CHAPTER 25 Kiray's PoV “I love you, Kiray. I really do.” Parang biglang tumigil ang oras nang marinig ko ‘yon mula sa kay Alex. Sinabi naman na niya iyon kanina sa city hall. Pero kaharap ang mayor at ang mga guests, all just for show. Ngayon na narito kami sa kwarto kung saan dalawa na lang kami, no need for pretense, no show, walang drama. Kaya bakit naman niya sasabihin na mahal niya ako… unless he really mean it. Ramdam ko naman ang sincerity. Mahal ko rin naman siya. Hindi malabong magka-in love-an kami. Pakiramdam ko ay huminto ang oras. Very unexpected kaya nakaka-kilig. Napapikit ako at napatakip ng pisngi. Alam kong nangangamatis na ang buong mukha ko sa hiya. This is the first time that I felt this. Parang bumalik sa pagka teen-ager. Noong sinisipat pa ang crush sa kabi

