PROLOGUE
TOTOO nga ang sabi nila na ang taong nagigipit, sa patalim ay makapit.
KAHIT siguro maliit na butas ng karayom ay handang palakihin para makadaan lamang.
NGUNIT bakit sadyang mapaglaro ang tadhana?
BAKIT may mga taong ginagawang hobby ang pag-a-assume?
BAKIT may mga taong inaaraw-araw ang kabubohan? Buti sana kung vitamins, e daig pa ang paligo ng kapit-bahay namin kung maligo ay isang araw sa isang linggo.
BAKIT kaya may mga nilalang na out of this world ang itsura?
BAKIT may mga taong matalas ang pandama ngunit sa kanya’y mapurol pa sa itak na mapurol?
BAKIT hindi patas ang mundo?
BAKIT hindi basta-bastang namamatay ang masamang d**o? Maging masamang d**o narin kaya ako?
BAKIT gano’n? Sa dami-dami ng puwede kong pagkakitaan bakit picture pa ng isang taong mas mailap sa ginto, perlas at diyamante sa mundo?
BAKIT siya pa?
BAKIT siya pang mas manhid sa taong tinurukan ng anesthesia at active ipahiya ang taong naisin niya?
BAKIT ang taong minsan na akong sinaktan at ipinagtabuyan sa harap ng kaibigan ko at ng mga taong nakapaligid sa akin?
BAKIT sa isang Shiro Kyle Silvestre pa?!
BAKIT?!
------------
“I SAW you, you’re looking at me. Why? Do you need something?” He asks with his signature poker face look.
Hanu daw?!
“Huy! Hindi porke’t nakatingin sa direksyon mo ay ikaw na agad ang tinitingnan! ‘Di ba puwede iyong pader?! Assuming ka men!” I lied getting pissed.
God! Tingin pa nga lang ang ginawa ko ay nahalata agad niya! Ano na lamang kung camera na ang hawak ko? This will be hard!
“ARE you following me?”
“Huh?? Anong akala mo sa akin? Stalker mo?!”
Bakit? Hindi nga ba ako nagmumukhang stalker sa lagay na ito? Great! Think Bree, you need to do this!
“At saka, pag-aari mo ba ang lugar na ito?! Makaasta ka mayor?? Mayor?” Nanghahamon kong sabi. “Hindi mo ako stalker! Asa ka men!”
Okay? Bakit ang defensive ko?
“I didn’t say you’re my stalker.”
Paktay! Sapul ako do’n ah! Assuming ko na ba?
“Second, I didn’t need to become a mayor just to own this place. Even a mayor cannot own my house without my consent! A private property. My PROPERTY.” At talagang pinagdiinan niya pa.
Oo na! Ako na ang double dead! Siya na ang may karapatan dahil…….dahil pag-aari niya ito. Teka! Ano daw?! Pag-aari n’ya ‘to?!!
I look around and only to found out I’m inside of a very big house. No! A freaking mansion! His freaking mansion?! What the hell! Are you f*****g kidding with me??!! How can he own such a big house like this at a very young age?! Though I know he came from a wealthy family but never been thinking him to be this rich.
And another hell! What the holy mother of cow am I doing her inside?! Why didn’t I notice?! Worst, I just exposed myself to him! Damn! Triple dead!
“P-Pasensiya ka na! L-Lutang lang! Marami kasi akong iniisip kaya naging ganito. Habit ko ito sa tuwing gano’n ako. Hindi ko namamalayan kung sino na ang aking nasusundan at kung saan-saan na ako nakararating.”
Marami naman talaga aking iniisip at lahat iyon tungkol sa kanya. Pag-iisip na naglalaman ng iba’t ibang estratehiya. Totoo lahat ng iyon pwera na lang doon sa sundanan chuchu. Hindi naman ako ganoon. Wala akong maisip na dahilan eh! Ewan ko ba! Matalino naman ako ngunit pagdating sa kanya ay nabobobo ako.
Lakas makahigop ng IQ.
----------
“STOP taking pictures of me will you? Bree?”
Oh my ghie! Nakita n’ya ako! Basag camera na ba ‘to?
No! I won’t let that happened! Mahal kaya ang camera with lenses ngayon! Come on! Mag-isip ka Bree!
“Hindi ikaw ang kinukuhanan ko ng litrato noh! Assuming men ka talaga! Kung ayaw mong makunan p’wes!” Pinaypay ko pa siya na tila pinaaalis. “ Lumayas ka diyan! Nakakasira ka ng view!”
Whew! Nice! Nakalusot din! Sana kagatin niya.
“Oh! Really? Saan maganda ang view? Is it the outdated wall or the trash bin with rotten and smelly garbage on my back behind me?”
Damn! Sabi ko nga imposibleng maniwala s’ya! Gawin ba namang dahilan ang basurahan sa likod at ang nakalulunos na sinapit ng pader sa kamay ng panahon at mga taong walang magawa kundi manira. Totally, this is way of impossible reasoning!
I sigh.
Why do I feel it will take me forever just to have at least one stolen shots of him?!