CHAPTER 26 Kiray's PoV “May supresa ako sa ika-sampung putok, Love…” Hindi ko na yata kaya. Halimaw si Alex. Tutuparin niya talaga ang sampung putok. Aalma na dapat ako dahil pagod na at gusto ko sana magpahinga muna pa pero tumayo na siya at hinila niya ako para tumayo na rin. Kinuha niya ang bathrobe niya at sinuot ito. Napataas ang kilay ko at tumulis ang aking bibig. “What's with that face?” tanong niya. Dinampot niya ang kanyang cellphone na nasa side table. Napakunot noo ako dahil sino naman kaya ang kausap niya sa sandaling ito. Ngayon pa talaga sa oras ng honeymoon namin. “Salamat, Enna. Bye,” iyon lang ang narinig ko. Ah ok. Si secretary pala niya. Grabe naman ang pagka workaholic ni Alex. Kahit naka leave na siya ay trabaho pa rin ang iniisip. “Sabi mo round 10 pa.”

