FRANCHESKA POV NAKARATING na rin kami sa bahay kahit panay ang ungot ni Ninong Xeron sa akin. Talagang pinipilit niya akong huwag muna umuwi. Ang kulit. Ilang beses kaya inere ni tita Josefina si Ninong Xeron. Ganoʼn kasi ang narinig ko kay mom dati. Kapag ilang beses kang inere ganoʼn ka kakulit. Huminto na ang sasakyan niya sa harap ng bahay. May napansin akong bagong car pero hindi ko na pinansin iyon. Pumasok na kaming dalawa sa loob at dama kong tahimik, ibig sabihin ay wala sina dad and kuya Harold. Nang makapasok kami ay nagulat kaming dalawa ni Ninong Xeron nang makita si tita Josefina na nasa living room namin. “Finally, dumating na rin kayong dalawa. Hello, iha!” Nakangiting sabi niya sa akin at tumayo then bineso—beso ako. Naguguluhan ako sa kanya pero ngumiti rin ako

