FRANCHESKA POV NAKASAKAY na muli kami sa kanyang kotse. “Namiss talaga kita, my Fran.” Nagulat ako sa kanyang sinabi. Bigla—bigla na lang kung ano ang pinagsasabi ni Ninong Xeron. Kaloka. “Me too, Ninong Xeron. Namiss din talaga kita.” Hinalikan ko siya sa kanyang pisngi. At, naalala kong hindi pa niya sinasagot kung saan kami pupunta. “Anyway, Ninong Xeron, kanina ay sinabi mong may pupuntahan tayo this afternoon. Saan naman?” tanong ko sa kanya. “Donʼt tell me may pa—surprise ka pa sa akin?” Nakangiting tanong ko pa sa kanya. “Kaya siguro pinasuot mo ko ng bagong dress?” dagdag na tanong ko pa sa kanya. Hinawakan niya ang aking kamay at hinimas iyon. “Hindi ka talaga mapakali hanggaʼt hindi mo nalalaman kung saan tayo pupunta, ha?” Nakangising sabi niya sa akin. Tumango ako sa kan

