CHAPTER 5

1403 Words
CHAPTER 5 Kiray’s PoV “Maaga pa naman, Kiray. Would you mind coming with me to my dad’s house? I’d like to introduce you to him.” Napatingin ako sa kanya kung seryoso ba siya. Saka alas nuwebe na, maaga pa ba?“Talaga ba? Mamamanhikan na agad ako? Ang bilis naman, magpapakasal na agad tayo?” bulalas ko at natapakan niya ang break sa gulat. Muntik na ko mapasubsob sa dashboard buti at naka seatbelt kami. “Anong mamamanhikan? Magpapakasal? Ipapakilala pa lang kita. First day pa lang ng panliligaw ko, gusto mo na agad akong pikutin,” sabi niya at napaluwag ang pag hinga ko. Buti naman. “Kaloka ka, Kiray,” bulong niya. Humagikgik na lang ako dahil ang hirap i-imagine na magsasalita siya ng ganu’n. Pero bigla kong na-realize ang sinabi niyang gusto ko siyang pikutin. Ay grabe talaga ang hangin. Gwapong gwapo sa sarili. Pero, gwapo naman kasi talaga siya. “Meet the parents kasi agad…” Napayuko ako saglit. Naalala ko ang ex ko kapag meet the parents na ang usapan. “Are you ok, ano bang meron sa ‘meet the parents’? And what’s with your ex?” Humugot muna ako ng malalim na pag hinga. “Alam mo kasi Cong. sa dalawang taon namin ng ex ko, never niya akong pinakilala sa parents niya. Ang sabi kasi niya, once na pinakilala niya ako, iyon na ‘yung time na mamamanhikan na ako sa kanya. Wala naman kasi akong parents so, wala raw siyang susuyuin. Kaya ako na lang ang mamamanhikan,” mahaba kong paliwanag alam ko namang naintindihan niya. “I see,” iyon lang ang tugon niya at hindi ko namalayan na nakahinto na pala kami. Madilim na kaya nagliliwanag na ang mga ilaw sa paligid. Huminto kami sa malaking bahay. Mas malaki pa sa office niya kanina. Doble, ah hindi, kundi triple. Hindi ko yata kayang makaharap ang parents ni Alex. Nanigas ako sa kinauupuan ko. Hindi ko alam kung anong kinain ni Congressman Alex Catacutan at bakit pagkatapos ng isang dinner date sa 5-star restaurant, bigla akong inimbitahan na ‘meet the parents’ agad. Akala ko joke lang ‘yung sinabi niya. Ano bang nakain niya at bigla niyang naisip na ipakilala ako? “Alex, sa susunod huwag ka nang kakain ng steak.” “Huh, why?” nag-aalala niyang tanong. ‘Wala naman, Love. Tayo na at nang maka-uwi na rin agad,” sabi ko at pinilit na igalaw ang katawan ko. Bumaba siya ng kotse at pinagbuksan ako ng pinto. Hinawakan niya ang kamay ko at isinukbit sa kanyang braso. Ramdam niya yata ang kabog ng aking dibdib kaya gusto niya akong kalmahin. Pagpasok pa lang namin sa mansion nila sa Forbes, para akong nalula. Parang hindi bahay kundi hotel. “Alex, my son, napadalaw ka?” ”Masiglang salubong ng isang may edad na lalaki at tingin ko ay ito na ang kanyang daddy. isang matipuno, maputi, at sobrang pang mafia lord ang dating. Hindi naman siguro ito juding kasi may asawa at anak. Napatingin siya sa akin at tila nagulat. Kaya agad na pinakilala ako ni Alex. “Ah Dad, this is Kiray, my soon-to-be-girlfriend.” Napanganga ang daddy niya sa gulat, walang masabi. Ilang segundo niya rin akong tinitigan at pabalik balik ang tingin kay Alex. “Ngayon lang nagdala ng babae itong anak ko sa bahay.” “Hindi naman first time, Dad. Nung high school may dinala na ako.” “Counted ba yo’n? Eh gumawa lang kayo ng school project. Baka ngayon ay ibang project naman sana ang gawin niyo,” sabi nito at kumindat sa akin. “Oh by the way, Love, this is My Dad, Jack Catacutan.” Nakipag kamay siya sa akin at nginitian ako. Kaya pala ang gwapo ni Alex. “Ang ganda ng girlfriend mo, anak! Kailan mo ko bibigyan ng apo?” sabay tawa pa ito nang malakas. My ghad, Mas advance mag isip si daddy kaysa sa akin. Nasa kasal pa lang ako, nasa honeymoon na siya. Napangiti ako. “Eh baka po magulat na lang kayo, next year may apo na kayo agad.” “Huwag mo ‘kong bibiruin ng ganyan, Kiray. We mean it,” seryosong sabi ni Alex. Natahimik ako. Lalaking lalaki ang