FRANCHESKA POV NAKARATING kami sa kanyang unit, pagod na pagod ako pero kailangan kong bumaba dahil hindi ako mabubuhat ni Ninong Xeron, ang dami naming dala, pasalubong. Napatingin ako sa phone ko nang makitang 7PM na. Grabe, ang lala ng traffic sa Metro Manila. Umalis kami sa Batangas ng 1PM, dumating kami rito ng 7PM, halos seven hours ang byahe namin, may stop—over din naman kami ginawa dahil umihi and kumain kaming dalawa. “Are you okay, my Fran?” Narinig ko ang tanong ni Ninong Xeron sa akin. Tinignan ko siya at tumàngo then sumandal sa kanyang katawan. “Yes, Ninong Xeron... Kahit inaantok na ako. Ang sakit ng likod ko,” ungot kong sabi sa kanya. Nasa elevator na kami at hinihintay na lang namin na bumaba kami sa floor kung nasaan ang unit niya. Hinalikan niya ang aking buhok.

