CHAPTER 8

1350 Words
CHAPTER 8 Alex's PoV Dahil curious si Kiray kung bakit at paano ako naging bi, kaya simulan ko nang ikwento ang masalimuot kong buhay. FLASHBACK… First year college ako noon sa isang prestigious university dito sa Pilipinas. Sa university na ang tawag ng mga rich kid na students sa kwek-kwek ay orange egg waffles. Political Science ang course ko. Yung tipo ng kursong pangarap ng mga nanay na gusto maging abogado ang anak nila kahit wala naman akong balak mag-bar. Gusto ko lang talaga ng bright future. Lalo na at anak ako ng pulitiko. Nakaka-pressure ang expectation ng Mom at Dad ko sa akin. First day of college, lahat ay high-spirited, excited, at syempre mabait, hindi pa lumalabas ang sungay. Nagsimula nang ipakilala ng adviser namin ang kanyang sarili. Si Mr. Masel. “Tell us your name, where you graduated from, and one interesting fact about you.” Here we go again sa nakaka-inip na first day intro about yourself. Pinilit kong huwag humikab dahil sa boredom kahit nasa likod pa ako naka pwesto. Inip na inip talaga ako. Maraming maganda pero hindi ko type. Typical rich kids na iniiwan lang ang Louis Vuitton na bag sa upuan kapag lalabas ng room. Tinawag ni Mr. Masel ang katabi ko na babae. Kung hindi pa siya tinawag ni sir sa unahan ay hindi ko makikita ang mukha niya. Hindi ko talaga siya agad napansin. Mahinhin kasi. Naka-long skirt pa. Yung parang old school ang fashion, tapos naka-salamin na makapal, maraming tigyawat sa noo, at parang hindi mahilig mag ayos. Hindi siya pangit, hindi rin naman kagandahan. She's just a plain looking woman. Pero nung nagsalita siya, parang... iba. “Hi, I’m Julie Ann Mendoza. From St. Concord Catholic School sa Laguna. An interesting fact about me is… I memorized the preamble.” sabay ngiti ng mahiyain. Hindi ko na napigilan ang humikab. Maski man ako memorized ko ang preamble. What's so impressive about that, anyway? “And also, memorize ko rin ang tongue twister na ‘Peter Piper’,” dagdag pa ni Julie. At nag-sample pa nga. Ang galing, ang bilis ng dila niya. Tinalo si Eminem. Sa likod ng nerdy looks niya ay nagkukubli ang isang rap god. Napatingin ako ng maigi sa kanya at parang bumalik ang diwa ko sa klase. “Memorized ang Peter Piper?” Sa isip ko, ‘she’s my kind of nerd’. Naalala ko kasi noong nasa grade school pa ako, pina recite sa amin ang Peter Piper at sobra akong napahiya noon dahil nagkanda bulol bulol ako. Peter Piper fik a fek of fickled pekpek… Pinagtawanan ako ng lahat. Nakakahiya talaga. Anyway… Simula noon ay palagi na kaming magka-grupo ni Julie sa mga group activities. Siguro dahil pareho kaming active sa recitations, tapos laging nasa library. Sa totoo lang, hindi ko agad napansin na nahuhulog na pala ako. Hindi siya yung tipo ng babaeng habulin ng mga lalaki. She may not be as pretty as the other girls, but there's something about her that stood out. Matalino siya at mabait. May disiplina. Parang dalagang Pilipina ‘ika nga ni Mamang Adel- simple, hindi maarte. “Julie, would you like to join me for lunch?” tanong ko nang second week na ng klase. Pumayag naman siya. Doon na nagsimula ‘yung friendship namin. Naalala ko pa, Foundation Day ng school. May mga booth, may mga bazaar, food stalls. Tapos may jail booth, yung pwedeng pa-kulong ang isang tao for fun tapos kailangan tubusin ng kaibigan or magbayad para makalaya. Nahuli ako sa jailbooth, ang sabi kasi ng humuli sa akin, gwapo raw ako, popular, marami mag be-bail para ako ay makalaya. Hindi ko inaasahan na naroon din pala si Julie. At doon sa jailbooth ako nag confess ng unang confession ko. “Julie,” panimula ko at halata sa boses ko ang nerbyos. “Ahm yes, Alex?” “Matagal na kitang gusto, Julie. Mga one week na. From the moment na sinabi mong memorize mo ang Peter Piper pick a peck... alam kong ikaw ‘yung gusto kong kasama