988 Words

CHAPTER 31   Hanggang dahil sa pagod ay nakatulog si Airish sa dibdib ni Justine. Matagal niyang pinagmasdan ang maganda at maamong mukha ni Airish. Iniisip niya kung ano ang magiging kahihinatnan ng laro nilang ito. Kung sino ang matatalo. Ngayon payag na siyang sumubok. Sa pagpayag niyang halikan siya ni Airish kanina ay hudyat na iyon nang pagsisimula ng lahat. Kung ano ang magiging katapusan, iyon ang kaniyang hihintayin. Bahala na. Dahil sa maginaw na ang hamog at masakit na din ang katawan niya sa hindi komportableng pagkakahiga nila ni Airish ay tinapik niya ito sa balikat para gisingin at babalik na sila sa kubo. "Tara na sa kubo at baka magkasakit ka sa hamog." Bulong ni Justine. Uminat ang ginising na si Airish. Ngumiti ito ng pilit. Masarap ang gising kahit pa madaling araw

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD