VM 17- Be My Princess. (Maxine POV) Nakasandal ako sa malapit sa bintana katabi si River, nakatingin lang ako kay Xian at Kaycee. "Sa palagay mo Riv, bakit kinuha ng darkvamps sina Xian at Kaycee?" Tanung ko kay River sa tabi ko. "Hmp. Dahil siguro sa nagpaparami sila kaya balak nilang gawing darks din sina Xian at Kaycee." Sagot ni River. "Tsss,imposible yun. Alam ng mga darks na gugustuhin pang mamatay ng isang slayer kaysa maging isang darksucker!" Kako at nagcross-arms "Yeah,katulad ng papa mo na pinilit ang mom mo na patayin siya bago pa man ito magbagong anyo." Ani River baling ako kaya napatigil at napalunok ako. Si Mama at Papa ay slayers, nung sumugod sila ni mama sa palasyo ng mga darks para iligtas ang mga kinuha nilang mga tagalugar namin, para gawin sana nilang pagkain

