FRANCHESKA POV “BAKIT humaba yata ang mukha mo, my baby? May problema ba?” tanong niya sa akin. Hinaplos niya ang aking pisngi kaya napatingin ako sa kanya. “Ha?” Humaba ba ang mukha ko? Bigla kasi ako nalungkot dahil mapupurnada ang plano kong surprise birthday party sa kanya. “Sabi ko, bakit humaba ang mukha mo? May nangyari ba?” Pinilit kong ngumiti nang malaki sa kanya. “W—wala naman. So, anong sinabi ni Aaron? Anong gagawin ninyo sa 18?” tanong ko sa kanya. “Anong gagawin namin sa 18?” Tumango ako sa kanya. “Hindi ka ba sasama sa akin sa 18? Akala ko ba gusto mong magbakasyon? Pupunta tayo this 18 sa Singapore, my business meeting kami roon kaya isasama kita. Doon tayo unang magbabakasyon.” sabi niya sa akin. “W—what? Kasama ako, Ninong Xeron?” bulalas na tanong ko sa kanya.

