FRANCHESKA POV NAKATINGIN ako sa full body mirror, ngayong araw ay enrollment na namin and this is our last year, fourth year na ako sa pasukan. Hindi ko alam pero kumakabog nang mabilis ang aking puso. Hindi dapat ako kabahan, isa akong Lazaro. School namin iyon kaya kung may problema sila, pʼwede silang umalis. “Francheska, are you done? Sabi ni kuya Cole ay ihahatid niya tayo sa campus para makapag—enroll!” Napatakip ako sa aking tenga nang marinig ang matinis na boses ni Queen, nandito pa rin ako sa Lazaro main house. Hindi pa ako bumabalik sa house namin dahil naiinis pa rin ako kina dad and kuya Harold, lalo na sa kanya. “Oo na! Lalabas na ako! Sandali lang!” malakas kong response sa kanya. Gusto sana ako ihatid ni Ninong Xeron pero may meeting siya today kaya ako na lang ang p