pagkakasabi niya. Parang hindi tumili kanina. “Oh siya, bago pa kayo magbuntisan diyan, come in. Have you eaten already?" “Yes, Dad. Don’t worry. Aalis din naman kami agad.I just wanted to stop by and say, I've got a girl now.” Napangiti ako sa sinabi ni Alex. Kikiligin sana ako kaya lang bigla kong naalala, acting lang ito. Umupo kami sa napakalawak at bonggang sala, pag tingin ko sa paligid, may tatlong living room! Ganu’n kalaki ang bahay nila. “Oh, hi there. Nandiyan ka pala Alex.” Napatingin kami sa boses na nanggagaling sa hagdan. May isang babae na hindi naman katandaan ang edad or maybe she just look so young. Siya yata ang ina ni Alex. “Hi, Lucy,” malamig na bati ni Alex. Hindi natinag ang tingin sa akin ng ginang. Parang pakiwari ko ay minamata niya ako dahil nakataas ang kanyang kilay at tinignan ako mula ulo hanggang paa. Kung siya ang nanay ni Alex, bakit Lucy lang ang tawag sa kanya? “Lucy, this is my soon-to-be girlfriend,” sabi ni Alex at lalong tumaas ang kilay nito. “Hindi ka pa niya sinasagot? Ano pa bang hinihintay? Maging senador ka, Alex o president?” parang sarcastic ang pagkaka-sabi nito. parang hindi ko gusto ang tingin niya sa akin. Tahimik. Walang kumibo. Si Alex, napangiti habang hawak ang kamay ko. Pinisil niya ito at bumulong, “don’t worry, I got you.” Tumingin siya sa ginang. “Lucy, this is Kiray, and Love, this is my stepmom, Lucy.” Pagkatapos niyang akong ipakilala sa madrasta niya ay bumaling na siya sa kanyang tatay. “Dad, uwi na kami. As I’ve said, dumaan lang ako para ipailala si Kiray.” Maayos na nagpa-alam si Alex at mukhang gusto pa kami mag stay ni Daddy Jack pero si Lucy ay parang gusto na akong palayasin. Kaya, umalis na rin kami. Dumaan din kami sa isang mamahaling bakeshop. Hindi niya na ako pinababa ng kotse dahil siya na lang daw ang bibili. Pagdating niya ay may bitbitsiyang maliit na box at nlagay sa dashboard. At habang nasa byahe kami, hindi ko maiwasan na magtanong. Ipapakita raw niya sa akin ang bahay niya bago niya ako ihatid sa salon ko. “Ano yung pinag dalhan mo sa akin kanina? Akala ko, bahay mo ‘yun?” “Ah yes, that's also my house. I used to live there pero sira sira na kasi ‘yung district office, pag-upo ko, naubos na ang budget for renovation. So, I had to sacrifice my property para maging accessible sa constituents at the same time malapit sa place ko.” Naubos ang budget? Masyado kasing corrupt ang previous administration. “Of course ‘yung pinang renovate ko do’n, came out from my own pocket. May proper documentation at walang anomalya. Sabi sa R.A. 3019…” Napahikab ako, narinig ko na naman ang Republic Act. Hindi yata mabubuhay si Alex kung walang sina-cite na batas. “Kung sakaling gamitin ito for personal gain, like, pagpapaganda ng bahay gamit ang government funds, it is considered as graft or misuse of public funds.” Hindi ko gaanong maintindihan. Bahay niya rin ang district office? Tapos may iba pa siyang bahay? Basta ang naiintindihan ko lang ay kapag ayaw na sa’yo, i-let go mo na. At higit sa lahat, nakaka in love si Cong. Alex. Nang makarating kami sa bahay niya, humarap siya sa akin pagkatapos niyang iparada sa loob ng garahe niya ang kotse. Tumingin siya sa kanyang relo tila naghihintay ng oras. Ilang minuto na kaming nasa loob ng kotse niya. Wala yata siyang balak na bumaba. Pagkatapos ay ngumiti habang nakatitig lang sa relo niya. “Eight , seven, six…” Nagka-count down si Alex at napatingin din ako sa relo ko. Mag aalas dose na ng madalig araw. Kinuha ni Alex ang binili niya sa bakeshop kanina at nilabas ang isang maliit na white cake. Sinindihan niya ang kandila at sinabing, “Happy birthday, Kiray. Make a wish” Nagulat ako. Hindi ako makapagsalita. Paano niya nalaman na birthday ko exactly ngayong oras na ito? ABANGAN ANG SUSUNOD NA CHAPTER
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD