CHAPTER 9
Alex’s PoV
Pagkatapos kong ikwento kay Kiray ang first and last heartbreak ko, she rested her head on my shoulder at narinig ko ang kanyang hikbi.
“Oh Barbie girl, huwag kang iiyak. Magiging chaka doll ka niyan,” biro ko kay Kiray dahil masyadong apektado sa story of my life.
Inangat niya ang kanyang ulo at nang makita ko ang kanyang mukha ay puno ito ng luha.
“Napakasakit naman no’n, Cong. Pinaghintay ka ng tatlong taon? Pukaret talaga ang babaitang yo’n. Huwag siyang papakita sa'kin dahil papaduguin ko ang kuko niya!” Sabay yakap sa akin at umiyak sa aking dibdib.
Hinalikan ko ang noo niya, salamat at may nakaunawa sa akin. May taong nasabihan ko ng mga bagay na hindi ko masabi sabi. Banayad kong hinaplos haplos ang kanyang buhok at hinead locked sa aking kili-kili. Gustong gusto naman.
Nawala na ang lungkot niya at napalitan ng inis. Sinuntok suntok ang dibdib ko at tuwang tuwa ako. Niyakap ko ulit siya kaya nakalma na siya. Muli kong pinasandig ang ulo niya sa aking dibdib and fondled her hair once again.
“Salamat Kiray. I like you…”
Naramdaman ko ang paghigpit ng kapit niya sa aking bewang.
“I like you so much, bestfriend,” bulong ko at muling humalik sa kanyang noo.
Kumalas na siya sa aking yakap at sa nagngitian kami.
Pinakita ko ang pinky finger ko at sinabing, “from now on ikaw na ang beshy ko.”
Isang napaka cute na ngiti ang tugon ni Kiray at kinawit ang hinliliit niya sa aking daliri. Tanda ng aming pagiging beshy. Niyaya ko na siyang matulog dahil madaling araw na at marami pa akong plano sa amin pag gising sa umaga. Ang dami kong plano, sana ay pumayag siya.
Niyakap ko siya nang sabay kaming humiga, cuddle cuddle.
“Ang sarap pala ng may cuddle sa gabing malamig,” sabi ni Kiray.
“Kaya nga. Ang sarap pala. Can we do it again kapag namiss kita?”
“Yes of course. Ok lang naman.”
Hindi kami makatulog ni Kiray kahit na pagod kami at gabing gabi na.
“Alex?” malambing na tawag ni Kiray. “Ano na nangyari kay Julie ngayon? Kumusta na siya?”
“Ah, ok naman siya. She's a single mom pa rin, after ten or twelve years. She's a doctor now. An OB-GYN.”
Sinimulan ko ulit ang pag kwento ng aking nakaraan kung paano ako naging juding. Tutal, hindi naman kami makatulog.
FLASHBACK…
“Hi, Alex. Kum… kumusta ka na?” nahihiyang tanong ni Julie. Habang hinihintay ang pagbabalot ng mga binili niyang grocery.
“Hi, Ms. Julie. I'm ok. Ikaw?” sagot ko.
Ngumiti lang siya. Nahihiya siyang ipakita ang tiyan niya.
Sa totoo lang nagulat talaga ako na may halong galit at lungkot. Gusto ko siyang tanungin, sumbatan, at i-guilt trip. Pero hindi naman ako mag e-eskandalo sa public. Isa pa, buntis siya, mukhang kabuwanan pa, kaya ayaw ko siyang ma-stress. Well, mukhang ako lang naman talaga ang asang asa sa kanya. Ako lang ang nagseryoso sa pinangako niyang kapag graduating kami ay pwede ko na siyang ligawan. Apparently, she didn't take it seriously. Ang tanga ko. Paano ko naisip na seseryosohin ‘yon ni Julie?
“Mauna na ‘ko, Alex,” sabi ni Julie nang matapos na ang pag pack ng kanyang pinamili.
Wala siyang kasama, marami siyang pinamili at walang mag bubuhat though, assisted naman siya ng mga bagger pero may may limit ang pag assist.
Kaya bago ko pa ilapag ang mga bibilhin ko sa counter, iniwan ko ang lahat ng iyon at sinundan si Julie. I offered her a helping hand. I even volunteered to drive her home but she refused. Ok na raw yung pagsama ko sa kanya sa taxi lane.
Pero hindi ako mapakali. I need to talk to her. Kailangan kong ilabas ang sama ng loob ko. Kailangan ko ng closure.
Kaya sa ayaw at gusto niya, binuhat ko ang mga pinamili niya at nagtungo sa parking lot kung saan naroon ang kotse ko. Wala siyang magawa kundi ang sumunod sa akin.
Pinapasok ko siya sa loob para makapag usap kami. Alam kong kanina pa siya nangangalay sa pagtayo at paglakad.
Nang nasa loob na kami ng kotse, biglang nabalutan ng katahimikan ang paligid. Hindi ko alam kung anong sasabihin sa sobrang dami ng gusto kong sabihin.