habambuhay.” Tumingin siya sa akin ng seryoso. “Alex…” “Julie, I'm serious. Gusto kita. Pwede ba kitang ligawan?” Tumahimik siya ng matagal. “Alex… sorry. Hindi pa ako ready sa mga love-love na ganyan. Friends muna tayo, ha?” Ngumiti pa siya. Parang walang nangyari. Ako naman, hindi makapaniwala. Sh1t! Na-friendzone ako. Akala ko mutual na ‘yung feelings. May pa-smile smile pa siya sa messages at heart emojis.. May pa-share pa ng notes. Pero busted lamg pala niya ako. First time kong mag-confess, tapos gano’n. Alam mo ‘yung sakit na hindi mo mailabas? Pero nung gabing ‘yun, umakyat ako sa rooftop ng second floor ng bahay namin. Hindi ko alam kung anong trip ko. Hindi naman ako suicidal, pero gusto ko lang mag muni-muni. Mag-isa. Mag-emote. Doon ako nakita ni Mamang Adel, ang aking yaya matandang dalaga na may halo ng Bulakenya at Batangueña accent. Kahit seryoso siya, hindi ko maiiwasang matawa. Pero that time, wala yatang nakapagpatawa sa akin. “Naku Alex, anak! Ay Susmaryosep ka! Anong ginagawa mo riyan sa taas, ha? Aba’y baka mahulog ka riyan, mapagkamalan ka pang wakwak.” Napatingin ako sa kanya, pero hindi ako nagsalita. umakyat siya ng bubong at dahan-dahang lumapit, may dalang payong kahit wala namang ulan. “Ay nako, pag-ibig na ba ‘yan, ano ba ga? Sa edad mong ‘yan, nagpa-pakamatay ka na? Aba’y noong panahon ko—” Ang haba ng kwento ni Mamang Adel. Nag flashback na naman ng kanyang buhay. Ang taas kasi, sobrang taas ng standard niya no wonder siya ay naging matandang dalaga. Napangiti ako kahit papano. “Busted ako, Mamang…” “Aba’y kamalas naman ng bumasted sa'yo. Hayaan mo, someday at magsisisi rin iyon at pinakawalan ka.” Akala ko ay tapos na siya sa flashback niya na mala-MMK. Ilang beses niya nang kinuwento yung first heartbreak niya kay Engineer Rigor na nangibang bansa papuntang Saudi. The one that got away niya. Ako dapat ang nagmo-moment pero sinapawan niya ako. “Eh ako nga anak, iniwan ako. Sabi niya, babalikan daw ako, pero ang binalikan niya ‘yung pinsan kong si Purification! Aba pukerat talaga!” Hindi ko alam kung tatawa ako o maaawa. Pero somehow, gumaan ang loob ko. Simula noon ay wala na akong ibang babae na nagustuhan. Nung second year na ako, nalaman kong nag-shift ng course si Julie. Nursing daw. Hindi man lang niya sinabi sa akin. Tapos lumipat pa sa ibang university. Hindi ko alam kung masama ba ang loob ko o nasaktan lang ako. Pero bago siya umalis, may sinabi siya sa akin. “Alex, kapag graduating na tayo, baka ready na ako. Promise. Hintayin mo ako, ha?” “I swear, Julie , I'll wait for you.” Sino ba namang hindi umasa sa salitang ‘yon? Isa sa pinakamalaking pagkakamali sa buhay ko ay yung umasa ako. Wala akong niligawan kahit isa. Hindi siya nag text o tumawag man lang. Hindi na siya nagparamdam. Pero sa puso ko, tapat ako sa kanya. Wala akong niligawan na babae dahil asang asa ako sa pangako niya. Tatlong taon ang lumipas. Iba’t ibang babae ang nakilala ko, classmates, orgmates, mga babaeng nagpaparamdam. Pero lahat ‘yon, tinanggihan ko. Dahil ang tanging gusto ko lang ay si Julie. Yung gaya niya na kasama ko dati sa library, mahinhin, konserbatibo, mabait. Graduating na ako noon. Fourth year na. Parang kahapon lang nung sinabi niyang "hintayin mo ako." Isang araw, when I was about to buy in the supermarket, kasi bumukod na ako ng bahay. I want to be independent kaya pati ang pagbili at pagluto ng sarili kong pagkain ay ako na ang gumagawa. Just as I was about to line up at the cashier to pay for my groceries, may nakita akong pamilyar na mukha, nasa unahan ko ng pila. Julie. At pag tingin ko sa katawan niya… ang laki na ng kanyang tiyan. I found out that she's eight-month pregnant... a single mom. TO BE CONTINUED ANG FLASHBACK… ABANGAN ANG SUSUNOD NA CHAPTER
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD