Chapter 2

1880 Words
********** PALAISIPAN pa rin sakin kung sino iyong nagpadala ng litrato at mensahe kagabi. Sinubukan kong tawagan pero napagtanto kong wala pala akong load. Leche! Nakasakay ako ngayon sa jeep papuntang school at bigla na naman akong kinabahan at kinilabutan dahil ramdam kong may mga matang nakatingin sa’kin. Kaya tumingin ako sa paligid ko at lahat ng pasahero nakatingin pala sa akin. Nagtaka ako. “Bakit po?” tanong ko sa kanila. “Di ka pa bababa? Dito na school mo, diba? Kanina pa ako nagsasalita dito pero di ka nakikinig. Mukha kang timang jan na nakatulala.”mahabang sabi sakin nung driver. Ganun ba ako kalutang at ngayon ko lang napansin na nakatigil pala ‘tong jeep? Nagiging praning na ako sa mga nangyayari sakin. Kaloka. “Sorry po.”sabi ko at agad na bumaba ng jeep. Tinignan ko ang oras sa phone ko. 6:48 pa lang, maaga pa. Kaya pumunta muna ako sa canteen para bumili ng pagkain, hindi na ako masyadong nakakain sa bahay dahil andaming pinuputak sakin. Hindi na rin ako nakasabay kay kuya dahil aabesnt daw ng first subject nila. Pumili na ako ng kakainin ko ng biglang may sumigaw ng darna. Charot. “BAAAAAAABEEEEEEE!” Ay shuta. Muntik pang mahulog iyong pagkain ko sa sigaw ng lalaking iyon. Kilala ko kung kaninong boses iyon. “Babe. Sorry hindi ako nakapasok kahapon. Hindi tuloy kita nakita.” Sabi niya sakin. “Wag mo nga akong tatawaging babe. Hindi kita boyfriend. Baka mamaya marinig ka ng ibang boys jan, at hindi ko na sila matikman dahil sa’yo.” Sabi ko kay Ian-iyong sumigaw ng babe. Kaibigan ko. Actually, tatlo silang kinikilala kong kaibigan. Si Ian-yung sumigaw, hindi ko alam kung pinagti-tripan ako ng lalaking ‘to at tinatawag niya akong babe. Gwapo si Ian, sobrang gwapo, makulit at maingay. “Hinaan mo nga boses mo. Nakakahiya ka.” Sabi naman ni Drake kay Ian. Si Drake naman - kabaliktaran ni Ian. Sila talagang dalawa ang unang mag-bestfriend kinaibigan lang ako ni Ian kaya napasama ako sa kanila. Kung Ian ay maingay at makulit. Si Drake naman ay seryoso at tahimik. Gwapo silang dalawa, marami ngang naiinggit saking babae at bakla dito sa school eh, dahil close ako sa kanilang dalawa. Hindi naman pinansin ni Ian iyong sinabi sa kanya ni Drake at napanguso na lang siya. “Bakit babe, di pa ba ako sapat sa’yo? Malaki naman alaga ko ah. Diba iyon naman gusto mo? Nagsawa ka na ba sakin?”parang batang sabi ni Ian. Hindi naman lingid sa kaalaman nila ang tungkol sa ginagawa ko, tanggap pa rin naman nila ako eh. Kahit ganito ako. If i know balak din nila akong tikman. Sa ganda ko ba namang ‘to? Para akong MnM na chocolate- Irresistible. “Hoy, Ian. Anong nagsawa ka jan? Hindi pa kita natitikman, noh? Kahit nga iyang alaga mo, hindi ko pa nakikita.” Hindi ko na hinistay yung sagot niya dumeretso ako sa bakanteng lamesa at dun kumain. Nakaupo kami sa pang-apatang lamesa katabi ko si Ian sa kaliwa at katabi niya naman sa kaliwa niya si Drake. Buti at wala pang masyadong tao. Hindi ko pa talaga sila natitikman. Kahit gustong-gusto ko, natatakot ako. Diba nga? Iyong mga lalaking natitikman ako, may nangyayaring masama sa kanila? Kaya ayoko. “Iyon na nga eh. Willing naman akong magpatikim sa’yo pero bakit ayaw mo? Pag pinapakita ko sa’yo si baby Ian ko. Ayaw mo? May mali ba sakin?” nagtatampong sabi niya sakin. Ayokong tingnan baka matukso ako. Isa pa man din ako sa mga marurupok. “Seryoso kayo? Iyang talaga pag-uusapan niyo? Tsk.” Biglang sabat ni Drake. Napataas naman yung isang kilay ko sa kanya. “Eh ano naman ngayon?...If I know pinagnanasaan mo rin ako.”bulong ko pero mukhang narinig niya ata. “What did you say?”habang nakatingin siya sa mata ko. Iyan na naman siya sa english niya. Dinudugo pempem ko pag-umi-ingles iyan eh. Oo, pempem ko dinudugo, hindi ang ilong. “Wala..”bulyaw ko sa kanya. “...bakit nga ba wala kayo kahapon? Tsaka, asan si Karla?”pag-iiba ko ng usapan at nagtuloy na lang sa pagkain. Si Karla-ang isa pa naming kaibigan. Siya ang una kong naging kaibigan, mga bata pa lang kami, siya na lagi kong nakakalaro. Siya nga ata ang dahilan kung bakit ako naging bakla eh. Kasi pinapahiraman niya ako ng manika niya nuon. Siya din ang naka-alam ng mga pinag-gagagawa ko sa mga lalaki ko. Okay lang naman daw sa kanya, basta magkaibigan pa rin kami. “Kayo ang magkalapit ng bahay ni Karla, tapos sa’min mo itatanong?” sabi ni Drake. Oo, nga noh? Nakalimutan kong daanan iyong bahay nila kanina. Absent kasi silang tatlo kahapon kaya baka hindi pa nila alam iyong nangyari. At kawawa ako kahapon kasi wala akong source of answer sa mga quizes namin. Matatalino kasi sila lalo na iyong Karla. Siya din nagsabi sakin na isa akong androgynous na tao. Nerd iyon si Karla. Nakasalamin. Tapos may hawak parating libro, pero maganda iyon kahit medyo may pagka-weird kaso ang problema, mas maganda ako. “Malay ko ba kung magkakasama kayo kahapon.” “Babe, ako wala ako kahapon kasi nagtampo ako sa’yo. Hindi mo nireplyan iyong chat at text ko.”nakangusong sabi ni Ian. Shuta. Kung di ko lang kaibigan ‘to baka nasunggaban ko na ‘to ng halik. Ang cute-cute niya kasi pag ganyan siya. Inaakit niya ata ako eh. “Ako naman. Tinamad akong pumasok. Iyon lang. No need for more explanations. Tss.” Si Drake. At dahil hindi na naman nahintay si Karla dito. Umalis na kami at dumeretso sa room. Pagka-upo namin sa pwesto namin sa likod. Siya namang dating ni Karla. At agad na puwesto sa tabi ko. Tatanungin ko na siya ng bigla namang dating guro namin. Masungit pa naman ‘tong teacher na ‘to kaya hindi ko na lang tinuloy ang pagkausap kay Karla. Palibhasa walang asawa kaya masungit. If I know tuyong-tuyo na ang kepyas niyan sa sobrang tagal ng walang pumapasok. Baka nga inamag na eh. At sa tingin ko mas makapal pa sa sss forest yung yung bulbol niyan. Yuck! At nagpatuloy na ang pagtuturo ni Ma’am ng walang ibang nagsasalita sa’min kung di siya. Nakakapanis ng laway dito sa subject na ‘to. Leche. *KRING-KRING-KRING* Lumabas agad kaming apat pagkarinig namin ng bell para pumunta sa kabing klase namin. “Babe, hintayin mo naman ako.”sabi ni Ian at umakbay pa sakin. Syet ang bango ng kili-kili niya, ang sarap lamutakin. Syempre dahil ayaw ko sa tukso, kunwaring nainis ako sa ginawa niya at tinanggal ko yung kamay niya sa balikat ko. “Ene be! Wag mo ko sabing tatawing babe. Baka marinig ka nila.” Pero binalik niya ulit yung kamay niya at ngumuso ulit. Iyan na naman siya. “Nakakaselos ka na, babe ah.” Pinabayaan ko na lang siya at nagpatuloy kami sa paglakad. Napansin ko si Karla. “Uyy, ghurl. Antahimik mo naman masyado, dinaig mo pa si Drake ah.” Napatingin naman siya sakin at kay Ian. “Ahhh. W-wala. M-may iniisip lang ako.” Hindi siya makatingin sakin. Bakit anong meron? “Siguro boyfriend mo iniisip mo, noh? Pakilala mo naman sa’kin.” “A-anong boyfriend ka jan. W-wala akong boyrfriend, noh?” agad naman niyang sabi. “Wag mong sabihing nagseselos ka sa’min ni Ian?...”tinanggal ko yung akbay sakin ni Ian at tunulak siya papunta sa kanya.”