Naniningkit ang mga mata ni y-ryx ng pagkatitigan nito ang batian ng magka babata, magkayakap kasi ang dalawa at halata ang pagka sabik sa isa't isa, bigla naman nakaramdam si y-ryx ng pag tiim ng bagang dahil hindi niya ikinatuwa ang pagbati ng dalawa sa isa't isa, kaya naman tumikhim siya upang maagaw ang atensyon ng dalawa.
" oh, may kasama ka pala." Puna ni ignacio kay y-ryx at nag yuko pa ito bilang pag bati kay y-ryx.
Si y-ryx naman ay nag lahad ng kamay upang makipagkilala kay ignacio at pilit ngiti itong nakipagkilala.
" y-ryx ...pre, im the father of mandy's child." Taas noong pagpapakilala nito kay ignacio na ikinagulat naman ni ignacio at napabaling ang tingin nito kay mandy.
" ma.. may anak na kayo?" Gulat na tanong nito sa tinuran ni y-ryx.
Sa maynila na nag aral si acio dahil nakakuha ito ng scholarship doon, at nang kunin ng isa sa may pinaka malaking kumpanya sa bansa si acio ay sa bayan sa lugar ng san dionisio siya nag pa destino sa pag aakalang doon naninirahan si mandy, ngunit napag alaman niya na lang na umalis ito papuntang maynila at magmula ng graduation nito ay hindi na sila muling nagkita pa, at sa bayan naman madalas mama lagi si acio kaya hindi nito nabalitaan ang nangyari kay mandy at tanging mga magulang lang nito na napag sabihan ng nanay tasing niya.
" yes, we have." Ani y-ryx si mandy naman ay napangiti sa tinuran ni y-ryx, ngunit bigla din itong napayuko.
" ahh.. oo acio nagka anak kami ni y-ryx pero may kumuha sa bata, kaya kami andito para tanungin si dad kung siya ba ang kumuha sa anak namin." Malungkot ang mga matang pag lalahad nito kay acio.
" what?, si tito mando magagawa yun sa anak mo?, i dont think that he can do it to his own grandchild?" Na iiling na pahayag naman ni acio kay mandy.
" what if he did?." Singit naman ni ryx sa usapan ng dalawa.
Nagkatinginan naman si mandy at acio samantalang si acio naman ay kunot noo at hindi makapaniwala.
" well..mamaya na natin pag usapan yan lets eat first andeng, excuse us." Putol ni y-ryx sa usapan ni acio at mandy, kaya naman hinawakan na ni y-ryx ang kamay ni mandy upang yakagin itong kumain.
" sabay kana samin." Paanyaya naman ni mandy kay acio.
" thanks for the invite, hindi ko tatanggihan yan." Anito kay mandy, at sumunod na ito sa dalawa upang makisalo.
Nang mapansin nilang dalawang plato lang ang naka handa ay agad naman umandar ang idea ni y-ryx upang lalong pamukhaan si acio.
" take this, magsasalo nalang kami sa iisang plato, right mommy?." At ngumiti pa ito ng nakakaloko pabaling kay acio.
Si mandy naman ay biglang tinubuan ng hiya, matagal na panahon na din ng huli silang nag salo ni ryx sa iisang plato kaya parang naninibago siya.
Habang kumakain ay napansin ni mandy ang sadyang paglalagay ni ryx ng pagkain sa pinggan at sinusubuan pa siya habang nangingising sumusulyap kay acio.
" diba favorite mo ito mands?, here." Ani acio habang pumapasimpleng sulyap kay ryx na may ngiting nakakaloko.
Panay ay pag papabida ng dalawa kay mandy at walang nag papatalo sa dalawa, matapos kumain ay nag pahinga muna sila sa ibaba ng tree house sa ilalim ng puno.
" na aalala moba dito tayo madalas mag stay, habang dinuduyan kita tapos pag napagod na ako tatabi na ako sayo hangang sa makatulog na tayo dito sa duyan?" Pagbabalik tanaw nito sa mga dating gawain nila ni mandy.
" oo naman acio, tapos minsan nga nalaglagan ka ng bunga ng manga sa ulo, tawa ako ng tawa nun kasi nagka bukol kapa nga." Segunda naman ni mandy, habang si y-ryx ay nakikinig lang sa dalawa at tiim bagang.
