CHAPTER 6
Alex’s PoV
“Eight, seven, six…” tahimik kong binibilang habang pasulyap-sulyap kay Kiray. Napatingin din siya sa relo niya, malapit nang mag-alas dose. Ngayon na ang tamang oras.
Dahan-dahan kong inilabas ang maliit na cake na binili ko kanina sa bakeshop. Simple lang. Hindi ko kasi alam kung anong flavor ang gusto niya. puting icing lang at gold lining, na may “happy birthday, love” na dedication na nakasulat sa ibabaw, no intricate design.
Sinindihan ko ang isang maliit na kandila sa gitna, sabay tiningnan siya nang diretso.
“Happy birthday, Kiray. Make a wish.”
Tumigil siya. Hindi siya agad nakapagsalita. Para siyang napatulala, parang may gustong itanong pero di niya maibuka ang kanyang bibig.
“O baka umiyak ka pa niyan, cake lang ‘yan. Baka kumanta ka pa ng ‘ikaw na ba si Mr. Right. Ikaw na ba ang icing sa cupcake ko’.”
“Alam ko naman na hindi tayo talo.”
“Pa’no kung panalo tayo?”
Akala ko ay ngingiti siya. Pero lalo lang siyang nalungkot.
“Oh, fvck! Iiyak ka na talaga. I'm just kidding,” natataranta kong sabi dahil tumutulo na ang luha niya.
“Ngayon lang kasi ako nakatanggap ng cake sa birthday ko. Ngayon lang may naka-alala at nag surprise ng ganito,” sabi niya habang pinapawi ang luha.
“O, mag blow ka muna.”
Inihipan niya ang kandila ngunit hindi niya mapatay patay gawa ng nagiging emosyonal na siya. Kaya tinulungan ko siyang ihipan ang kandila at sabay namin itong napatay. Napatingin ako sa labi niya.
Ang ganda talaga ng pagkaka pink.
Seryoso akong nakatitig sa kanyang labi nang bigla niyang pinahiran ng cake ang pisngi ko at humagikgik. Kaya gaganti ako, papahiran ko na sana siya ng icing nang bigla siyang nataranta at napahid ko sa gilid ng labi niya ang icing.
Kapwa kami natigilan. Parang pati ang oras ay tumigil sa mga sandaling iyon. Ang mga titig namin ay nagkatagpo. Hanggang sa dumapo ang tingin ko sa kanyang labi na may mantsa ng icing. Dahan-dahan kong tinanggal ang icing sa kanyang labi hindi sa pamamagitan ng aking daliri kundi ng aking dila.
I licked the icing on her lips. Alam kong nabigla siya sa ginawa ko, but I can't help it. Her lips are so enticing. Sinamantala ko ang pagkabigla niya, I slipped my tongue into her mouth, tasting hers slowly, deliberately. The kiss turned torrid and all-consuming. Sumasabay na rin siya sa aking mga halik. Ibinaba ko ang strap ng kanyang damit dahil nag iinit na ako. Isisilid ko na sana ang kamay ko sa loob ng kanyang skirt ngunit dito na siya nagitla at nakalimutan kong hawak ko pa pala ang kanyang cake.
Naitulak niya ako ng bahagya at nabitiwan ko ang cake, dumulas sa aking kamay at nahulog sa kanyang dibdib, gumulong sa kanyang kandungan hanggang mahulog sa lapag.
“Ah fvck!” Bulalas ko at pareho kaming nataranta.
“Sorry, sorry Cong. Ang cake mo…”
Panay ang sorry ni Kiray at bago pa niya pulutin ang cake na natapon sa sahig ng kotse ay agad ko siyang pinigilan.
“It's ok, Kiray. Hayaan mo na ‘yan. Bibilhan na lang kita ulit bukas, or mamaya pala—”
“Pero kailangan linisin, lalanggamin ‘yan, Alex.”
“Forget about it, ako naman ang may kasalanan. Ipapalinis ko na lang kay Manang at ipapa car wash mamayang morning. Wala naman pasok.”
Napatingin ako sa katawan niya na nadungisan ng cake. Nakababa pa ang strap ng kanyang dress, nakalabas ang cleavage. Napalunok na lang ako. Bakit ang hot niya?
Kinuha niya ang kanyang bag at dumukot ng panyo. Muli ko siyang pinigilan. “Ah, Kiray. It's already midnight. At saka ang dirty mo na. Sorry. Dito ka na lang sa bahay matulog.”
Napatingin si Kiray sa akin, nakatitig na tila hindi makapaniwala sa kanyang narinig.
“Hindi basta-basta matatanggal 'yan ng punas punas lang."
Mabuti naman at pumayag siya.
Bumaba na ako ng kotse at inalalayan ko siyang bumaba. Sakto at lumabas si Manang Adel sa pintuan at sinalubong ako. “O hijo, ginabi ka yata. Dami ba ng trabaho —”
Natigilan si Mamang Adel nang makita si Kiray. Pumikit pikit pa ang aking yaya para siguraduhin na tama ang kanyang nakikita.
“Mamang, totoong babae ‘yan,” sabi ko at napatakip pa siya ng bibig.
“Oh my goodness, dyusmio marimar, barabas, hestas. Dalaga na ang alaga ko,” sabi niya at niyakap ako.
Napa ikot ang mata ko. “Mamang, ang OA.”
Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at bumaling kay Kiray. “Ngayon lang nag dala ng babae dito ang alaga ko. Ikaw lang pala ang hinihintay. Hindi masisi dahil napakaganda mo naman talaga.”
Ang daldal ni Mamang, tsinismis pa ako. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanya ang lahat, siguro ay huwag na lang. Mas maganda nga na paniwalaan niya na lang na girlfriend ko talaga si Kiray.
