Nang marating nila ang entrada ng farm ay agad din silang pinag buksan ng gate ng makilala ng bantay si mandy.
" ay..magandang umaga maam mandy." Magalang sa salubong ni kuya pedring ang guardya sa farm nila.
" hi kuya, magandang umaga po kumusta na po ba kayo rito?". Magalang na tugon ni mandy.
" etoy ayos laang naman ho, mabutiy na pasyal naman kayo dine." Ani pa ni kuya pedring.
" Siya nga ho pala si y-ryx po, kaibigan ko ho." Pagpapakilala niya sa kasama.
Muli nanamang may naramdamang kirot sa puso ni y-ryx sa paraan nito ng pagpapakilala sa kanya, ngunit pinilit niya paring ngumiti rito upang hindi naman magmukhang bastos sa harap nito.
" sya nga ho pala ay, kanina pa kayo hinihintay ni nana rosa nyo, abay labis ang galak ng malaang darating kayo dine."
" naku!! na miss kona nga ho si nana rosa, asan ho ba ang nana rosa?". Tanong naman ni mandy.
" naandon ho sa may taniman at sinisiyasat kung naayos ba ng maigi ang trabaho ng mga manananim." Ani kuya pedring agad din nag paalam si mandy sa ginoo at tinungo ang kinaroroonana ng nana rosa niya.
" nana rosa." Masayang tawag ni mandy sa ginang at tumatakno pa ito papalapit sa kinaroroonan ng ginang.
" ohhh anak, andito na pala kayo kanina pa kayo itinawag ni nanay tasing mo, at papa rine ka nga daw kayo, kumusta kana ba anak? Lalo kang gumanda." Himas pa nito sa pisngi ni mandy na ikinatuwa naman nito.
" maayos naman po ako nay, na miss kona po kayo, kumusta naman po kayo dito?" Balik na tanong naman niya sa ginang.
" maayos naman kami anak dito, siya nga pala sino ba itong gwapong kasama mo?." Tukoy nito kay y-ryx.
" siya nga po pala nay si y-ryx, siya naman si nana rosa y-ryx, ang namamahala dito sa farm." Pagpapakilala niya sa dalawa.
" magandang umaga po nay rosa." Ani y-ryx at humalik pa sa kamay ng ginang.
" hindi lang pala gwapo at magalang pa pala ang batang ere." Ani nanay rosa na ikina ngisi naman ni mandy.
" nobyo mo ba ang poging ito?, abay bagay na bagay kayo, maswerte ka rito kay mandy maganda na at napakabait na bata pa nito." Ani nanay rosa kay y-ryx.
" naku si nanay rosa talaga binobola nanaman ako." Pag salungat naman ni mandy sa ginang.
" naku anak kilala mo ang nanay hindi ito bolera, bagay talaga kayo nitong si pogi."
Nagulat si mandy ng marinig ang pag tugon ni y-ryx " maganda ho talaga si mandy." Lalong namula ang muka ni mandy sa tugon ni y-ryx na iyon, hindi niya aakalain na nagagandahan parin ito sa kanya kahit isa na siyang ganap na ina at napaglipasan na.
" si nanay talaga, kumupas na po ang ganda ko, ganun po yata pag nagiging nanay na." Pagpapakumbaba pa ni mandy.
" naku anak hindi yan totoo, mag tapat ka nga siya ba ang ama ng anak mo?." Mahinang bulong nito kay mandy.
Simula't sapol ay wala naman lalaking ipinakilala si mandy sa mga trabahador na itinuturing na nilang pamilya, wala siyang naging nobyo noong nag aaral pa siya dahil buo ang dedikasyon niya na makatapos ng pag aaral, sadyang nabihag ni y-ryx ang puso ni mandy kaya naman humantong sila sa pagmamahalan hangang sa makabuo sila ng supling, at mabalitaan ng nana tasong at nana rosa niya mula sa ama niya ang nangyari sa kanya, ayon pa sa nanay tasing niya pinag sisihan naman na daw ng daddy niya ang pangengealam sa relasyon nila ni y-ryx noon.
" opo nay siya nga po ang ama ng anak ko." Balik na bulong naman ni mandy.
Ikanatuwa naman ni mandy ang naging reaksyon ng matanda, dahil animo'y teenager ito na kinikilig sa nagugustuhan.