" oo nga pala, paano ba nawala ang anak niyo?, pag iiba naman ni acio sa usapin.
Kaya naman napilitan na si y-ryx mag lahad ng naturang pangyayari kahit labag sa kalooban niya.
" so... ayaw pala sayo ni tito mando?, kasal naba kayo?" Muling usisa nito na malugod namang tinugon ni mandy.
" ahhh!!, so may anak lang kayo." Tatango tangong pahayag nito na ikinakunot naman ng noo ni y-ryx, maya-maya pa ay nag paalam naman si mandy upang magtungo sa palikuran.
At doon nagkaroon ng palitan ng salitaan ang dalawang lalaki, " what's your problem man?" Ani ryx kay acio, at maang naman nitong tinuro ang sarili.
" me??, wala akong problema pre, baka ikaw meron." Maangas na pagkakasabi nito.
" i know you have feelings for mandy, sorry ka nalang pre, ako nakauna at may anak kami." Sarkastikong pagkakasabi nito sa kausap.
"Mas kilala ko naman siya kesa sayo, dahil childhood sweetheart kami, may anak nga kayo pero hindi naman kayo kasal at nawala mo pa ang anak niyo." Buwelta naman nito kay y-ryx. Na lalong nagpasingkit sa mata ni y-ryx at nagpa tiim bagang dito.
" i will do everything to find our child, para mabuo na kaming pamilya, at hindi ako papayag na may sumira pa samin ni mandy." Madiin na pagkakasabi ni y-ryx, parang wala namang narinig si acio at panay sarkastikong ngiti lang ang ginawa nito, bigla namang umamo ang hitsura nito ng dumating na si mandy at si y-ryx naman ay patay malisya sa namagitan pag didiskusyon sa kanila ng binata kani kanina lang.
" pinakita mona ba kay ryx kung saan tayo madalas maligo?." Ani acio na animoy mabait na kaibigan.
" naku.. buti pina alala mo hindi ko pa nga siya nadadala sa ilog, tara para makita mo kung saan ako madalas magbabad pag andito ako." At niyakag na ng mag kaibigan si y-ryx upang ipakita ang natatagong paraiso ng hacienda madeline.
" Wow this is breath taking scenery." Ani y-ryx at pikit mata habang sinasamyo ang sariwang hangin, at mabilis namang gumana ang kanyang imahinasyon, naliligo sila ni mandy sa ilog habang magkayakap sa isa't isa.
" ryx." Putol ni mandy sa imahinasyon ni y-eryx, natawa pa sila ni acio sa reaksyon nito ng maagaw na ni mandy ang atensyon ni y-ryx.
" ye..yes?" Anito kay mandy.
" i said, what if dalhin natin ang mga bata dito, and also your friends?, do you think mag eenjoy sila rito?." Alalang tanong ni mandy kay y-ryx.
" ohhh... ofcourse they will enjoy.. ako nga na inlove sa lugar na ito eh, so peaceful and so unwind." Tugon nito na ikinatuwa naman ni mandy.
" ohh.. thats good kung ganun." Nagulat nalang si y-ryx at acio ng biglang tanggalin ni mandy ang shorts at white-shirt nito at tumambad sa mga mata nila ang makurbang katawan nito at ang bathing suit na blue.
Nagkatinginan nalang ang dalawa na animoy nabasa ng isa't isa ang iniisip ng bawat isa, kaya naman kahit walang dalang pamalit ay sumunod si y-ryx at mabilis na inalis ang suot na short at white-t shirt, sabay lundag sa malamig na tubig ng ilog, habang si acio naman ay naiwan sa kinalalagyan at tulala.
Natauhan lang ito ng marinig ang tili ni mandy, buhat ito ni y-ryx at iniangat sa tubig ng makarating sa lupa ay mag kasabay na tumalon ang dalawa habang buhat ito ni y-ryx.
Si acio naman ay kunot na kunot na ang noo habang pinagmamasdan ang dalawa na masayang naglalangoy sa tubig ilog.
Panay sisid naman ni y-ryx sa ilalim ng tubig at sinasadyang hulihin si mandy, para silang mga taong ilog na panay ang habulan dahil malinaw ang tubig ay hindi nahirapan si y-ryx na hulihin si mandy.