“Ay ano baga iyang suot mo? Bakit ang daming dumi? Cake ba ‘yan?”
“Yes Mamang. Nabitiwan ko kasi yung cake.”
“Ay ka-obob mo naman, Alex. Mahina na ang iyong tuhod, kailangan mo na ng balut. Paano ka makaka dami ng rounds niyan.”
Hindi ko alam kung bakit tuhod ang naiisip ni Mamang. Basta nagmadali na lang siya na papasukin si Kiray sa loob para raw makapag linis ito. Agad kong pinigilan si Mamang dahil baka langgamin ang kotse ko.
“Mamang, ako na po bahala sa girlfriend ko. Kayo na lang po ang bahala mag linis ng natapong cake sa sasakyan ko. Kahit mabilisang linis lang.”
“Aguy aguy, talaga bagang girlfriend mo ito? Ay sige sige. Ako na ang bahala sa kotse mo at ikaw na ang bahala sa nobya mo. Bilis, akyat na kayo sa kwarto at ako na bahala dito.”
Nahihiya ako sa mga pinagsasabi ni Mamang. Lalo pa at bigla ko na lang hinalikan si Kiray kanina. Mabuti nga at hindi naging awkward pagkatapos no'n.
Hinawakan ko ang kamay ni Kiray at inalalayan paakyat ng hagdan dahil naroon ang aking kwarto sa second floor.
“Ah Kiray."
“Yes, Cong?”
“Hindi mo naman mamasamain na first date natin eh, dinala agad kita sa bahay ko at matutulog sa kwarto ko.”
Napahinto siya nang marinig iyon, muntik niya pa ma-miss ang isang step ng hagdan.
“Wala ka na bang ibang kwarto?” tanong niya.
“Meron naman. Ayaw mo ba? Ok lang naman kung ayaw mo. I understand.”
“Ah ok lang din naman. Wala akong reklamo. Nasa kontrata naman natin ‘yan.”
“Exactly my point. We're just acting. Saka yung ano… yung kiss kanina—”
“Oo naman, Cong. Hindi totoo ‘yon. Kahit nakaka-inis ka.”
“O bakit naman?”
“Kasi… kasi…” napayuko si Kiray tila nahihiya.
“Kasi ano?”
“First kiss ko kasi ‘yon!” bulalas niya at nagulat ako.
Ngumiti lang ako at sinabing. “It's a tie”.
Kitang kita ko ang gulat sa kanyang mukha. May gusto pa sana siyang sabihin ngunit hinila ko na siya papuntang kwarto ko.
Binuksan ko ang aking kwarto at agad na tinanggal ang sapatos ko, mahapdi pa kasi ang kaka opera niyang ingrown ko. Kanina ko pa talaga tinitiis dahil sariwa pa ang sugat ng kinutkot niyang ingrown.
Pagkatapos ay umupo muna ako sa aking kama. Pagod na ako sa totoo lang dahil maghapon ang trabaho ko at ginabi pa ako dahil kay Kiray.
“Maligo ka na, Ms. De Masupil. Baka ka langgamin. Bibigyan kita ng pantulog mamaya pagkatapos mong maligo,” sabi ko at tumalikod siya sa akin.
Nanigas ang buo kong katawan lalo na ang aking built-in armalite sa pagitan ng aking mga hita. It was so long ago nang muli akong tinigasan sa babae. Paano ba naman, hinubad niya ang kanyang black dress, at walang ano ano ay hinubad din niya ang kanyang bra. Bagamat nakatalikod siya sa akin ay kitang kita ko ang hubog ng kanyang katawan. Ang kurba ng kanyang bewang at balakang, whoa. Malaki ang kanyang hinaharap at tayung-tayo kaya nang inangat niya ang kanyang mga kamay para magtali ng buhok ay kitang kita ko ang hugis nito.
Hinihintay kong ibaba niya ang kanyang panty ngunit nagulat ako nang tinawag niya ang pangalan ko.
“Alex, nasaan na ang towel?”
Nataranta ako nang haharap na siya sa akin kaya agad kong iniwas ang aking tingin.
“Hoy, Alex, huwag mong sabihin na tinitigasan ka sa'kin? Bakla ka. Huwag kang feeling—”
“Kiray, I'm not completely gay. I'm bisexual. Oo naman, naninigas din —”
Agad agad ma napatakbo si Kiray sa bathroom. Muntik niya nang buksan ang pinto ng veranda. Buti nakasara.
Napahingang malalim na lang ako. Bakit ko ‘yun sinabi? Baka mailang siya sa akin at iwasan na ako.
Lumabas na ako ng kwarto at pinili kong mag wash up sa main bathroom. Pagkatapos kong maglinis ng katawan ay bumalik na ako sa kwarto, nakabalot ng towel ang ibaba kong katawan.
Naroon na agad si Kiray sa kama nakaupo, naghihintay sa akin. Nakasuot na siya ng tshirt at boxer shorts ko.
“Pasensya na at ako na ang pumili ng susuotin ko, ang tagal mo kasi.”
Ngumiti lang ako at sinabing, ‘it’s ok.’ Habang nag hahanap ako ng pantulog sa closet, tinanong ako ni Kiray.
“Alex, bakla ka ba talaga?”
I froze, still holding tightly onto the shirt. I didn't expect to hear that.
“I told you, bisexual ako. Mukha at kilos ko, lalaking lalaki pero sa puso ko—”
“Ay ganun. Sobrang gwapo mo, sayang naman. Bakit ka ba kasi naging bakla?”
Napaharap ako sa kanya. “Gusto mo bang ikwento ko kung bakit?”
ABANGAN ANG SUSUNOD NA CHAPTER