" bagay na bagay talaga kayo anak, ka gandang lalaki pala ng ama ng mga apo ko sa iyo." Anang nana rosa niya.
Naaaliw namang tinignan ni y-ryx ang dalawa sa pag bubulungan nito, dahil para itong mga batang pinag uusapan ang crush ng mga ito.
" hahaha... ohh siya pumaroon na tayo sa farm upang makapamasyal naman kayo ni pogi at makapag mabutihan...este maka pamasyal ng mabuti." Tudyo pa ng ginang sa kanilang dalawa na ikinangiti lang nila ni y-ryx.
Mas lumapit pa si mandy kay y-ryx upang humingi ng pasensya dahil sa kakulitan ng nanay rosa.
" pasensya kana kay nana rosa ahh, makulit talaga yan si nanay." Nahihiyang sambit ni mandyn kay y-ryx.
" no its ok...totoo naman ang mga sinabi niya, hindi naman ako kukuha ng hindi magandang ina para sa anak ko, well para maganda rin ang maging anak ko dapat maganda rin ang nanay niya." Paliwanag pa nito na ikinamula ng pisngi ni mandy, lihim nanaman siyang kinilig sa mga sinabi ni y-ryx.
Mandy ang haba ng hair mo anang isip niya, at pasimpleng napakagat labi at ipinikit ang mga mata dala ng kilig na nadarama, naputol lang ang pag iinarte niya ng marinig ang boses ni y-ryx.
" hey, did you here me?." Anito na ikinagulat ni mandy, kahit nag mukhang tanga ay pilit niya paring nginitian ito at pasimple pang nag pa cute."
" yesh." Namumungay na mga matang napatitig kay y-ryx.
" stop looking at me like that." Saway naman ni y-ryx kay mandy at may pahabol pa itong ibinulong ngunit hindi iyon umabot sa pandinig ni mandy.
" baka hindi pa natin nakikita ang anak natin masundan na agad." Mahinang bulong ni y-ryx na hindi umabot sa pandinig ni mandy, kaya napahalakhak na lang si y-ryx at nag lakad na palayo sa kanila habang hindi parin na aalis ang ngiti sa mga labi.
Kunot noo naman si mandy dahil hindi niya nadinig ang huling salitang sinabi ni y-ryx at na wiwirduhan pa siya sa reaksyon nito, kaya sumunod nalang siya rito, papuntang farm.
Unang bumungad sa paningin nila ang taniman ng manga at dalandan, bakas naman sa mukha ni y-ryx ang tuwa at pagkabigla.
" oohhh... maliit lang pala ang puno ng dalandan." Namamanghang anas ni y-ryx.
" yes and pwede tayong mamitas at mag uwi..for free." Masayang tugon naman ni mandy.
" i love that idea, kahit isang kaing ba ay ok lang?" Nananantayng tanong ni y-ryx kay mandy, balak niya kasing dalhan ang mga bata sa orphanage ng mga prutas upang masanay ang mga paslit sa pagkain ng mga masusutansya.
" sure... are you excited? Kahit ilan pa ang kaya mong mapitas ay pwede nating iuwi." Pag papaalam pa ni mandy kay y-ryx na lalong ikinatuwa naman ni y-ryx.
" really?, ohhh i love that idea", bigla namang may naa si y-ryx na tagpo noong naglilihi pa si mandy.
"naalala mo nung nag ccrave ka sa mangga sa likod bahay natin, inaakyat kopa yung puno para lang maka kuha ng bunga?" Masayang pagbabalik tanaw nila sa nakaraan.
" oo naman muntik ka pa nga mahulog nun, takot na takot ako nun pero nag lalaway na ako sa mangga kaya excited ako nung mapitas mo na yung mangga, tapos nilutuan mo pa nga ako ng bagoong, tuwang tuwa ako nun kasi ang sarap ng pagkakaluto mo sa bagoong." Segunda naman ni mandy.
Muli nanamang nanariwa ang nakaraan at ang pangungulila sa anak nila, kaya napabuntong hinga nalang si mandy sa pagka sabik sa anak.
" hey.. whats with that face again?, ok lang ba kung dadalhan natin ng mga fruits ang mga bata sa orphan, namimiss kona din ang kambal." Nag aalalang anas ni y-ryx, bigla namang nagliwanag muli ang mga mukha ni mandy dahil sa sunod na sinabi y-ryx.
