VM 18-I'll Be Useless (Kyla POV) Galing akong Harpire Space, medyo malayo yun sa Blanditia Fanum Space kung saan ako magaaral sa paaralang Akeldama Monere Universus at mabuti na lang talaga magaaral din ang boyfriend kong si Kevin sa AMU kaya kumuha siya ng bahay sa BFS. Naging boyfriend ko si Kev di dahil niligawan niya ako, ako ang unang nagcofess tungkol sa pagkakagusto ko sa kanya. Taga Harpire Palace si Kevin at unang kita ko sakanya nung napadaan kami ng tita ko sa palasyo at saktong paglabas ni Kevin. Sa subrang gwapo niya napatulala ako at di makagalaw. Unang beses ko kasi nakitang lumabas siya sa napakalaki at napakagandang palasyo na yun. Mula nung lumabas siya sa palasyo tinandaan ko na ang oras ng labas niya at sinusundan kung saan pumupunta. Lumalabas siya ng palasyo 5

