FRANCHESKA POV TUMATAKBO ako ngayon papunta sa pampang dahil nakuha na ni Ninong Xeron ang jet ski. May dalawang jet ski kami pero isa lang ang gagamitin namin. Hindi rin naman kasi ako marunong nito. “Ninong Xeron, are you sure na marunong kang mag—drive, ha? Baka tumalsik tayo,” sabi ko sa kanya. Naalala ko si Tyron dati na tumalsik siya sa jet ski dahil nagmayabang na marunong daw siyang mag—drive kaya ayon aksidente ang abot niya, hindi naman siya nabalian ng buto. “Of course, my baby. Come on, sumakay ka na rito para makapaglibot tayo sa buong resort ninyo,” sabi niya sa akin at tinapik ang kanyang harapan. “Sabi mo iyan, ha? Ayokong matulad kay Tyron na tumalsik nang gamitin ito.” sabi ko sa kanya. Natawa siya sa sinabi ko. “Hey, hindi ako nagbibiro, Ninong Xeron—dahan—dahan la