...oh sa’yo na siya.” Nagulat naman si Ian sa ginawa ko. At agad na lumayo kay Karla. “Kadiri ka naman, babe. ‘Di kami talo niyan noh? Mas mukha pa ngang lalaki sakin yan eh. Baka si Drake ang type niya...” lumingon naman agad ng masama si Drake kay Ian dahil sa sinabi nito. “...pre, sa’yo na lang siya.” “F*ck You.”sabi na lang ni Drake. Natawa ako sa kanilang dalawa. Ayaw nila kay Karla, una pa lang. Alam niyo kung bakit? Discreet Lesbian iyan si Karla. Oo, lesbiana siya. Nalaman namin iyon ng minsang nag-inuman kaming apat at siya iyong sobrang nalasing. Salita na ng salita si bakla. Kung anu-ano na sinasabi. Iyon pala nagbreak daw sila nung girlfriend niya at pinagpalit sa lesbiana rin. Kinaumgahan nun, kinompronta namin siya. At iyon umiyak ng umiyak sa harapan namin at umamin din. Pero syempre, dahil magkakaibigan kaming tunay tinaggap namin siya gaya ng pagtanggap nila sa’kin. ***** PAGKATAPOS NG ikalawang subject namin na wala namang ibang ginawa kundi ang magkwento tungkol sa pangyayari sa buhay niya na wala namang kinalaman sa subject namin. Bwisit yun. Sinasayang niya lang binabayad namin, ghurl. Shuta siya. Dumiresto na kami sa canteen at bumili agad ng pagkain at puwesto ulit sa dati naming pwesto. Habang kumakain kami, naririnig namin yung usapan sa kabilang table na malapit lang sa’min. “Grabe iyong nangyari kay Anthony kahapon. Sabi-sabi daw ng iba hindi naman daw siya nagpakamatay. May pumatay daw sa kanya. Kasi may nakitang bakas ng mga daliri sa leeg niya.” At dahil sa narinig namin napatigil kaming apat sa pagkain. So, ibig-sabihin alam na nila. “Hayyy. Nakakatakot na dito, babe. Transfer na kaya tayo? Dumadami na iyong mga namamatay dito.” Baling sakin ni Ian. “Pa’no niyo nalaman, eh wala kayo kahapon dito?” “Nabasa lang namin sa group chat natin. Pero hindi namin alam iyong buong nagyari.”sabat ni Drake. “E-excuse me lang guys. P-punta lang akong CR. Ihi l-lang ako.”utal na biglang sabi ni Karla. Tinignan ko siya habang papalayo sa’min. Para siyang kinakabahan at pinagpapawisan. Tinignan ko iyong pagkain ko at bigla kong naisip. YUCK! Kadiri naman iyong babaeng iyon, kaya pala kinakabahan at pinagpapawisan. Nae-ebak siya. AMBABOY DIBA? ***** Anthony’s POV (iyong namatay, point of view niya bago nangyari sa kanya iyon.) “Sa susunod na lang ulit pogi.” Huling sabi sakin ni Aki. Napakagat naman ako ng labi sa sinabi niya. Kung may oras pa talaga sana ako. Hindi ko siya titigilan sa pagkantot. Ihi niya lang ang pahinga. Tinigasan na naman ako sa naiisip ko. Buti at walang tao dito sa loob ng gym dahil under-renovation ‘to. Dahil kung meron man mapapansin nila iyong bukol ko sa jersey’ng suot ‘ko. Nang maghiwalay na kami ng dinaanan ni Aki. Papalabas na sana ako ng gym ng biglang may tumawag sa’kin. “Anthony!” Kilala ko ang boses na iyon. Pero pagtalikod ko para sana harapin siya, isang mahigpit na sakal ang nakuha ko sa kanya. Sinubukan kong lumaban at tanggalin ‘yong kamay niya pero sobrang lakas niya, parang hindi siya iyong kilala ko. Tinitigan ko siya sa mata sobrang sama ng tingin niya sa’kin, para siyang papatay. Bago pa ako mawalan ng buhay, narinig ko pa ang sabi niya... “Diba, sinabi ko na sa inyo? Wala kayong karapatang galawin si Aki.” At ‘di ko na alam ang mga sumunod na nangyari. **********
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD