FRANCHESKA POV NAKARATING na ako sa department namin, nakita ko si Rosy na kumakaway sa akin kaya mabilis akong tumakbo roon. “Good morning, Cheska! Mahimbing ba ang tulog mo?” tanong niya nang makalapit ako sa kanya. Ngumiti tumango ako sa kanya. “Of course, I am. Bakit naman ako hindi makatutulog nang mahimbing, Rosy? Hinayaan ko ang issue na iyon sa family ko and kay Ninong Xeron. Kung hindi nga lang damay ang name ni mom, hindi ko tatanggalin ang issue na iyon, pero damay siya kaya we need to clean it. Paniguradong iyon din ang gusto ng mag—ina na iyon ang sumikat ang name nila na konektado sa Quezon!” madiin na sabi ko habang umiikot ang aking mga mata. “Grabe ang kapal ng mga mukha nila, ano? Nakita ko nga ang picture, naka—red dress pa pala sila. Sana sinabunutan mo man lang, Ch