Ng mapuna naman ni mandy na sila lang ni y-ryx ang panay langoy ay umahon na ito at dinaluhan si acio na kasalukuyang nakaupo sa may cottage na malapit.
" here's your towel." Pulupot nito sa katawan ni mandy, na ikina inis naman ni y-ryx.
" thanks acio." Ngiting pasalamat naman ni mandy.
Si ryx ay tiim bagang sa nasaksihan kaya naman nag desisyon na itong umahon at mabilis na lumapit sa kinaroroonan ni mandy, habang si acio naman ay nakangising nakatunghay sa papalapit sa si ryx.
" do you have extra towel?, i forget to bring towel, hindi ko kasi alam na may river pala dito na ubod ng ganda, na excite na kasi akong lumangoy ng makita ko yung tubig." Paliwanag pa nito.
Si mandy naman ay maagap na ibinahagi ang tuwalyang nakapulupot sa katawan, malaki ang tuwalya at sa tantiya niya ay kasya silang dalawa doon.
" here share nalang tayo." Anito, kaya naman sinamantala na ni y-ryx ang pagkakataon at hinapit ang beywang ni mandy upang mas lalong magkadikit ang kanilang katawan at buong pagmamalaking pinagkatitigan si acio na ikina inis naman ng huli.
Sa mansyon na sila nag banlaw at matapos maligo ay siyang dating din ng ama ni mandy, tuwang tuwa ang ama nito ng makita ang unica ija nito.
" dad." At lumapit ito sa ama at humalik sa pisngi nito.
Nang mapansin naman nito si y-ryx ay tuhikhim muna ito at kunot noong ang pagkakatitig kay y-ryx, at halata sa mukha nitong may hinahanap kaya panay ang linga nito at pabaling ang tingin kay mandy at y-ryx.
" where's my grand child?" Kunot noong tanong nito na ikina gulat naman ni y-ryx.
" you mean wala sayo ang anak namin?." Anito sa ama ni mandy, nagtaka naman ang matanda sa tinuran ni y-ryx kaya bumaling naman ito sa anak.
" what did you say?." Kunot noong tanong nito kay y-ryx, kaya si mandy na ang namagitan sa dalawa.
" dad, nawawala po ang anak namin, a..akala namin kayo ang kumuha." Pag lalahad nito sa ama.
" WHAT? WHEN?, are you accusing me, bakit ko kukunin ang apo ko sa inyo?, ganun kasama ang tingin sakin ng lalaki ito at pati ikaw na sarili kong anak nagpapaniwala sa lalaking ito, i can't believe this mandy, manang mana ka talaga sa mommy mo." Naiiling na saad nito.
" diba kaya nga nilayo mo sakin si mandy at ganun din ang ginawa mo sa anak ko?, ano bang kasalanan ko sayo bakit mo ginagawa mo ito sakin, wala akong kasalanan sayo, para ilayo mo sakin ang mag ina ko." Sumbat nito sa ama ni mandy.
Napabuntong hining naman ang matanda bago siya hinarap nito, " i admit na binawi ko ang anak ko sayo, pero hindi ko inilayo ang apo ko sayo, dahil nakiusap ang anak ko na wag ilayo sayo ang bata, tapos ngayon ako ang pagbibintangan mong kumuha sa apo ko?, how careless you are para maiwala ang isang bata." Sermon naman nito kay y-ryx.
Napaupo nalang si y-ryx sa upuan habang sapo ang ulo nito, at taimtim na nag iisip ng mabuti.
Muling nangusisa naman ang ama ni mandy sa kung paano ang nangyari at kung paano nawala ang anak, kaya naman naluluhang inilahad ni y-ryx ang pangyayari apat na taon ng nakakalipas.
" bakit ngayon ka lang lumapit para itanong sakin ang bagay na iyan?" Anito kay y-ryx, pasimple itong nag pahid ng mata bago tumugon.
" i studied abroad, doon ako nag masteral dahil gusto ko pag humarap ako sa inyo ay may maipag mamalaki na ako and i can assure you na kaya ko ng bumuhay ng pamilya." Matapang na saad nito sa ama ni mandy.