Kunot noo na si mandy habang namimitas ng mga prutas na dadalhin sa maynila, nais kasi niyang dalhan ng matatamis na dalandan ang mga bata, kaya naman nangniningning pa ang mga mata ni mandy ng lingunin nito ang nanay rosa niya upang magtanong.
" nay pano ko po ba malalaman kung matamis ang dalandan." Kuryosong tanong naman ni mandy sa nanay rosa niya.
" naku anak yan ang maipagmamalaki natin sa mga tanim natin dahil matatamis ang mga iyan." Ani nanay rosa.
" naku kung ganun nay dadamihan ko na ang pag pitas." At nag madali naman sa pag pitas si mandy na ikina aliw ni y-ryx.
" i think she's excited to pick a lot of fruits here." Natatawang saad ni y-ryx at inalalayan si mandy sa pamimitas.
Muli nanamang naalala ni y-ryx yung mga panahong nag lilihi pa ito at ganoon din ang reaksyon ni mandy noon ang kaibahan nga lang ay maliit ang tiyan nito.
" do you want to see my tree house?" Parang batang tanong ni mandy kay y-ryx.
" you have?" Gulat na tanong naman ni y-ryx kay mandy.
" yes, i have, doon ako madalas mag laro noong bata pa ako pag dinadala ako ni dad at mom dito sa farm." Pag papaalam nito kay y-ryx.
Matapos nilang makapamitas ng marami ay pagod at gutom naman ang naramdaman nila niyakag niya na si y-ryx sa kanyang palaruan upang makita ang ipinagmamalaki niyang tree house.
" anak doon ko nalang ipahahatid ang pananghalian niyo ni pogi". At nag paalam na sila sa pag punta doon.
Sa loob ng tree house ay buong kagalakan ang at pagka mangha ang nadarama ni y-ryx, maliit lang ang tree house pero parang bahay ito, may higaan at kusina na makipot lang at may lamesa din sa loob nito.
" do you like it?." Tanong ni mandy kay y-ryx.
" yes, this is the most beautiful tree house that ive ever seen in my life." Pag papaalam nito kay mandy.
" salamat naman at natuwa ka sa tree house namin, dito ako madalas mag laro noong bata pa ako, doon naman ang mansyon." Turo nito sa parteng kaliwang bahagi ng kinaroroonan nila.
" at doon naman ang ilog na madalas namin puntahan." Baling naman nito sa gawing kanang na parte.
Maya-maya pa ay narinig na nila ang tawag ng nanay rosa niya, "anak ipapanhik na laang dyan ang pagkain niyo." Anito sa kanila.
Si ignacio ang anak ni nanay rosa ang nag akyat ng pagkain nila kasama ang ilang kawaksi sa mansyon.
" miss mande!!!." Masayang salubong naman ni helena sa kanya.
" ohhh helena kumusta kana?." Salubong nito sa kawaksi.
" ito po ma beute parin, miss mande napanood ko yung pelikula mo ang bungga huh!! ang gwapu ng leding man mo dun, pugi din ni doke, fan ko yun se doke ms. Mande pakilala mo naman ako kay doke ohh." Anito kay mandy kaya naman aliw na aliw si y-ryx sa pag uusap ng dalawa, nagulat nalang sila ng tumili bigla si helena
" ang puge... ang puge... artesta rin ba yan miss mande." Kinikilig na baling nito kay y-ryx.
Nakukulili man ang tenga nila dahil sa mala wang wang na bunganga ni helena ay sinagot parin ni mandy ang mga katanungan nito.
" shhhh... hindi siya artista siya si y-ryx helena best friend ng kuya ni duke." Si helena naman ay panay ang pa cute habang kinikilig sa ka gwapuhan nito.
" excuse me helena." Pag papatabi naman ni ignacio na kararating lang, ito ang may dala ng isang tray na puno ng ulam.
"Hi acio, na miss kita." Wala sa loob na nakayakap si mandy sa kababata nitong si acio labis kasi ang pagka sabik niyang makita ang kababata dahil matagal din mula ng huli silang nagkita nito, natatawa nalang si mandy kay helena dahil nakikiyakap din ito kay acio.
" helena, bumalik kana daw doon sa mansyon at hinahanap kana ng juwa mo" ani acio bakas naman ang pagkasabik nito sa sinabi ni acio ngunit ginawa lang iyon ni acio upang matigil na sa kakulitan si helena.