FRANCHESKA POV NAIPARK ko na ang sasakyan sa basement parking ng company ni Ninong Xeron. Hindi ko alam kung nasaan ang car ni Ninong Xeron dito kaya bandang labas ko na lang pinark ang aking hot pink car. “Stay here first dahil pupuntahan ko muna si Ninong Xeron.” Tinapik ko ang aking hot pink car and lumakad papunta sa elevator. Kanina pagod na pagod ako, pero bigla iyon nawala nang marinig ko ang boses ni Ninong Xeron. Nakatingin ako sa itaas ng elevator habang tinitignan ang numbers doon, hanggang tumuntong na ako sa floor kung nasaan siya. Finally, Iʼm here. Lumakad ako palabas sa elevator, papunta sa office room niya at nakita ko si Aaron na yumuko sa akin, ngumiti lang ako and nilagpasan din siya. Napahinto ako nang nandito na ako sa tapat ng office room ni Ninong Xeron.