" so what's your plan now?, anito at nag palipat lipat ng tingin sa kanilang dalawa ni mandy.
" i hired, investigator then he said may lead na sila sa nag sunog ng bahay, may possibility din daw na ito ang kumuha sa anak ko. " Paglalahad ni y-ryx.
Tumango tango naman ang matanda habang hinihimas ang baba nito, at nag palakad lakad na animo'y may malalim na iniisip.
" i want to talk to you in private, just you and me in my office now." Anito kay y-ryx kaya wala ng nagawa ito kundi ang sumunod sa ama ni mandy.
" dad." Tawag pa ni mandy sa papalayong ama.
" its ok." Hawak ni y-ryx sa balikat ni mandy at sumunod na ito sa ama ni mandy.
Matapos makapag usap ay hindi na sinabi pa ni y-ryx kung anong napag usapan nila ng ama ni mandy, kasalukuyan na silang nag gagayak ng mga dadalhin pauwi.
Matapos makapag meryenda ay nag pahinga muna sila, nagulat naman si mandy sa pahayag ng ama nito.
" tell me when were you going to visits your mom? Anito.
" maybe next week dad, why?." Kunot noong tanong nito sa ama.
" ill go with you."
"Really dad?." Natuwa naman si mandy sa ninanais ng ama kaya napayakap nalang ito sa ama.
" i can't wait to see us together again." Naluluhang saad nito sa ama.
" me too.. anak yan kasing mommy mo masyadong artistahin, nakita lang na may dalang maleta si lilibeth akala dito na nakatira kasama ko!, i love your mom very much,kaya hindi ko magagawa ang ibinibintang niya saakin, at ang nakita mo samin ng secretary ko ay hindi ko alam na hahalika niya ako, at hindi totoo na may babae ako." Naluluhang pahayag nito kay mandy.
" that's good to hear dad, and im sorry kung pati ako iniwan ka." At yumakap pa ito sa ama agad naman itong hinagkan ng ama sa ulo nito.
" im sorry din anak, i know may pagkukulang din ako, im sorry if i force you to marrying someone without asking your opinion, bilisan niyo na ang pag hahanap sa apo ko huh i want to hug my apo " pahabol pa nito sa mahinang bulong, kaya naman tumango lang si mandy at masayang nag paalam sa ama at sa mga kawaksi.
Inihatid pa sila nito sa pinto, hangang sa mawala na sila sa paningin nito at makalayo na ang sasakyang kinalululanan nila.
Tahimik naman silang nag lalakbay pabalik sa maynila ng makatanggap si y-ryx ng tawag mula sa inatasang mag imbestiga sa pagkawala ng anak, kaya naman huminto muna sila sa isang convenient store upang makausap ng maayos ang naturang imbestigador.
" yes mr. Calixto any news?." Bungad ni y-ryx sa kaulayawa sa kabilang linya ng telepono.
" yes tomorrow lets meet at the police station, ok see you there." At pinutol na nito ang usapan.
Nang mapansin naman ni y-ryx ang mga matang nag tatanong ni mandy ay sinabi niya ang napag usapan nila ng naturang imbestigador.
" sasamahan kita, after ng taping magkita nalang tayo bukas." Ani mandy kay y-ryx, kasalukuyan na nilang binabagtas ang papunta sa location ng pag sho shootingan nito, nauna na di umano ang mga asisstant nito at make up artist doon at siya nalang ang hinihintay bagama't maaga pa sa call time niya.
Nang marating nila ang location ay may iilang tao palang ang nandoon at nag seset up palang ng aircon tent na pag sstayan ng mga artista, nag paalam na si mandy kay y-ryx na bababa ngunit ikinagulat naman ni mandy ng gawaran siya ni y-ryx ng masuyong halik sa mga labi kaya naman saglit siyang napatulala.
" see you tomorrow." Anito sa kanya.
" se...see you tomorrow." Tulalang tugon ni mandy at bumaba na ito sa sasakyan.
Siniguro muna ni y-ryx na maayos ang magiging lagay mi mandy sa naturang lugar bago siya umalis, ngunit hindi nakaligtas sa paninging niya ang lalaking lumapit dito at may inabot na bulaklak at chocolate, kaya naman tiim bagang niya itong pinag sino, habang naka kuyom ang mga kamao.