VM 24-Hidden Pain. (Miracles Jen POV) Kakatapos lang ng 4th period. Break time na. Di ko alam bakit kailangan ko pang pumasok para lang bantayan ang pact ni Luffer at tulungan ang pact ni Lhiam. Tahimik na ang buhay ko doon sa nakatagong tower at ngayon kailangan kong makipahalubilo sa mga tao at kapwa ko pa bampira. Napailing na lang ako. Sumandal ako ng maayos at pumikit. Biglang nagingay ang loob ng silid kaya napamulat ako at napalingon para tingnan kong sino ang dumating. Tama nga ako, si Priree,tsk. Late nanaman siya! "Si Priree dumating na." Utal ni Kyla at tumabi saakin. "Oo nga ee, as usual late na naman." Kako at tiningnan si Priree sa likod na sinalubong agad ng mga kaklase kong babae. "Sabi ko na nga ba malelate ka na naman baby Pri ko." Ani isang kaklase ko. "Siguro