I really can't find the words to say. Bago ko pa maibuka ang bibig ko ay nauna na siyang nagsalita.
“I'm sorry, Alex. Alam ko naman na masama talaga ang loob mo sa'kin. I'm sorry,” sabi niya at bahagyang nakayuko. “Pwede mo kong sigawan, sumbatan, pagsabihan ng masakit, anything, Alex. I'm ready.”
“Para saan pa, Julie? You already wasted my three years.”
Bumuntong hininga siya bago magpakawala ng isasagot. “Sorry, Alex,” iyon lang talaga ang sinabi niya. Guilty kasi. There's no need for justification. She hurt me, that's all. Plain and simple.
Lahat ng sama ng loob ko, I just kept it to myself. And accepted the fact na once in my life, nagpakatanga ako sa isang babae,
Pagkatapos ng komprontasyon namin ni Julie sa parking lot, napag desisyunan kong mag move on na kay Julie. Find someone better. I know there are still a lot of women out there, hindi ko lang napapansin dahil nilaan ko ang buong puso para sa kanya lang. . Three years… ang tagal kong sinayang just to wait in vain.
Simula noon, naging interesado na ako sa mga magagandang babae. Sa mga sexy, sa mga wild, outgoing, fashionista, basta kabaliktaran ni Julie.
And they say, the best way to move on is self-improvement. Naging vain ako sa itsura ko. Alaga sa skincare, ang gusto ko pa nga sana ay glass skin. Sabi ng best friend kong si Athena, gwapo na raw ako, matalino, at galing sa makapangyarihang pamilya, bakit daw ako nao-obsess sa paggpapa gwapo?
Pakiramdam ko kasi, kahit lahat ng ‘yun meron na ako, natalo pa rin ako ni Julie. Iniwan niya akong parang wala akong halaga. Kaya naisip ko, siguro ang kulang na lang ay katawan. Muscles. Macho.
Nag-drive ako papunta sa isang high-end gym sa BGC sa isang exclusive, airconditioned, at mukhang puro artista ang members. Pagkapasok pa lang, sinalubong ako ng isang receptionist na mukhang influencer. May suot siyang headset, name tag, at masyadong maliwanag ang ngiti, abot hanggang tenga. “Sir Alex Catacutan, welcome to Macho Fitness Elite,” bati niya. May pa-free protein shake daw sa first day. Pumirma ako ng membership form habang ini-scan nila ang ID ko. Parang airport security ang proseso. Walang kuskos balungos. Basta may pambayad pasok agad.
Pagpasok ko sa actual gym area, amoy ko agad ang pinaghalong disinfectant, pawis, at spring scent. May insenso rin sa gilid. May malaking glass wall na tanaw ang labas at may mga room pa para sa mga newbies.
Inaasahan kong makakita ng sexy at magandang babae. Baka narito sa tabi tabi ang forever ko, nagpapalaki at firm ng butt.
Nagpost ako sa aking social media account na alam kong makakarating kay Julie. May caption ito na:
“Starting a new chapter”
Pero paglingon ko… puro lalaki. Mga maskuladong lalaki. Parang pawang bodybuilders at TikT0k gym vloggers ang nandito. At sa gitna nila, may isang lalaking lumapit sa akin. Matangkad. Mas maputi ako at hindi siya pawisan. At kahit naka-hoodie siya, halatang grabe ang katawan sa ilalim.
“Hi, I'm Rio. Ako ang magiging personal trainer mo.” Nagkamayan kami. Mainit ang palad niya. Matigas ang grip parang hindi ka niya bibitawan at sasaluhin ka kapag ikaw ay nahulog.
Napatitig ako sa kabuuan ni Rio. Parang hindi siya totoo. Parang AI sa kapogian. mukhang artistang papasikat pa lang. Mukhang isang male model ng underwear. Lahat ng akala kong ako na ang may taglay, bigla akong nakaramdam ng insecurity. Hindi ko alam kung intimidation ba ‘yun o paghanga. It's my first time na ma-insecure at ikumpara ang sarili sa iba.
Sinimulan niya akong i-orient. Pinakita niya ang mga equipment. Chest press. Deadlift. Rowing machine. Pati tamang breathing technique habang nagbubuhat. Matigas ang boses niya pero kalmado, Parang ako pa nga ang kinakabahan talaga.
Focus, Alex. Focus.
First day ko pa lang pero halos mabali ang likod ko sa leg day. “Form before weight,” paulit-ulit niya. Minsan tinatamaan niya ang likod ko para ituwid ang posture. Minsan, hawak pa niya ang balikat ko habang tinuturo ang tamang muscle engagement. Ang init ng kamay niya. Pati boses niya, nanunuot sa tenga ko hanggang sa kaloob-looban ng muscle ko sa tuwing inaalalayan niya ako sa pag buhat.
At sa bawat buhat, sa bawat hingal, doon ko narealize, naghahanap ako ng maganda, sexy na babae pero ang mahahanap ko pala ay gwapo, macho na si Rio.
END OF FLASHBACK…
ABANGAN ANG SUSUNOD NA CHAPTER…