VM 25- Help Me. (Christie POV) Nakatayo ako sa harap ng malaking bahay. Hawak parin ako nung lalaking nagligtas saakin kanina. Si Kaito waaah mas gwapong version ni Kaito kid. "Pumasok na tayo!" Aniya hila ako. "Waaaah sandali lang! Hindi kita kilala at wala akong tiwala say..... Di ko natapos ang sasabihin ko sana dahil tinakpan nito ang bunganga ko. "You are too loud? Paano kung marinig tayo ni Luffer? Eh di nahuli tayo!" Aniya sa mga mata ko. Ang lapit niya masyado kaya napalunok ako. Tinanggal ko ang kamay niya sa bibig ko at dinuro siya. "Ah basta, ayaw kong pumasok sa bahay mo. Aalis ako!" Kako at umatras na. "Pero huhulihin ka ni Luffer kapag nakita ka niya. Tinutulungan lang kita!" Tawag nito. "Alam mo di kita kilala at di ko alam ang dahilan mo kung bakit mo ako tutulun

