FRANCHESKA POV “XERON, tinatanggap ka na namin sa pamilya namin. Alagaan mo ang apo naming si Francheska.” madiin na sabi ni Grandpa kay Ninong Xeron. “Of course, I will, Mr. Lazaro—” “Grandpa Miguel, Xeron. From now on, iyon ang itawag mo sa amin, okay? Narinig mo naman kanina na tinatanggap na kita sa pamilya ng Lazaro.” sabi ni Grandpa sa kanya. “I will, Grandpa Miguel.” “Xeron, iho, alagaan mo itong apo kong babae. Alam mo namang wala pang isang taon nang mawala si Frances sa pamilya namin. Paniguradong naiisip pa rin ni Francheska ang mom niya. Lalo naʼt mag—isa lang siya sa bahay dahil busy sina Henry and Harold sa Cheese Company nila. Kaya intindihin mo na lang kapag nagkaroon ng init ng ulo ang apo kong ito.” Napangiwi ako sa sinabi ni Grandma. Alam ko namang nag—aalala lang

