FRANCHESKA POV “HAYAAN na natin silang dalawa, apo. Paniguradong mag—uusap sila about sa business.” Napatingin ako kay Grandma nang magsalita siya. “Ganoʼn po ba, Grandma?” Tumango siya sa akin. Sumakay kami ng e—bike para makapunta sa house ni mom dito. Nakita nakita ang white and pink na kulay sa buong bahay. Heto ang bahay ni mom. Natutulog kami rito noong mga bata kami kapag may party sa Lazaro at kapag bakasyon sa school. “Walang iniba sa bahay ni Frances, apo. Hinayaan namin na ganito ang design. Iyon din kasi ang gusto ng mom mo.” Nakagat ko ang aking ibabang labi nang marinig ang sinabi ni Grandma. “Paniguradong ganoʼn din ang gusto ni mom, Grandma. Matutulog na po ako. Magpahinga na rin po kayo, Grandma. Alam kong pagod na rin po kayo.” Nakangiting sabi ko sa kanya. “Pahi

