FRANCHESKA POV “SHETE! Mga bwisit sila!” malakas kong sabi habang nagda—drive na ako papunta sa Lazaro main house. Doon na muna ako maninirahan dahil ayokong makita sina dad and kuya Harold. Naiinis ako kapag naiisip ko sila. Kumukulo ang aking dugo at nanginginig ang aking buong katawan. “Argh!” Hindi ako mapakali dahil dama ko pa rin ang bigat ng kamay ni dad sa aking pisngi. Hindi ko pa rin nakikita kung namula ba ang pisngi kung saan niya ako sinampal. Kaya nang mag—red light ay hininto ko ang kotse. Tumingin ako sa rear view mirror at doon ay nakita ko ang kanang pisngi ko na namumula. Gusto kong hawakan pero dama ko ang sting nuʼn. I need an ice. Pina—andar ko na muli ang kotse nang mag—green na ang stoplight. Dire—diretso ko iyon hanggang makarating ako sa mismong Laza

